00:00Handa rao si Pangulong Bongbong Marcos na umupo sa Bicameral Conference Committee
00:05sa pagbalangkas nito ng national budget para sa susunod na taon.
00:11Yan ay kahit paggawaing list na tibo ang Bicam.
00:14Ang ilang senador na uupo sa ikadalawampung kongreso, hati ang reaksyon dito.
00:20Nakatutok si Bob Gonzalez.
00:22Kung kailangan, uupo raw mismo si Pangulong Bongbong Marcos sa Bicameral Conference Committee
00:31na babalangkas ng 2026 national budget.
00:34Sabi ni Budget Sekretary Amina Pangandaman,
00:37Enero pa lang, may mga bili na ang Pangulo para sa 2026 budget.
00:41Uupoan daw nila lagi ang proseso ng pagpasa ng budget hanggang sa dulo.
00:45Matatanda ang maraming kumwestyon sa 2025 national budget
00:48dahil may mga naisingit umano sa Bicam gaya ng ACAP program.
00:52Sa Budget Bicam, piling mga mambabatas at staff lang ang pribadong nag-uusap
00:56para pag-isahin ang bersyon ng Senado at Kamara.
00:59Suportado ni Sen.-Elect Ping Laxon ang posibleng pagsama ng Pangulo sa Bicam Deliberations.
01:04Basta't mag-oobserba lang siya at hindi makikialam.
01:07Malinaw na hudyat daw ito laban sa anumang kalukuhan sa budget process.
01:11Hindi base sa kagustuhan lang ng ilang individual,
01:14kundi dapat alinsunod sa polisiya ng administrasyon.
01:17Itinutulak ni Laxon ang transparency sa proseso ng pagbuo ng budget,
01:20kabilang ang pagpayag sa publiko at sa media na umupo sa gallery sa deliberasyon ng Bicam.
01:26Ang nangyayari raw kasi, puro bulungan at umabot sa puntong may blanco na ang Bicam report.
01:31Pero nagbabala si Sen. Risa Contiveros na posibleng magkaroon ng problema
01:35kapag ipinilit ng Pangulo na personal nabantayan ang budget Bicam.
01:40Wala na raw kasing papel ang ehekotibo sa budget deliberations
01:43kapag naipasa na nila sa Kongreso ang National Expenditure Program.
01:46Kahit willing si Presidente, he cannot. He should not.
01:52Hindi pinapayagan niya ng konstitusyon.
01:55The power of the purse is wielded by Congress.
01:59Walang papel ang Presidente bilang observer sa Bicam.
02:02Pag ipinilit yan, baka magkaroon pa sila ng problema.
02:05Baka kasuhan sila.
02:07Sabi ni Yon, Tiveros, kung may mga hindi sinasangayunan ang Pangulo
02:10sa panukalang 2026 National Budget na ipapasa ng Kongreso,
02:15pwede naman niyang i-vito ito.
02:16Sa lunes, inaasahang magpupulong ang Development Budget Coordination Committee o DBCC
02:21para isa pinal ang magiging budget ceiling sa 2026.
02:24Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
02:37Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments