Skip to playerSkip to main content
Labis-labis na order ng tissue paper na hindi na magkasya sa bodega ang isa sa mga pinuna ng Commission on Audit sa gastusin ng Social Security System (SSS). May mga kulang din ang nakuhang funeral benefit habang ang ibang patay nakakatanggap pa rin ng pensiyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Labis-labis na order ng tissue paper na hindi na magkasa sa bodega.
00:07Ang isa sa mga pinuna ng Commission on Audit sa gastusin ng Social Security System o SSS.
00:16May mga kulang din ang nakuhang funeral benefit.
00:19Habang ang ibang patay, nakakatanggap pa rin ang pensyon.
00:24Nakatutok si Maki Pulido.
00:25Tila hindi pondo ang ikinatatakot na maubos ng Social Security System kundi tissue paper sa dami ng inorder nito noong 2024.
00:38Sa audit report ng COA o Commission on Audit, mahigit 140,000 rolyo ng tissue paper ang inorder ng SSS na nagkakahalaga ng halos 13.2 milyon pesos.
00:50Sobra pa ito sa dalawang buwang supply na kailangan ng SSS.
00:53Sa sobrang dami ng supply, hindi ito nagkasa sa kanilang bodega.
00:58Ayon sa COA, mahigit 116,000 rolyo ng tissue paper ang nasa bodega pa ng mga supplier.
01:04Nabatay lang sa verbal agreement at wala man lang pinirmahan kaugnay sa pag-iimbak.
01:09Sabi ng COA, malinaw itong paglabag sa patakaran sa mga transaksyon at operasyon ng gobyerno.
01:14Puna ng mga state auditor, may panganib na mawala o masira ang daanlibong tissue paper at indikasyong di napagplanuhan ng maayos ang procurement, nakahihinayang, lalo kung masayang.
01:26Lalo't sa 6,548 pesos na monthly average pension ng SSS, ang pinambili ng tissue paper ay katumbas ng isang buwang pensyon ng nasa 2,000 pensioner.
01:37Kung funeral benefit naman, hanggang mahigit 600 yumaong miyembro ang maaaring matulungan.
01:43Pero kahit sa mismong funeral benefits, pino na.
01:47Halos 300 kasi na mga nag-claim ang kulang ang binigay na funeral benefit.
01:52Lumaba sa COA audit na may underpayment na halos 3 million pesos dahil sa hindi kompletong computation na mga kontribusyon ng mga yumaong SSS member.
02:02Maaring naapektohan daw nito yung entitlement o binipisyong karapatang matanggap ng mga asawa o kaanak ng mga yumaong SSS member.
02:11Kung merong nagkulang sa funeral benefit, may mga miyembro namang nakatanggap pa rin ang pensyon kahit patay na.
02:18Napuna ng mga auditor na nagbayad ang SSS ng higit 24 million pesos na pensyon para sa mga yumaong mga miyembro.
02:25Ayon sa COA, nahahighlight nito ang kahinaan sa pagbabantay sa kanilang pera para maiwasan ang pagkawala o pagkasayang ng pondo kaya't nalalagay sa panganib ang pensyon fund ng SSS.
02:37Sa kabila ng mga pulang ito, sabi ng COA, sa ilalim ng prestige award ng SSS, binigyan nila ng 50,000 pesos cash incentive ang mahigit 6,500 na mga opisyal at empleyado na may kabuang halaga na 333 million pesos.
02:54Ipinunto ng mga auditor na batay sa CSC Memorandum Circular, maaari lamang magbigay ng pera bilang gantimpala kung may hakbang ang binigyan na nagresulta sa pagkakatipid ng pondo at ang igagawad na pera sa kanila ay hindi dapat lumampas sa 20% ng natipid.
03:11Pinasusumitin ng auditor sa SSS ang kanilang batayan. Kung hindi, ay pinapasauli ang cash incentive.
03:17Giit ng SSS, meron silang mahigit 16 billion pesos na productivity-related savings.
03:23Ang incentive ay katumbas umano ng ekstrang pagsisipag ng mga empleyado kahit kulang sa tauhan.
03:29Kaya nakatipid ang SSS ng pambayad sa ekstrang tao.
03:32Hinihingi pa namin ang komento ng SSS sa iba pang mga puna ng Commission on Audit.
03:37Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended