00:00Welcome naman sa Digital Advocacy Group na Digital Pinoy
00:03ang desisyon ng social media giant na TikTok
00:05na ihinto na ang lahat ng patalastas na may kaugnayan sa real money gambling sa Pilipinas simula ngayong araw.
00:12Ayon kay Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoy,
00:15malaking tagumpay ang hakbang na ito sa kampanya
00:18para mas maging ligtas ang online environment,
00:21lalo na ngayong dumadami ang illegal online gambling sites na kinahuhumalingan ng ilang mga Pilipino.
00:26Sinabi na Gustilo na kadalasang mga kabataan, manggagawa at pamilyang mababa ang kita
00:32ang pangunahing na apektoan ng mga ganitong uri ng online ads.
00:36Nanawagan din ang grupo sa iba't ibang social media platform na sundan ang ginawa ng TikTok
00:40at tanggalin din ang lahat ng real money gambling ads.