Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Iba't ibang pagsasanay, isinagawa sa unang maritime cooperative activity ng PH at Indian Navy sa West Phl Sea | Patrick de Jesus

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naging matagumpay ang ikinasang kauna-unahang maritime cooperative activity sa pagitan ng Philippine Navy at Indian Navy sa West Philippine Sea.
00:08Ito'y sa kabila ng pagmamanman ng mga warship ng China, si Patrick Dejus sa detalye.
00:16Sabay na naglayag sa West Philippine Sea sa unang pagkakataon, ang mga barko ng Pilipinas at India,
00:23tatlong barko ng Indian Navy ang sumama sa kauna-unahang maritime cooperative activity ng dalawang bansa na nagsimula kahapon sa karagatang bahagi ng Sambales at Mindoro.
00:35Kabilang dito ang Guided Missile Destroyer INS Delhi na armado ng Brahmos Missile kapareho sa mga armas na binili ng Pilipinas sa India.
00:44Dalawang barko naman ang mula sa Philippine Navy, ang BRT Jose Rizal at BRP Miguel Malbar.
00:53Kung saan gamit ang close-in weapon system na may radar ng BRP Miguel Malbar ay dinedetect ang Cessna plane ng Philippine Air Force na punwaring kalaban.
01:05Isa ang close-in weapon system sa mga modernong armas ng BRP Miguel Malbar na kargado ng 35mm ng bala
01:12at kayang magpakawala ng hanggang sa isang libong rounds kada minuto bilang depensa sa mga kalabang aircraft at paparating na missile maging drones.
01:22That's first in the Philippine Navy and in the armed forces.
01:26Meron siyang integrated tracking platform or system na naka-install and on top of that meron din siyang nakakonekta sa kanya na radar
01:34that will help you to track, identify and eventually assign a firing solution para sa weapon system na nga.
01:45Nagpamalas naman ng iba't ibang formation ang mga barko ng Indian Navy at Philippine Navy sa maneuvering exercise
01:51para palakasin ang kanilang interoperability sa karagatan.
01:55Kasabay nito ang paglipad ng utility helicopter ng India na bahagi ng MANEX para sa intelligence, surveillance and reconnaissance o ISR operation.
02:05Isinagawa rin ang replenishment at sea exercise tampok ang fleet tanker na INS Shakti.
02:11Lumalapit ngayon itong sinasakyan natin na BRP Miguel Malbar dito sa barko ng Indian Navy ang INS Shakti.
02:20At ang istansya ngayon ay nasa 50 yards.
02:23Ipinapakita rito sa replenishment at sea operation yung pagdadala o paglipat ng supply mula sa isang barko
02:30patungo sa isa pang barko habang naglalayag dito sa karagatan.
02:35Sa gitna ng aktibidad, namataan ang dalawang warship ng PLA Navy ng China.
02:41Una rito ay ang Junkai Class Frigate sa distansyang 10 nautical miles mula sa pagsasanay.
02:47Magtatakip silim naman ang magpakita ang ikalawang barko ng PLA Navy na Luyang Class Destroyer at 15 nautical miles ang distansya.
02:57Hindi dumikit ang mga ito at pinanatili ang malayong distansya.
03:02We proceeded as planned, safely and professionally.
03:06Wala tayong radio challenges so tinuloy na natin yung pagta-track,
03:11mong monitor sa kanila and we keep an eye on them kung meron silang mga unusual maritime activities
03:17na makaka-apekto sa pagkandak natin ng MCA na ito with India.
03:24Hanggang sa ikalawang araw ng MCA nitong lunes,
03:27nasa bisinidad pa rin ng pagsasanay ang dalawang barko ng PLA Navy.
03:32Pero tuloy lamang ang MCA kung saan muling isinagawa ang replenishment at sea
03:37sa pagitan ng PRP Jose Rizal at INS Shakti.
03:41Gamit ang isang tali, sinanay kung paano gawin ang refueling ng mga barko
03:45sa gitna ng paglalayad, pati na ang paglilipat ng iba pang supply.
03:50Isa ito sa highlights ng MCA.
03:53Para maging handa ang ating mga barko sa ganitong operasyon,
03:57sakaling magkaroon na rin ang Philippine Navy ng supply ship.
04:01We're also wishing na magkaroon tayo ng supply ship na katulad nasa India.
04:07So this is also a good opportunity for us to prolong our naval operations
04:12if we have that fueling at sea capability.
04:15Nagtapos sa passing exercise ang MCA, sumaludo at nagwagayway ng kamay
04:21ang mga tropa ng Navy mula sa mga balkong kalahok sa Pilipinas
04:25upang ipaabot ang kanilang pasasalamat sa Indian Navy.
04:29Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended