00:00Bayan ipinatigil muna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng 60 araw.
00:08Ito'y para protektahan ang mga magsasaka sa panahon ng anihan
00:12at sa mga abusadong trader.
00:15Iginiit din ni Pangulong Marcos Jr.
00:18na hindi pa panahon para pag-usapan ang pagtataas ng taripa
00:22sa mga imported na bigas.
00:24Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:25Para tiyakin na di malulugi ang mga lokal na magsasaka
00:30ay pinasuspindi na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:34ang pag-aangkat ng bigas sa loob ng 60 araw.
00:37Ito ang naging desisyon ng Pangulo
00:38kasunod ng pagkonsulta niya sa miyembro ng gabinete
00:41na kasama sa kanyang state visit dito sa India.
00:44Ipatutupad ang naturang suspensyon mula September 1
00:46na tatagal ng 60 araw.
00:49Ayon sa palasyo, ito ang direktiba ng Pangulo
00:51para hindi madehado ang mga lokal na magsasaka
00:53lalo na ngayong panahon ng anihan.
00:55Ayon kasi sa Department of Agriculture,
00:57batay sa kanilang forecast ay inaasahan
00:59na magiging mataas ang domestic harvest.
01:01Dagdag pa ang mataas na stock ng bigas ng NFA.
01:04Napakarami ng pumasok na import,
01:062.5 million metric tons na bigas
01:08plus record harvest tayo ng palay
01:11first semester.
01:12Yung 45 to 60 days,
01:15ano yan eh,
01:16one and a half months.
01:17Kung titignan mo yung requirement natin
01:19na 35,000 metric tons per day
01:22ng bigas,
01:25sa dami ng bigas natin,
01:27hindi yan makaka-apekto masyado.
01:30Dagdag pa ng palasyo,
01:31paraan din anila ito
01:32para protektahan ang mga magsasaka
01:34sa mga mapang-abusong trader.
01:36Kung maganda po kasi ang ani
01:37ng ating mga magsasaka,
01:40hindi po makakabuti
01:42na mag-import pa po tayo ng bigas.
01:44So, ang inaalala po ng Pangulo
01:46ay ang
01:47ang interest
01:50ng ating mga magsasaka.
01:51So, kailangan isuspend po ito
01:53dahil po maganda po
01:54ang ani ng ating mga farmers
01:56para hindi po maapektuhan
01:57ang presyo nito
01:58at hindi maabuso
01:59ng ibang mga shrewd traders.
02:02Samantala, sinabi rin ang Pangulo
02:03na hindi pa panahon
02:04para pag-usapan
02:05ang pagpapataas ng taripa
02:06sa mga imported na bigas.
02:08Una nang inirekomenda
02:09ng Department of Agriculture
02:10ang pagpapatupad
02:11ng unti-unting pagtaas
02:12ng rice import tariff
02:14na layong mabalanse
02:15ang pangangailangan
02:16ng mga magsasaka
02:16at mga mamimili.
02:18Mula no Delhi, India.
02:19Kenneth, pasyente.
02:21Para sa Pambansang TV
02:22sa Bagong Pilipinas.