00:00Samantala, magpapatayo ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 10 bagong fish ports na may state-of-the-art facilities.
00:09Ito'y bilang bahagi pa rin ng pagpapaunlad ng ating agri-fishery sector tungkol sa inaasam na food security.
00:16Ayon sa Pangulo, mahalaga ang mga fish port na kumpleto sa pasilidad tulad ng cold storage facilities para matugunan ang logistics issues
00:24at mabawasan ang gasto sa transportasyon ng mga produkto.
00:29Makatutulong din anya ito sa higit 2 milyong manging isda na inaasahang mas lalaki pa ang kita.
00:35Giit pa ni Pangulong Marcos Jr., kailangan din ang Pilipinas sa makipagsabayan sa mga katabi nating bansa pagdating sa pagpapaunlad ng fishery sector.
00:46Sa akin palagay, isa sa pinakamahalaga na aming gagawin sa Department of Agriculture.
00:52Sampu pa ito, sampu ang itatayo pa natin na ganito at tuloy sa buong bansa.
01:01Dahil kailangan din, pag tinitignan natin ang ginagawa ng mga ibang bansa,
01:07kagaya ng mga Thailand, kagaya ng Vietnam, kagaya ng mga ibang bansa na nakapaligid sa atin,
01:16ay napakaganda ang kanilang sistema, kaya mahirap pakipagkumpetisyon sa kanila kung hindi natin ayusin ang sistema natin.
01:24Babaan ang presyo ng production, babaan ang presyo ng transportasyon,
01:28pagandahin ang pagdala ng ating mga produkto para may pagbili,
01:35at yung value added, ika nga, ay may iwan sa manging isda, may iwan sa magsasaka.