00:00Mas pinalawak pa ng pamahalaan ng paghahatid ng pinabilis na servisyo medikal sa ating mga kababayan.
00:07Sa katunayan, naghatid si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higit isang daang patient transport vehicles para sa mga probinsya sa Eastern Visayas.
00:17Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balika.
00:20Mas pinarami pa ng pamahalaan ng mga komunidad na maseservisyohan ng patient transport vehicles o PTV na proyekto ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
00:32Kanina, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng karagdagang 124 PTV sa mga lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas.
00:42Kabilang na ang mga LGU mula Biliran, Southern Leyte, Samar, Eastern Samar, Northern Samar at Leyte.
00:49Ayon sa Pangulo, bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng pamahalaan na mas mapalakas ang healthcare system sa bansa at mabigyan ng kakayahan ng mga LGU na mabilis na rumispunde sa panahon ng emergency.
01:01This is our continuing effort to strengthen our healthcare system and to bring healthcare back as low down to the smallest members of our society na panapitid lang natin ng healthcare sa taong bayan.
01:20Matapos ang distribusyon, umabot na sa kabuang 1,297 ng mga emergency vehicle ang naipamahagi ng pamahalaan na katumbas ng 75% ng mga LGU sa bansa.
01:32Target daw na mabigyan ang lahat ng LGU sa bansa bago matapos ang taon, bago simulan ang second round ng distribusyon.
01:39Kasi pag natapos na namin mag-100% na lahat itong 1,642 na bayan at saka lunsod, bubalikan din namin.
01:47E meron dyan talaga, yung maliit, okay na yung isa, pero yung malalaki, kulang.
01:52So baka bigyan na naman natin ng isa pa.
01:55So we have to patuloy, nakpatuloy lang ito, patuloy lang namin gagawin hanggang medyo naman maayos na yung ating sistema.
02:03Kada medical vehicle ay kumpleto na ng mga kagamitan tulad ng stretcher, oxygen tank, wheelchair, first aid kit, blood pressure monitor at medicine cabinet.
02:13Dagdag pa ng pangulo na angkop ang sasakyan sa bansa, lalo na sa mga maliliit na kalye para agad na makapagresponde.
02:19At hindi rin anya kailangan problemahin ang piyesa nito oras na magkaaberya.
02:23Itong brand na ito, very very reliable yan. At saka kagaya ng aking nasabi, kahit sinong mekaniko dito sa Pilipinas, kaya nilang ayusin ito.
02:31At hindi mahirap makuha ang piyesa. Kaya talagaan nyo lang, tatagal ng mabuti yan.
02:37Nagpasalamat naman ang ilang lokal na pamahalaan sa hakbang na ito ng gobyerno.
02:41This gift is nothing less than a game changer in terms of our LGU's abilities to provide prompt transportation services for those that require emergency medical facilities.
02:57Kenneth Pasiente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.