00:00Pinangalanan ni Sen. Kiko Pangilinan ang umano'y mga sangkot sa agricultural smuggling.
00:06Yan ang ulat ni Bel Custodio.
00:10Pinangalanan ni Sen. Francis Pangilinan ang mga custom brokers at kumpanya
00:15na umano'y sangkot sa agricultural smuggling sa Senate hearing ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform,
00:22kasunod ng tila mabagal na proseso sa pagpapanagot sa mga smugglers sa bansa.
00:27Ang concern natin dyan, di 15 million, 20 million, non-vailable, hindi ba?
00:34Non-vailable. Kung talagang yun ang ilalabas na actual na valuation,
00:39eh di dapat iwawaran to pares yun, di na makakalabas ng kulungan yun hanggang habang nililitis.
00:46Eh kung mabagal at hindi na aksyonang kaagad dahil July 24 ata o third week of July, tama?
00:53So it's already the fourth week of August. Eh baka nag-escap po na lahat yun.
00:58Kabilang sa mga consignees ang hinihinalang mga kontrabando ay ang 1024 Consumer Goods Trading,
01:04Virtuous Consumer Goods Trading, EPCB Consumer Goods Trading, Queenstar Industry Consumer Trading,
01:11at Vox Enterprises o PC.
01:14Pinangalanan din na Senador ang mismong mga pangalan ng custom brokers.
01:17I-lalagay na natin on record dahil minsan eh, hindi nalalaman yung pangalan eh, tinatago o kaya kung ano-ano, di ba?
01:27Ayon sa Senador, kapag in-inspect na ng DA, sampahan na agad ng kaso ang mga sangkot at isama na sa blacklist.
01:34Batay sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Law, kapag mahigit 10 milyong piso na ang market value na smuggled agricultural products,
01:41non-vailable na dapat ito.
01:44Pero problema ng DA, lahat ng aksyon na ahensya sa smuggling ay dadaan sa law enforcement agencies,
01:50kabilang ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Council at Bureau of Customs para makapagsampa ng reklamo.
01:56Kaya hiling ni Agriculture Secretary Francisco Tulaurel Jr. na mabigyan ang DA ng pangil para mapabilis ang pagpapanagod sa agricultural smugglers.
02:04Ang DA, Yusek Karag, is actually bigyan kami ng enforcement powers and ang gusto rin namin, if possible, is kami maging sekretariat,
02:14if not a member naman of the council, at least maging sekretariat para ma-handle namin maigi yung sitwasyon.
02:22Ang administration namin ngayon, ang pinakamaraming nahuli.
02:25Kaugnay nito, patuloy na pinaplan siya sa Kongreso ang pag-amienda sa Rice Tarification Law
02:31upang maibalik ang otoridad ng NFA sa pag-regulate na importation at masugpo ang smuggling at hoarding.
02:38Mungkahi pa ni Sen. Kiko na kung pwede ay ilipat ang 3 bilyong pondo para sa pre-inspeksyon ng importation at border control
02:45upang madaling ma-identify ang mga smuggled products.
02:48Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.