Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Panayam kay Chairperson, National Youth Commission Usec. Joseph Francisco "Jeff" Ortega ukol sa International Youth Day ngayong taon

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00International Youth Day ngayong taon, ating pag-uusapan kasama si Undersecretary Joseph Francisco Jeff Ortega,
00:07ang Chairperson ng National Youth Commission.
00:10Yusek Jeff, magandang tanghali sa iyo.
00:12Magandang tanghali sa inyo, Yusek Marge and Asik Joey.
00:16And sa mga nakikinig ngayon, Happy International Youth Day, Linggo ng Kabataan and National Youth Day sa inyong lahat.
00:23Yusek Jeff, ano yung significance ng International Youth Day para sa mga kabataang Pilipino?
00:30Asik Joey, ang maganda sa International Youth Day is that nabibigyan natin ng boses ang kabataan na hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong bansa.
00:39Nagsimula actually ang selebrasyon ng International Youth Day nung nagpulong-pulong ang mga kabataan sa Vienna, Austria noong 1991.
00:47One year old pa lang ako noon.
00:49And ito po ay sinulong nila para magkaroon ng pondo at magkaroon ng supporta ang UN Youth Development Fund para masuportahan po ng UN at ibat-ibang organisasyon ng youth sa buong mundo.
01:06Yusek Jeff, ano ba ang tema ng selebrasyon ngayong taon at bakit itong mahalaga sa kasulukuyang kalagayan ng kabataan?
01:13Well, actually, I'm glad you asked, Yusek Marge, kasi ang tema ngayon is actually Sustainable Development Goals.
01:20And ito po, align po ito sa Philippine Youth Development Plan natin.
01:25Ang Philippine Youth Development Plan ay naglalaman ng ibat-ibang center of participation kabilang na dito ang agriculture, peacebuilding and security, education, health, environment at iba pa.
01:38And ang importante po dito is lahat ng mga batas na ginagawa natin sa legislatura, kailangan ang National Youth Commission po ang nangunguna na masigurado na lahat po ng mga kapakanan ng kabataan,
01:52syempre hindi lang po sa mga edukado, syempre malalo na sa mga masa, na mapakinggan nito at marinig po ng ating presidente, si President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
02:01And true enough, Yusek and ASEC, na nagpapasalamat ako sa ating Pangulo kasi binibigyan na tayo ng chance na mag-i-inclusive at pakinggan lahat ng ating kabataan,
02:12whether you are left-leaning or you are progressive. At the end of the day, ang sinasabi na importante, mapakinggan natin lahat.
02:20Yusek, Jeff, ang mga kadalasang issue na kinaharap ng kabataan ay education, livelihood, and of late mental health.
02:28So ano yung mga programa ng NYC na naka-align para matulungan ang mga kabataan sa mga aspetong ito?
02:34Well, ASIC, aside from the continuing and mandatory training ng ating mga sanggun yung kabataan,
02:39bago silang mag-implement ng mga policya and mga programs nila sa kanilang-kanilang barangay,
02:46meron din po tayong kinatawag na mental health youth hub.
02:49And alam niyo po, sinasabi ko lagi sa mga speech ko when I go around,
02:53ang mental health hindi pinipili kung mayaman or mahirap.
02:56At the end of the day, kung may mental health ka na pinagdadaanan or issue,
03:01one way to help this is for you to talk to other people.
03:04And nagawa po ng NYC kahit bago pa po ako pumasok sa NYC,
03:09ginagawa na po ng mga grupo natin sa loob ang tinatawag na peer-to-peer consultation.
03:15And ang ibig sabihin ng peer-to-peer consultation is,
03:17lahat ng mga dumaan sa pagsubok ng mental health,
03:21lahat po yan sila nagtitraining at naguusap ngayon kung paano sila makakatulong,
03:26paano sila lalapit sa mga nagsasuffer sa mental health,
03:29na hindi kinakailangan na medical professional sila.
03:32Kasi alam niyo po, sa pinagdadaanan ng Pilipinas, I think pati sa buong mundo,
03:37di naman natin kayang mag-training ng sandaang tao na professional health workers.
03:44So ang pwede natin gawin ngayon is yung kakayanin lang natin,
03:47which is to talk to everybody around us.
03:50And lastly, of course, sa mga pang-education at pang-certification at trabaho ng mga kabataan natin,
03:57pagpasok po natin, our first 100 days, tinanggal na po natin,
04:01kinausap po natin ang TESDA.
04:03Nagpapasalamat po kami kay Sec. Kiko Binites na tinanggal na po niya yung NC3 requirement
04:08for bookkeeping ng ating mga sangguniang kabataan.
04:12So pag pumasok sila sa SK, they only need an NC2 for them to be able to practice already their bookkeeping strategies.
04:21Mahalaga yung sinabi ni Yusek Jeff, Yusek Marge, dun sa mental health.
04:25Kasi ang iniisip na mga tao agad kapag meron kang pinagdaraan ng issues,
04:30medical professional or mental health professional na agad yung kailangan mong puntahan.
04:36Pero mahalaga yung pag-uusap, yung Yusek Marge, ang ganda ng outfit mo today.
04:41Parang yung mga ganong compliments, kasi hindi natin alam kung ano yung pinagdaraanan ng mga tao.
04:46So baka yung mga ganong bagay na pag-uusap, maliliit na compliments, makakatulong.
04:50So it's nice also na pag may mga ganong discussion yung mga kabataan,
04:53na-realize nila na relatable pala yung mga topics or yung mga issues na concern.
04:59Akala siguro nung iba na sila lang yung nakakaranas ng ganun.
05:02Diba? With the peer-to-peer counseling, at least na nag-open up sila,
05:07na ilalabas nila yung mga saloobin natin, na instead na nakatutok lang sila sa mga iPads nila,
05:12mga cellphones nila, at least they're able to talk to their peers.
05:17Pero Yusek, Jeff, paano ba sinisiguro ng NYC na naririnig at naisasama sa mga polisiyan ninyo
05:24ang boses ng kabataan mula sa iba't-ibang sektor at rehearse?
05:28Well, ang maganda dito sa NYC ngayon, sa 13th Commission is,
05:32lahat ng mga binlock dati sa Facebook, social media namin,
05:36pina-unblock na namin lahat.
05:38Para masigurado na lahat ng mga tao na,
05:42syempre kung totoo ka talagang user sa Facebook or Instagram,
05:47in-unblock na namin para at least makita talaga namin
05:49kung ano yung hinanain ng mga tao sa grassroots.
05:52Kasi kung pagtatakpan mo yung totoong sinasabi ng mga kabataan ng tao,
05:56then you're not doing your job.
05:58So after that, what we did was,
06:00meron po tayong annual na SK convention na usually ginagawa lang sa isang pwesto,
06:05pero this year ang ginawa po namin is,
06:07ginawa po namin Luzon, Visayas, Mindanao.
06:09Kasi na-realize po namin na hindi po pwedeng may SK convention,
06:14isang nasyonal na may kulang na,
06:17kung baga may hindi nakaka-attend dahil malayo sila,
06:19taga Mindanao, taga Visayas.
06:21So ang ginawa namin para mapakinggan pa namin lalo sila,
06:24we will have a dedicated convention sa Luzon mismo, Visayas, Mindanao.
06:28Mangyayari po ito in the fourth quarter of this year.
06:31And of course, meron din po kaming mga National Youth Parliament,
06:36kakatapos lang po ng National Youth Parliament namin na 16 regions.
06:40So on this fourth quarter of this year,
06:43magkakaroon po kami ng malakihang National Youth Parliament.
06:45So ang National Youth Parliament po isang practice ng legislatura.
06:49So ibig sabihin, pag pumunta po kami sa isang probinsya,
06:53parang magpa-practice na parang maliit na kongreso ang ating kabataan,
06:58magpapasa sila ng legislatura,
07:00and i-recommend nila ito sa ating mga leaders.
07:04And maganda ito because it really shows
07:06na pinapakinggan ng mga leaders natin itong mga suggestion ng ating mga kabataan.
07:11Who knows, baka merong maging progressista doon sa mga participants.
07:16It's nice, at least, not only are they learning how to make policies,
07:21but nagiging part at nai-involve sila sa mga issues ngayon.
07:25Dito naman tayo, Yusek Jeff, sa celebration ng International Youth Day.
07:28So ano yung activities na niline up ng NYC para sa celebration?
07:33Actually, alam nyo po, wala po kaming main na event
07:36kasi ang ginawa po namin this year,
07:38ang dami po kasi nag-i-invite sa atin sa mga kanin-kanilang celebrations
07:42ng International Youth Day.
07:44And alam nyo po, maraming mga eskwelahan,
07:46maraming mga agencies na nag-selebrate ng International Youth Day.
07:50So ang ginawa po natin, bumisita tayo this morning
07:52sa imbitasyon po ng FPJ Youth,
07:56ang celebration po nila sa Luneta.
07:58And nag-alay po kami ng wreath sa ating Gat Jose Rizal.
08:04And yan po ang sinasabi niya na ang kabataan ng pag-asa ng bayan.
08:09And binigyan po namin ang importansya na magbigay-pugay ngayon sa ating bayani.
08:14And bago po nitong meeting na ito,
08:16dumaan din po tayo sa Commission on Human Rights.
08:19Meron din po silang celebration ng kanilang International Youth Day.
08:23And the issue po namin na since ang Commission on Human Rights,
08:27kadalasan sila po yung huling napapakinggan.
08:29And that's why one way for us to help them out is to attend this event.
08:35And gusto ko lang po i-raise din yung concern on the West Philippine Sea
08:39because napag-usapan po namin ito,
08:42it is actually a human right concern
08:44because it concerns food security.
08:46And one of the things na gusto po namin gawin,
08:49hindi po sa International Youth Day,
08:50but to celebrate the rest of the year,
08:52is to show ito pong food delivery fresh from the West Philippine Sea.
08:56Napanood po namin ito noong nakaraang linggo
09:00and grabe talagang ASIC and USIC.
09:03Nakakaiyak talaga kasi pag nakita mo yung one of the segments
09:07na yung mangingisda,
09:09siya mismo yung nagtaga ng Philippine flag sa isang floating buoy.
09:14Hinahabol siya ng mga coast guard ng ibang bansa
09:18and lumalaban pa rin siya.
09:21And alam mo, parang naisip namin ang kabataan,
09:23hindi dapat nanonood lang.
09:25Dapat kung sila na walang laban,
09:27lumalaban, dapat pati ang kabataang Pilipino lumalaban din.
09:30Kasi kung si mangingisda din well-informed
09:33sa territorial at sovereign rights,
09:36dapat yung mga kabataan.
09:38Akin niyo ko dyan.
09:39USIC Chef, paano ba makikilahok ang kabataan
09:41sa mga proyekto o advocacy yan ng NYC?
09:44Meron ba kayo mga bukas pang programa para sa kanila?
09:47Ang NYC naman kadalasan po,
09:49naglalabas po kami ng mga advisory
09:51para sa mga activity namin.
09:54Marami po kami mga activities throughout the year.
09:57Meron po kami mga fun run.
09:58May partnership kami with Dangerous Drugs Board.
10:01And ang gagawin po namin is
10:02mag-establish po kami ng fun run
10:05sa Luzon, Visayas, Mindanao.
10:06And ito po ay dapat selebrasyon
10:09for the International Drug Awareness Day
10:12noong July.
10:13Pero since na-delay po tayo,
10:16I think mangyayari po ito again
10:17this fourth quarter of the year.
10:19Syempre, meron din po kami mga events
10:22for the ASEAN next year.
10:24In 2026 po,
10:25ang National Youth Commission
10:27ang magiging chairman
10:28ng Youth Minister's Meeting.
10:32And kami rin po ang bibigay ng importansya
10:34to inform our youth organizations
10:36to participate in this wondrous event in 2026.
10:40Yusik, Jeff, susulitin ko na yung pagkakataon
10:42na may isa pa akong katanungan.
10:44Kasi kaninang umaga,
10:45may nabasa akong article
10:46na karamihan sa mga SKs natin,
10:48yung mga pinopropose na activities
10:50ay puro sports events.
10:52So bilang NYC Commissioner,
10:54paano ba natin mahikayat itong mga SK natin
10:57na bukod sa mga sports events,
10:59na alam naman natin importante,
11:01paano ba natin mahikayat sila
11:03gumawa ng mga programa
11:05o activities
11:06na mag-a-address sa mga issues
11:08katulad ng teenage pregnancy,
11:10di ba?
11:10Or bullying sa school
11:12at iba pang mga issues na kabataan.
11:14Yun nga yung problema,
11:15Yusik Marjan na Asik Joino,
11:17na parang minsan ang kabataan
11:19na pag hindi yan namumulat,
11:22nalilimit yan sa paggagawa
11:24ng mga maliliit na bagay
11:25gaya ng mga basketball.
11:28I mean, di naman masama yan, no?
11:29It's good to do sports.
11:30Pero, siyempre,
11:32ang kabataan,
11:33kailangan hinahasa ang talino,
11:35di ba?
11:35At ang sigla.
11:36And para gawin yun,
11:37kailangan healthy tayo,
11:39kailangan skilled tayo.
11:41Kaya sa mga ating mga sangguniang kabataan,
11:43paggagawa kayo ng batas,
11:45hindi lang dapat puro sports.
11:46Alam naman natin masaya yan.
11:48Pero kailangan pag-isipin din natin
11:50anong mga training
11:50ang pwede natin ibigay
11:52sa iba't ibang kabataan.
11:53Hindi naman lahat physically able,
11:55hindi naman lahat kayang
11:55tumakbo ng mabilis,
11:57tumalo ng mataas.
11:58Pero yung iba matatalino,
12:00magagaling sa math,
12:01magagaling sa science,
12:02magagaling sa astronomy,
12:04baka yan ang mga next generation
12:06na papalit sa atin,
12:08sa pag-asa,
12:10sa DOST.
12:11So, kailangan po natin
12:12ng mga bagong henerasyon
12:13na mas maraming may alam
12:15at maraming talino
12:17na madadala sa gobyerno.
12:18Kasi at the end of the day,
12:19kung ano man yung gusto nyo gawin,
12:21always ensure
12:22that you always do it
12:23for nation building.
12:24Kasi,
12:25alam nyo po,
12:25sa Pilipinas
12:26ang laki ng problema,
12:27baliktad na baliktad
12:28talaga tayo
12:28and kailangan pa natin
12:30na mas mapabilis
12:31ang progreso
12:31and isa sa mga paraan
12:33na para gawin yun
12:34is kailangan
12:34mas maraming kabataan
12:36na mas kakayanin
12:38ang mga pagsubok
12:38na ginagawa
12:39ng mga gobyerno ngayon.
12:41May iba pa nga na ano eh,
12:42nag-propose ng ML
12:44na events,
12:45mobile legends,
12:47so na ano lang,
12:47natuwal ang ako
12:48dun sa article
12:49na at least proactive
12:50yung mga tao
12:51na they're concerned
12:52about it.
12:53So sa mga tatakbo
12:54sa sangguniang kabataang elections,
12:57may ample time pa kasi
12:58kapag nalagdaan na
12:59yung postponement niya,
13:02you have enough time
13:03to learn
13:04at you formulate
13:05yung kanilang plataforma.
13:07So,
13:08usek siguro
13:08mensahe na lang
13:09sa mga kabataan
13:10na humaharap
13:11sa iba't ibang
13:12hamon ng buhay
13:13gaya ng kahirapan,
13:15kawala ng oportunidad
13:16at ito,
13:17misinformation na
13:18advocacy din
13:19ng Presidential Communications Office
13:21na labanan talaga.
13:22Actually,
13:23unang-unang gusto ko lang
13:24po magpasalamat
13:24sa ating PCO family
13:26and thank you
13:27Yusek Marj
13:28and Asik Joy
13:29for having me here.
13:30Siyempre,
13:31gusto rin po natin
13:32pasalamatan talaga
13:32si Pangulong Bongbong Marcos
13:34because
13:34dahil sa kanya,
13:36yun nga,
13:36parang
13:36mas napapakinggan po natin
13:38ang mga kabataan
13:39kung dati,
13:40parang pinipili lang
13:41kung sinong kakausapin.
13:42Ngayon,
13:42wala po tayong pinipili.
13:44And ang maganda po dito
13:45sa 13th Commission
13:46natin ngayon
13:47is
13:47nasisigurado po natin
13:49na lahat
13:50ng mga proyekto,
13:51tinatamaan ang lahat
13:52ng aspeto ng kabataan.
13:53Hindi lang ang edukado,
13:55hindi lang ang,
13:56let's say,
13:56military,
13:57hindi lang ang
13:57isang aspeto,
13:59pero lahat,
14:00pati yung mga taong
14:01na sa,
14:01mga kabataan
14:02na sa grassroots.
14:03And sa ating mga kabataan
14:04na nanonood ngayon,
14:06huwag kayong matakot
14:07na magsilbi sa gobyerno.
14:08Kung gusto nyo,
14:09halimbawa,
14:10you are left-leaning.
14:11Ang gawin ninyo,
14:12sumali kayo sa civil service
14:13para makita ninyo talaga
14:15kung paano ginagawa
14:16mga bagay-bagay
14:17sa gobyerno.
14:18Maraming tao,
14:19akala madali lang
14:20maglabas ng pera sa gobyerno,
14:21pero mahaba po yung
14:22proseso na yan.
14:23And pag nalaman nyo po
14:24kung gaano kahirap gawin yan,
14:27feeling ko pati kayo
14:28magugulat.
14:30Kaya alam nyo po,
14:31one way to join
14:32and know more
14:33about how the government
14:33can help
14:34is pag sumali kayo
14:35sa civil service.
14:37Kaya gusto ko lang po
14:38sana na
14:38encourage
14:40sa ating
14:41mga kabataan,
14:42lalo na sa mga SK,
14:44habang kayo ay
14:44nagpa-practice pa
14:45bilang bata,
14:46bilang pre-leaders
14:48ng ating bansa,
14:49kailangan
14:50ibigay nyo lahat
14:51ng kakayanin nyo
14:52and
14:53huwag nyo kakalimutan
14:54to pay it forward
14:55kasi lahat ng ginagawa nyo,
14:57hindi yan para basta sa inyo,
14:58para yan sa ibang tao,
14:59para yan sa kapakanan
15:00ng ating bansa.
15:02And of course,
15:03I always close
15:04with the
15:05keep the faith,
15:05the hope,
15:05and the love.
15:06Keep the faith in the Lord
15:07na hindi kayo bibigyan
15:08ng pagsubok
15:09na hindi nyo kakayanin.
15:10Keep the love for those
15:11especially dun sa mga
15:12may pinagdadaanan
15:14pero hindi nyo lang
15:15alam na may pinagdadaanan.
15:16So being kinder
15:17will go a long way.
15:18And lastly,
15:19huwag kayong mawalan ng pag-asa
15:20because kung mawawalan tayo
15:22ng pag-asa,
15:23wala ng pag-asa
15:24ang ating bayan.
15:24Alam nyo po,
15:25sinabi ni Gato siya Rizal,
15:27ang kabataan
15:28ng pag-asa ng bayan
15:29kaya huwag kayong susuko.
15:31Maraming maraming salamat po
15:32and thank you for having me here.
15:33Ang dami palang baho ni Yusek
15:34at sasabihin ko lang sana
15:36be not afraid
15:37pero may keep the faith
15:38and the hope pa.
15:39Napakaganda
15:40at napaka-inspiring talaga
15:41ng mensahe mo,
15:42Yusek Jeff.
15:43Maraming salamat po
15:44sa inyong oras.
15:45Undersecretary Joseph Francisco
15:47Jeff Ortega,
15:49Chairperson
15:49ng National Youth Commission.

Recommended