00:00Patuloy ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapabuti ng servisyong medikal sa bansa, lalo na sa malalayong lugar.
00:08Pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng Patient Transport Vehicles of PTV sa Depolog City, Zamboanga del Norte.
00:16Aabot sa 106 na mga PTV ang inihatid upang maipamahagi sa lungsod at munisipalidad sa mga probinsya ng Zamboanga del Norte,
00:26Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Lano del Sur at Isabela City sa Basilan.
00:32Ang pamamahaging ito ay bahagi pa rin ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng Philippine Charity Sweep 6 Office
00:40na layong magbigay ng medical transport vehicles sa mga lokal na pamahalaan at ospital, lalo na sa mga malalayo at liblib na lugar.
00:49Nauna rito, binisita naman ni Pangulong Marcos Jr. ang Camuel Elementary School sa Tampilisan, Zamboanga del Norte,
00:59kaugnay ng libre ang internet connection sa ilalim ng Free Wi-Fi Access for All Program ng Pamahalaan.
01:06Sinaksihan ng Pangulo ang digitally operated na pagtuturo sa klase sa paaralan.
01:11Nakausap din ni Pangulong Marcos Jr. sa pamamagitan ng live video teleconference
01:17ang ibang paaralan sa probinsya na naaabot na ng libreng internet.