00:00Target pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak at pagpapalakas sa pag-abot program ng Department of Social Welfare and Development
00:09ayon kay Palace Press Officer Yusek Claire Castro, layo ng pagbisita kahapon ni Pangulong Marcos Jr. sa Pag-abot Processing Center sa Pasay City
00:18na mas maipadama pa sa ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa, lalo na ngayong Kapaskuhan.
00:25Sa tulong ng pag-abot program, ang mga pamilya at indibidwal na naninirahan sa lansangan ay bibigyan ng Social Welfare Protection Services
00:34at iba't ipapang interventions.
00:38Ipinatutupad din sa ilalim ng naturang programa ang walang gutom kitchen na nagsisilbing food bank para tugunan ang involuntary hunger lalo na sa street dwellers.
00:48Batay sa tala, tinatayang nasa 250 hanggang 350 walk-in beneficiaries ang natutulungan ng walang gutom kitchen kada araw.
00:58Target naman ng DSWD na palawakin pa ito hanggang sa Central Luzon at Central Visayas sa susunod na taon.
01:05Isang paalala na hindi sila nag-iisa at kailanman ay hindi sila makakalimutan ng gobyerno.
01:13Sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., nakapaglunsad na ang pamahalaan ng mga programa na naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay na mamamayang Pilipino.
01:24Kasama na rito ang pag-abot program ng DSWD kung saan mayroon ng mahigit na 1,200 na kabataan at libo-libong individual ang direktang na-abot at nabigyan ng tulong ng ahensya.
Comments