- 2 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Local Price Coordinating Council, nag-ikot sa mga gasolinahan para matiyak na tama ang itinataas na presyo sa mga produktong petrolyo
-INTERVIEW: PISTON NATIONAL PRESIDENT MODY FLORANDA
-MERALCO: May dagdag-singil na P0.6427/kWh ngayong Marso
-U.S. Pres. Trump: 20 beses na mas titindi ang atake sa Iran sa sandaling pigilan nito ang oil supply sa Strait of Hormuz
-"PBB Celebrity Collab 2.0" Kapamilya Big Winner Lella Ford sa online bashing: "I just really focus on the good things"
-Video ng 82-yr old tatay na nagbibigay ng mensahe sa anak sa CCTV, may 1.8M Tiktok views
-Malacañang: Imposible ang sinasabi ni VP Duterte na madaling magpadala ng eroplano sa Middle East
-Chinese handler umano ng 3 Pinoy informant, natukoy na
-Grass fire, sumiklab sa bakanteng lote sa Brgy. Dakila dahil daw sa napabayaang siga
-Bea Alonzo at Vincent Co, usap-usapan online na ikakasal na dahil sa inilabas na marriage banns ng isang simbahan
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-INTERVIEW: PISTON NATIONAL PRESIDENT MODY FLORANDA
-MERALCO: May dagdag-singil na P0.6427/kWh ngayong Marso
-U.S. Pres. Trump: 20 beses na mas titindi ang atake sa Iran sa sandaling pigilan nito ang oil supply sa Strait of Hormuz
-"PBB Celebrity Collab 2.0" Kapamilya Big Winner Lella Ford sa online bashing: "I just really focus on the good things"
-Video ng 82-yr old tatay na nagbibigay ng mensahe sa anak sa CCTV, may 1.8M Tiktok views
-Malacañang: Imposible ang sinasabi ni VP Duterte na madaling magpadala ng eroplano sa Middle East
-Chinese handler umano ng 3 Pinoy informant, natukoy na
-Grass fire, sumiklab sa bakanteng lote sa Brgy. Dakila dahil daw sa napabayaang siga
-Bea Alonzo at Vincent Co, usap-usapan online na ikakasal na dahil sa inilabas na marriage banns ng isang simbahan
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Para matiyak na tama ang itinataas ng presyo sa mga produktong petrolyo ngayong efektibo na ang utay-utay na oil
00:05price hike,
00:06nag-inspeksyon ang mga otoridad sa mga gasolinahan sa Baguio City.
00:10May ulat on the spot si Ian Cruz.
00:13Ian?
00:16Rafi, nag-ikot nga ang mga miyembro ng Local Price Coordinating Council ng Baguio City sa mga gasolinahan na dito
00:24sa kanilang lungsod.
00:26Ito nga Rafi para matiyak kung tama ba yung ginawa nilang mga pagtataas ng presyo
00:32at para malaman na rin kung may sapat pa bang supply o wala o kung meron din mga nagtatago ng
00:38kanilang supply.
00:39Hindi naman nagpa-interview ang mga namamahala sa gasolinahan pero sa isang gasolinahan sa Ligarda area,
00:45sinabi ng supervisor ng istasyon na sumunod lamang sila sa itinakda ng kumpanya na pagtataas.
00:50Patungko sa presyo ng langis, nakadepende raw ito sa pasa sa kanila ng mga oil companies
00:55at karaniwang nagiging dahilan ng mataas na cost ay ang biyahe nga papanik ng syudad na nasa kabundukan.
01:02Kahapon daw ay naubos ang diesel nila pero 12 a.m. kanina ay nagkaroon na ng delivery
01:07kaya agad sila nakapagbenta at hindi na naghintay ng 6 a.m. kung kailan nga nagsimula ang big-time oil
01:13price hike.
01:13Sarado naman, Rafi, dahil ubos na.
01:16Umano ang supply sa isang gas station malapit sa Baguio Medical Center.
01:20Ayon sa manager ng gasolinahan, Sabado at Linggo, marami raw talaga nagpa-full tank.
01:24Kaya kahapon ng umaga, wala ng diesel at kagabi ay nasagad na rin ang kanilang gasolina.
01:29Ang estimate dapat martes hanggang webes pa sana mauubos ang supply nila
01:32pero sa dami nga nung nagpakarga ay tuluyang naubos yung supply.
01:36At umaasa nga sila na ngayong bago magtanghali ay makarating na ang tanker
01:41para magkaroon na sila ng nagdagdag na supply.
01:45May mga nakausap naman tayo, mga rider o motorista na nakailang gas station na raw ang napuntahan
01:50pero wala rin silang napakargahan.
01:53Ayan naman nagtsatsaga pa rin sila.
01:55At sa isang phone patch interview, sinabi naman ni Mayor Benji Magalong ng Baguio City
01:59na umiikot nga ang Local Price Monitoring Board para imonitor ang oil price hike.
02:03Inaalam din nila kung talagang wala ng supply ng langis ang ibang gas station.
02:09Kapag napatunayan daw, Rafi, na nagdeklara ng wala ng supply
02:13pero meron naman talaga, ay irevoke agad ang kanilang business permit at ipasasara.
02:18Ukon sa pricing, sabi ni Magalong, na matagal ng panahon na angat talaga
02:22ng 8 to 10 pesos ang presyo ng kanilang petrolyo dito sa Baguio City
02:28at iba't-iba raw ang dahilan nito, gaya na lamang ng cost sa pag-akit nga ng petrolyo sa siyudad.
02:35Kaya naman, Rafi, ang nais ni Mayor Magalong ay mapag-usapan ng DOE at ng mga oil company
02:41kung paano nga ba matitiyak na hindi malalayo ang presyo ng petrolyo dito sa Baguio City
02:48doon sa tinatawag na common pump price gaya dyan sa Maynila.
02:52Yan muna ang latest mula rito sa Baguio City. Balik sa'yo, Rafi.
02:55Maraming salamat, Ian Cruz.
02:59Kaugnay po sa epekto ng malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo,
03:03kausapin po natin si Piston National President Modi Floranda.
03:07Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halizer.
03:11Magandang umaga po magkukuni.
03:15Magandang umaga po sa lahat.
03:17Ka Modi, ano ang sentimiento ng inyong mga miyembro sa malakihang oil price hike na ito?
03:23Ah, una, hirap na hirap na yung ating mga driver at mga operator.
03:27Hindi pa lamang itong malaking pagtas na ito.
03:30Kundi muna po nung pumasok na January, ano, ng 2026,
03:34ay wala ng empat yung pagtaas ng operation of petrolyo.
03:38Kaya't malaki na po yung nawawalang kita ng ating mga driver at mga operator.
03:42Hindi lamang sa hanay ng mga jeepney, kundi siya lahat po ng mga pampublikong transportasyon.
03:47At ka Flor, ito nga po sinasabi nina, no,
03:55ka Modi, yung pong sinasabi na hindi daw papasada ang ilan sa mga jeepney drivers.
04:00Ayun yung pa bang grupo may ganyan din?
04:03Sa bahagi po natin, mayroon na tayong namumunitor, ano,
04:07na talagang dahil nga dito sa malaking epektong ito,
04:11ay talagang maudrigan, mapipilitan sila na huminto ng kanilang pamamasada.
04:16Sa pagkatanap yung punta na namang sa oil company,
04:19yung kanilang maliit na nakinikita,
04:22dahil nga dito sa ubod ng taas ng operation ng petrolyo.
04:26Kaya't sa bahagi natin,
04:27ay hinahamon natin ng gobyerno na ano nang gagawin ng pamalaan
04:32para maapat yung pagtaas ng operation ng petrolyo.
04:36I see. Pero dito, sabi nga, may mga humihiling na ng fair increase sa LTFRB.
04:42Sa inyo po bang grupo, meron na rin kayong ganyan?
04:45Sa bahagi po namin, Ma'am Pony,
04:49ang sa atin ay maubliga tayo na talaga mag-file sa pinundagdag kita
04:56dahil sa laki nga nang nawamanang kita.
04:59Pero sa atin, bakit tayo itinutulak?
05:02Dahil nga doon sa patuloy na pagtaas ng panampresya ng petrolyo
05:07at yung malaking buwisa,
05:08yung malaking buwisa, ito sa stock ng takasama.
05:11Yung fuel subsidy po ng gobyerno sa inyo, ano ho bang balita?
05:15April pa ho ba ito talaga maibibigay?
05:17O ang sabi, baka ibigay na daw ngayon pong Marso?
05:23Bakit po sa mga lumalabas na mga professionals po ng Malacanang,
05:26ipag-aaralan pa lang nila ng pagdapasok po ng EFRED.
05:30At sa ito, sabi na ito, hindi naman talaga ito yung mag-re-resolve.
05:33Doon sa kasalakuyang kalagayan ng ating mga driver at operator,
05:37kundi ito ay tansamantalang tapa lamang
05:39doon sa mas malaking nawalang kita ng ating mga driver.
05:43Yung mga operators po ba ninyo willing na magsakripisyo ng konting kita
05:49para meron hong malaking boundary bang mauwi yung inyong mga jeepney driver?
05:56Manaki na po yung sakripisyo po ng ating mga operator.
05:59Dahil na mula nga noong January,
06:01ay dahil tuloy-tuloy na tumataas ka yung pressure ng petrolyo.
06:04Pero siya may sikas pa rin talaga natin
06:06na magsakripisyo natin sa ating mga mamamayan.
06:10And so far, anong mga ginagawa ninyo pang measures para humakatipid
06:14at magpatuloy ang inyong hanap buhay?
06:17Sa mga mga poni ay yung ating dating 12 to 18 hours
06:22ay ang ginagawa na lang ngayon ng mga driver
06:24ay nagpabawas na lamang sila ng uras,
06:27halos na 12 to 16 hours na lang yung kanilang pamumasada.
06:31At talagang dahil nga kung magsukurituloy,
06:35ay lalong mula malaking nawawalang ipad ng ating driver.
06:40So far, nakikita lang at narinig po natin mga short-term solution.
06:44Pero kung kayo ang tatanungin,
06:45ano ba ang nakikita ninyo talaga na long-term solution sa problema po nito?
06:50Ang sabahagin po natin, mga poni,
06:53ay matagal na po natin itinutulak talaga
06:55na ibasura yung older regulation law,
06:57tanggal yung resensas sa langit,
06:59at saka yung 12% ng iba.
07:01Dahil sa ngayon, ay halos yung maabot po ng 9 pesos per liter.
07:05Yung sa ilangin ng bat,
07:08at 10 pesos per liter.
07:09Kaya pag sinama po natin,
07:11almost 15 pesos per liter po,
07:13yung nakapatong na buwis na binabayara po ng ating driver.
07:17At ang sakin,
07:18ang panawagan nga natin,
07:19na itanggalin na itong mga buwis na ito
07:21sapagkat nagdudulot lamang
07:23ng patuloy na pahirap.
07:25Hindi lamang sa anin ng mga driver at operator,
07:27kundi sa ating mga mamamayan.
07:28Sapagkat sa bawat pagtaas ng pressure ng petrol,
07:32ay pagtaas ng mga pangunahang bilihin,
07:34na halos hindi na makagapa
07:35yung malitakita at sahot
07:36ng ating mga mga magagawa
07:38at ng ating mamamayan.
07:39Oho, at nakikita nyo ba
07:40na maaari sanang hudyat na ito
07:42ng pag-convert po sa electric vehicles
07:45sa ating public transport?
07:49Ang sa atin ay kakilala mga susing pag-aralan
07:51kasi kung mag-i-electric po yung quality,
07:54at siyempre ang epekto niya,
07:56yung pag-tastin lalo ang presyo ng kuryente
07:58dito sa ating bansa.
08:00Kaya sa pag-aralan,
08:02hindi naman yun na mag-re-resolve
08:03doon sa kasalukuyang nalagayan natin.
08:05Dapat ang pag-isipan ng gobyerno
08:07ay kung paano tayo magtayo
08:08na sarili nating industriya
08:10para tayo po lumikahan
08:12ng ating public transport.
08:13Okay, maraming pong salamat
08:14sa inyo pong binigay sa aming oras.
08:16Kamodi.
08:17Kalamat po, ingat, ingat po, ingat.
08:20Yan po naman si Piston National President
08:22Modi Floranda.
08:29May init na balita,
08:30may dagdag singil
08:32ang Meralco ngayong pong Marso.
08:34Ayon sa Meralco,
08:35mahigit 64 centavos per kilowatt-hour yan.
08:38Ang dagdag singil ay bunsod daw
08:39ng taas presyo sa transmission charge
08:41at generation charge.
08:43Ang transmission charge
08:45ay ang bayad para sa paghahatid
08:47o pag-transport ng kuryente
08:48mula po sa mga power plant
08:50patungo sa distribution system.
08:52Ang generation charge naman
08:54ay ang kabuang halaga
08:55ng kuryente
08:56yung binili mula sa mga supplier.
09:05Dalawampung beses daw
09:06na mas titindi
09:07ang mga magiging pag-atake ng Amerika
09:09kung gagawa ng para ng Iran
09:11para paralisahin ang supply ng langis.
09:13Yan ang bantan
09:14ni U.S. President Donald Trump
09:16na inilabas niya
09:16sa kanyang social media account.
09:18Anya,
09:19huwag tangkay ng Iran
09:20na harangin o pigilan
09:21ang supply ng langis
09:22na idinadaan sa Strait of Hormuz.
09:25Sisirayan daw ni Trump
09:26ang iba pang pasilidad
09:27o madaling target sa Iran.
09:31Umaasa raw siya na hindi niya yun
09:33o hindi raw yun mangyayari.
09:34Wala pang komento
09:35ang Iran
09:36kaugnay
09:36sa sinabi ni Trump.
09:50Warm welcome
09:51ang sumalubong kay PBB
09:52Celebrity Collab 2.0
09:54kapamilya big winner
09:55Lella Ford
09:56sa morning show
09:57ng unang hirit.
09:58Sinagot din ni Lella
09:59ang tungkol sa
10:00online bashing sa kanya.
10:05I just really focus
10:06on the good things.
10:08Mas pinipili ko pong
10:09bigyang pansin yung sila,
10:11yung mga taong
10:12nagmamahal sa akin
10:13at sumusuporta
10:13at naniniwala.
10:15So, yeah,
10:16sila lang naman pumalaga
10:17for me.
10:19Grateful
10:19at naiintindihan din daw
10:22ni Lella
10:22ang pagiging protective
10:23ng kanyang ina
10:24na si Carla Estrada.
10:26Sa ngayon,
10:27mas focus daw
10:27si Lella
10:28sa brighter side.
10:29Tulad kanina
10:30na na-meet and greet
10:31ni Lella
10:32ang kanyang fans.
10:33And speaking of ships,
10:35masaya si Lella
10:36sa kanyang shippers
10:37sa ilang housemates.
10:38Patunay raw yun
10:39na nakasubaybay sila
10:41sa kanyang PBB journey.
10:43Bukod sa nakasalo
10:44sa almusalang UH Barkada,
10:47game rin si Lella
10:48na nagturo
10:49ng Martial Arts 101.
10:54For today's video,
10:56nakakaantig sa puso
10:57ang pagmamahal
10:58ng isang magulang
10:59sa Malolos Bulacan
11:01sa kanyang anak.
11:04Oo,
11:05kung saan ka na,
11:06anak,
11:07ingat ka na lang
11:08di ako na nakano.
11:09Alam mo,
11:10mahal ka na ang tatay mo.
11:12Huwag mo kaming kalimutan.
11:14Yan ang tagos
11:16sa pusong mensahe
11:17ng 82 years old
11:19na si Tatay Ramon
11:20sa kanyang gunsong anak
11:21na si Ramon din.
11:23Pagkagising ni tatay,
11:24humarap siya sa CCTV
11:25at tila,
11:27kinakausap ang anak.
11:28Huwag daw mag-alala
11:29ang anak at maayo sila
11:31ng kanyang nanay Perlita.
11:32Kwento ng anak na si Ramon
11:34kuha ang video
11:35noong March 5
11:36ng madaling araw
11:37na touch
11:38sa simpleng pangangumusta
11:39ng kanyang ama.
11:41Sabi ni Ramon,
11:42ini-install niya
11:42ang CCTV
11:43sa kanilang bahay
11:44para alamin
11:45ang sitwasyon
11:46ng mga magulang
11:47at tiyakin silang safe
11:49kasama ng magulang niya
11:51ang kanyang mga pamangkin.
11:52Sa ngayon,
11:53nagtatrabaho si Ramon
11:54sa Manila
11:55at every two weeks
11:56umuuwi sa kanila.
11:58Ang heartwarming video na yan,
12:00may mahigit
12:011.8 million views na
12:03sa TikTok.
12:05May sagot
12:07ang Malacanang
12:07sa pahayag
12:08ni Vice President
12:09Sara Duterte
12:09kaugnay sa pagpapauwi
12:11ng mga Pilipinong
12:12na iipit sa gulo
12:13sa Middle East.
12:16Alam mo,
12:17napakadali
12:17magpadala ng eroplano eh.
12:19Sa totoo lang,
12:20hindi ganyan kahirap
12:22magpadala
12:23ng eroplano
12:24kung saan man,
12:26saan mo gusto
12:27kumuha
12:28or mag-rescue ng tao.
12:29Daya lang,
12:30BP,
12:30sarado ang airspace.
12:31Siguro limitado,
12:34pero hindi sarado.
12:36Ang unang-una pong
12:37concern ng Pangulo nun,
12:38okay,
12:39open tayo,
12:40pero hanggat
12:40naglilipar
12:41yung mga missile na yan,
12:44hindi po natin alam
12:44kung tatamaan
12:45or what
12:45yung mga commercial flight.
12:47Binanggit niya po
12:48yung example
12:48yung nangyari sa Kuwait.
12:50So,
12:51mahira po,
12:52sabi niya,
12:53baka,
12:54mas lalo malagay
12:55sa kapahamakan
12:56yung ating mga kababayan.
12:57Siguraduhin lang,
12:58kung sila'y ililipad,
13:00siguraduhin ligtas.
13:02Iniugnay ng BSE
13:03ang Middle East Repatriation
13:05sa ginimuan niya
13:05noong COVID-19 pandemic
13:07bilang Davos City Mayor.
13:09Nag-charter daw noon
13:10ang LGU
13:11ng commercial flights
13:12para tulungang
13:13makauwi
13:13ang mga taga-Davos City
13:15at kalapit na lugar
13:16na na-stranded
13:17sa Maynila.
13:17Sa panayam ng Superadyo DZBB
13:20kay Palace Press Officer
13:21under Secretary Claire Castro,
13:23sinabi niyang imposible
13:24ang sinasabi ng BSE
13:26na madaling
13:26magpadala ng eroplano
13:28sa Middle East.
13:29Isina sa alang-alang daw
13:31ng pamahalaan
13:32ang kaligtasan
13:33sa pag-repatriye.
13:34Handa naman daw
13:35ang gobyerno
13:35na maglabas
13:36ng supplemental budget
13:37kaugnay niyan.
13:38Sa tala ng
13:39Department of Migrant Workers,
13:41nasa apat na raang Pinoy na
13:42ang nakauwi sa Pilipinas
13:44simula March 5.
13:46Tukoy na ng Armed Forces
13:48of the Philippines
13:48ang Chinese Handler
13:49ng tatlong Pilipino
13:50na nabistong
13:51nanghi-espia umano
13:52para sa China.
13:53Dati nang iginit
13:54ang Chinese Embassy
13:55na paninirala
13:56ang mga paratang
13:57na meron mga
13:58Chinese spies sa bansa.
14:00Balita nga
14:04Ito ang passport
14:05ng umano'y Chinese Handler
14:07ng ilan sa mga Pilipinong
14:08nabukong
14:09nagbibigay ng impormasyon
14:10tungkol sa mga
14:11rotation and resupply
14:12mission sa West Philippine Sea.
14:14Galing ang litrato
14:15mula sa Armed Forces
14:16of the Philippines
14:16na may hawak ngayon
14:18ng tatlong
14:18inarestong Pilipino.
14:19Nalaman ang identity
14:21ng umano'y Chinese Handler
14:22bunga ng tactical interrogation
14:24sa tatlong
14:24inarestong Pilipino.
14:26Dalawa sa kanila,
14:27mga civilian employee
14:28ng Philippine Navy
14:29at Department of National Defense
14:30ang pangatlo
14:32isang negosyante
14:33na malapit lang
14:34sa isang opisyal
14:35ng PCG
14:36na palihim niyang
14:37kinuhanan
14:38ng impormasyon.
14:39Ang nag-handle talaga dito
14:41is PRC National
14:42and there are instances
14:44na pumupunta siya
14:45rito sa Pilipinas.
14:46Sometimes they meet
14:47in another country
14:49but most of the time
14:50kapag tumatanggap siya
14:51ang mga information
14:52pumupunta dito
14:53yung Chinese National na yan.
14:55We already have the name
14:56of that Chinese Intelligence
14:58personnel
14:58na nag-handle
15:00ng mga ganitong
15:01informant
15:02system natin
15:04na binabayaran nila.
15:05It ranges from
15:06five to six digits
15:07ng bayad sa kanila
15:10and for every information niya
15:12it is
15:12immediately settled.
15:14Habang patuloy
15:15ang investigasyon,
15:16rerepasuhin daw
15:17ng PCG
15:17ang sistema nila
15:18sa pag-handle
15:19ng sensitive information
15:21para di na makompromiso
15:22ang mga operasyon
15:23sa West Philippine Sea.
15:24Mananagot din daw
15:25ang PCG officer
15:27kahit pa hindi raw nito
15:28na malayan
15:29na nagagamit lang siya
15:30ng taong malapit sa kanya.
15:32Definitely
15:33there will be
15:34charges
15:34that will be filed
15:36against the
15:36coast-cared personnel
15:37but as of this time
15:38hindi ko pa
15:39masabi kung ano ito.
15:40Nagpahayag ng pagkabahala
15:42ang Malacanang
15:43sa pagkakabisto
15:44ng mga umanoy
15:45SP ang Pilipino
15:46ng ilan
15:47empleyado pa
15:48ng gobyerno
15:49na bistro rin daw
15:50ang bahagi
15:50ng Chinese network
15:51na ang pakay
15:52ay sirain
15:53ng kredibilidad
15:53ng Pangulo
15:54at mga opisyal
15:55kaugnay ng issue
15:56sa West Philippine Sea.
15:58Nakakabahala po talaga
15:59pag yun pong ibenta
16:00yung Pilipinas
16:01ng dahil lang sa pera.
16:02Dati nang sinabi
16:03ng Chinese embassy
16:04na paninira
16:05at gawa-gawa
16:06lamang
16:06ang mga paratang
16:07na may Chinese spy
16:09sa bansa
16:09para sirain
16:10ang relasyon
16:11ng China
16:12sa Pilipinas.
16:13Chino Gaston
16:14nagbabalita
16:14para sa GMA
16:15Integrated News.
16:18Ito ang GMA
16:20Regional TV News.
16:23Nagka-grass fire
16:24sa Malolos, Bulacan.
16:31Nangyari po yan
16:33sa bakanting lote
16:34sa barangay Dakila
16:35at bahagyang naapektuhan
16:36ang dalay ng trapiko
16:38sa katabi nitong
16:38MacArthur Highway.
16:40Rumisponde naman
16:41ng Bureau of Fire Protection
16:42para apulahin
16:43ang apoy
16:44na halos 20 minuto
16:45ang itinagal.
16:47Abot po sa
16:47700 square meters
16:49ang lawak
16:50ng damuhang
16:50na sunog.
16:51Ayon sa BFP
16:52na pabayaang siga
16:54ang sanhi
16:55ng grass fire.
17:03Getting married
17:04na nga ba
17:05si nakapuso
17:05actress
17:06Bea Alonso
17:07at
17:07businessman
17:08boyfriend
17:08Vincent Coe?
17:10Sa live stream
17:11kasi
17:11ng isang simbahan
17:12sa Manila
17:13nitong Sunday,
17:14may inilabas
17:15na marriage bands
17:16ng isang
17:17Ferdinand
17:17Vincent Peco
17:18kay
17:19Filbert
17:20Angeli
17:20Escalante
17:21Ranolio
17:21na tunay
17:22na pangalan
17:23ni Bea.
17:24Wala pang
17:24confirmation
17:25mula sa dalawa.
17:26August 2025
17:28nang kumpirmahin
17:29ni Bea
17:29ang relasyon
17:30nila ni Vincent.
17:31Sa story conference
17:32ng upcoming
17:33kapuso show niya
17:34na Whispers
17:34from Heaven
17:35last month,
17:36sinabi ni Bea
17:37na gusto niyang
17:38maging privado
17:39ang tungkol
17:40sa kanyang
17:41love life.
17:44As much as
17:45I would like
17:45to share
17:46with you,
17:47pero siyempre
17:48kasi I'm also
17:49protecting someone
17:50who's not from
17:51showbiz.
17:51He has a private
17:52life.
17:52He's a private
17:53individual.
Comments