Skip to playerSkip to main content
13 biyahe, nakansela ngayong Martes sa PITX bunsod ng Bagyong #TinoPH | ulat ni Bernard Ferrer

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bunsod ng masamang panahon, dala ng Bagyong Tino, alamin natin ang mga biyahe o ruta na nakansila ngayong araw.
00:06Si Bernard Ferrer sa Detalye Live. Bernard!
00:13Joshua, umabot na sa 13 biyahe dito sa Paranaque Integrated Thermal Exchange,
00:19ang nakansila ngayong araw, bunsod ng Bagyong Tino.
00:22Sa abiso ng pamunuan ng PITX, 13 biyahe ang nakansila ngayong Martes na sa masamang panahon,
00:32kabilang sa ma-epektadong ruta ang Palompon at Lauang sa Eastern Summer,
00:38San Jose sa Occidental Mindoro at Maspate sa Bicol Region.
00:42Samantala, nag-alunsyo rin ang Cebu Pacific ng kansiladong flights ngayong araw,
00:47kabilang ang papunta at mula sa El Nido, Cebu, Katiklan, Koron, Maspate, San Jose,
00:54Cagayan de Oro, Pakolod, Kalbayog, Tacloban, Dipolog, Pagadian, Kamigin, Sargao, Osamis, Davao, Butuan,
01:04Boracay, General Santos, Puerto Princesa, Rojas, Sabuanga at Iloilo.
01:10Kasama rin sa ma-apektado ang mga international flights to puntang Narita at Osaka.
01:15Nakansila rin ang mga biyahe o nagkansila rin ang biyahe ang Philippine Airlines,
01:21kabilang ang papunta sa Cebu, Bacolod, Iloilo, Manila, Boswanga, Clark, Davao, Tacloban, Butuan,
01:30Dipolog, Uzamis, Rojas, Tagbilaran, Cagayan de Oro, Katiklan, Sargao, Dumaguete at General Santos,
01:39ganyan din ang mga international flights papuntang Seoul at Narita.
01:44Tiniyak ni Department of Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez na nakahanda ang kagawaran
01:50kasama ang mga kaugnay na ahensya sa pagtulong sa mga pasaherong apektado ng Bagyong Tino.
01:57Ito ay matapos ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. na siguruduhin ligtas at komportable
02:04ang mga pasahero sa lahat ng uri ng transportasyon, lalo na sa panahon ng kalamidad.
02:10Paalalan ni Acting Secretary Lopez na dapat maagang i-anunsyo ang mga kanseladong biyahe
02:16upang maiwasang dumami o ma-stranded ang mga pasahero sa mga terminal at pantalan at paliparan.
02:23Iginit din ang kalihim na walang dapat re-booking fees at walang dagdag na sihil sa mga pasaherong may apektadong flights.
02:31Pinapayagan din ang optional fare upon para sa mga nagnanais na pasahero.
02:38Joshua dito sa PITX, pinapayuhan yung mga pasahero na i-check ang kanilong official page
02:45para matiyak o makita ang listahan ng mga nakakansilang biyahe.
02:50Dito naman sa aking likuran, kasalukuyang tuloy pa rin yung pagdating ng mga kababayan natin,
02:57particular yung mga papasok sa trabaho at skwelahan.
03:00Joshua?
03:02Maraming salamat Bernard Ferrer.

Recommended