00:00Umaabot-umano sa mahigit 100 billion pesos ang isiningit ng ilang mga senador sa 2025 national budget ayon ka Sen. President Pro Tempore Panfilo Lacson.
00:13Pero may paglilinaw naman dyan si Sen. President Tito Soto, maging si Sen. J.V. Ejercito, si Daniel Manalastas sa Sentro ng Balita.
00:22Matapos ang isiniwalat ni Sen. President Pro Tempore Panfilo Lacson na mayroong umano'y mahigit 100 billion pesos na budget insertions na ginawa-umano ng ilang senador sa ilalim ng 19th Congress.
00:37Nilino ngayon ni Sen. President Tito Soto na parte ng regular na budget process ang amyenda o insertions mapa-indibidwal o institusyonal na ginagawa ng Senado.
00:48Ang ibaan niya rito ay para sa classrooms, farm-to-market roads, paggawa ng mga tulay na magbe-benepisyo sa taong bayan.
00:56Subalit naging problema lang umano ang mga ghost projects at palpak na flood control projects na naka-apekto sa insertions, kaya nagmuka na tuloy iligal at paglabag ang mga ito.
01:08Pero sisiguraduhin umano sa 2026 national budget na ang Senado ay may mga isusulong na pagbabago para sa mas transparent na proseso.
01:17Sumigunda dyan si Sen. JV Ejercito na nagsabing hindi lahat ng amyenda ay masama lalo kung makatutulong ito sa mga ahensya at departamento.
01:27Isaan niya sa kanilang trabaho ay magsulong ng mga amyenda pagkatapos ng budget hearings para sumuporta at mapaigi ang mga programa.
01:36Hindi umano ito masama basta't walang post-enactment intervention.
01:40Sabi ni Sen. Lacson, nagulat siya sa individual insertions at ito umano ay naka-for-later release.
01:49Tiniyak niya na sa budget deliberations, pwede niya itong itanong kung bakit pinayagan.
01:54Kaisa naman ang Senador sa panawagang i-reforma ang budget at simulan ngayong 2026.
02:00Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:03Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.