00:00Nakatanggap na ng Mid-Year Bonus sa mga kawaninang gobyerno simula nitong Mayo at 15.
00:05Ayon sa Department of Budget and Management, alinsunod ito sa Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:12na agarang ilabas ang Mid-Year Bonus bilang pagpapahalaga at pagibigay-pugay sa sakripisyo,
00:19pagod at walang sawang paglilingkod ng mga kawaninang gobyerno.
00:23Ang natanggap ng Mid-Year Bonus ay katumbas na isang buwang sweldo ng isang empleyado ng pamahalaan.
00:29Batay sa DBM Budget Circular, ibibigay ang Mid-Year Bonus sa mga empleyadong nakapagsilbi ng hindi bababa sa apat na buwang aggregate service
00:38mula July 1 ng nakaraang taon hanggang May 15 sa kasalukuyang taon at dapat satisfactory ang performance rating sa nakaraang evaluation period.