00:00Hindi naging hadlang ang presensya ng mga warship ng China sa kauna-unahang Maritime Cooperative Activity
00:07sa West Philippine Sea sa pagitan ng Philippine Navy at Indian Navy.
00:12Yan ang utlat ni Patrick De Jesus live. Patrick?
00:19Yes, Audrey, iba't ibang pagsasanay nga ang isinagawa ng Philippine Navy at Indian Navy
00:26sa kauna-unahang Maritime Cooperative Activity o MCA ng dalawang bansa dito sa West Philippine Sea.
00:34At kasama dyan itong sinasakyan natin na barko ngayon, ang BRP Miguel Malbar.
00:43Sabay na naglayag sa West Philippine Sea sa unang pagkakataon,
00:47ang mga barko ng Philippinas at India, tatlong barko ng Indian Navy ang sumama
00:52sa kauna-unahang Maritime Cooperative Activity ng dalawang bansa
00:56na nagsimula kahapon sa karagatang bahagi ng Zambales at Mindoro.
01:01Kabilang dito ang Guided Missile Destroyer INS Delhi na armado ng Brahmos Missile
01:07kapareho sa mga armas na binili ng Pilipinas sa India.
01:11Kasama rin ang anti-submarine corvette ng Indian Navy na INS Kiltan
01:16at ang kanilang fleet tanker na INS Shakti.
01:20Dalawang barko naman ang mula sa Philippine Navy, ang BRT Jose Rizal at BRP Miguel Malbar.
01:27Unang pagsasanay na isinagawa ang Air Defense Exercise
01:30kung saan gamit ang Close-in Weapon System na may radar ng BRP Miguel Malbar
01:35ay dinedetect ang Cessna plane ng Philippine Air Force na kunwaring kalaban.
01:41Isa ang Close-in Weapon System sa mga modernong armas ng BRP Miguel Malbar
01:45na kargado ng 35mm ng bala at kayang magpakawala ng hanggang sa isang libong rounds
01:51kada minuto bilang depensa sa mga kalabang aircraft at paparating na missile maging drones.
01:58That's first in the Philippine Navy and in the armed forces.
02:02Meron siyang integrated tracking platform or system na naka-install
02:06and on top of that, meron din siyang nakakonekta sa kanya na radar
02:11that will help you to track, identify and eventually assign a firing solution para sa weapon system na ito.
02:21Nagpamalas naman ng iba't ibang formation ang mga barko ng Indian Navy at Philippine Navy
02:26sa maneuvering exercise para palakasin ang kanilang interoperability sa karagatan.
02:31Kasabay nito ang paglipad ng utility helicopter ng India na bahagi ng MANEX
02:36para sa Intelligence, Surveillance and Reconnaissance o ISR operation.
02:41Isinagawa rin ang replenishment at sea exercise.
02:45Tampok ang fleet tanker na INS Shakti.
02:48Lumalapit ngayon itong sinasakyan natin na BRP Miguel Malbar
02:52dito sa barko ng Indian Navy ang INS Shakti
02:56at ang distansya ngayon ay nasa 50 yards.
02:59Ipinapakita rito sa replenishment at sea operation yung pagdadala
03:04o paglipat ng supply mula sa isang barko patungo sa isa pang barko
03:08habang naglalayag dito sa karagatan.
03:12Sa gitna ng aktibidad, namataan ang dalawang warship ng PLA Navy ng China.
03:17Una rito ay ang Junkai Class Frigate
03:20sa distansyang 10 nautical miles mula sa pagsasanay.
03:23Magtatagip silim naman ang magpakita ang ikalawang barko ng PLA Navy
03:28na Luyang Class Destroyer at 15 nautical miles ang distansya.
03:33Hindi dumikit ang mga ito at pinanatili ang malayong distansya.
03:38We proceeded as planned, safely and professionally.
03:42Wala tayong graduate challenges so tinuloy na natin yung pagtatrack,
03:47momonitor sa kanila and we keep an eye on them
03:49kung meron silang mga unusual maritime activities
03:53na makaka-apekto sa pagkandak natin ng MCA na ito with India.
03:59Hanggang sa ikalawang araw ng MCA nitong lunes,
04:03nasa bisinidad pa rin ang pagsasanay ang dalawang barko ng PLA Navy.
04:08Pero tuloy lamang ang MCA kung saan muling isinagawa
04:11ang Replenishment at Sea sa pagitan ng PRB Jose Rizal at INS Shakti.
04:17Gamit ang isang tali, sinanay kung paano gawin ang refueling ng mga barko
04:21sa gitna ng paglalayag, pati na ang paglilipat ng iba pang supply.
04:27Isa ito sa highlights ng MCA.
04:29Para maging handa ang ating mga barko sa ganitong operasyon
04:32sakaling magkaroon na rin ang Philippine Navy ng supply ship.
04:37We're also wishing na magkaroon tayo ng supply ship na katulad nung nasa India.
04:43So this is also a good opportunity for us to prolong our naval operations
04:48if we have that fueling at sea capability.
04:52Nagtapos sa passing exercise ang MCA.
04:55Sumaludo at nagwagayway ng kamay ang mga tropa ng Navy
04:58mula sa mga balkong kalahok sa Pilipinas
05:01upang ipabot ang kanilang pasasalamat sa Indian Navy.
05:05Audrey, naging matagumpay ang una at makasaysayang Philippines-India MCA
05:13o Maritime Cooperative Activity dito sa West Philippine Sea
05:17at inaasahang masusundan pa ito na sakto din namang kasabay ng pagbisita
05:23ngayong linggo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India.
05:27At bukod sa mga pagsasanay na aking nabanggit sa report,
05:31nagkaroon din ng anti-submarine exercise kung saan sa unang pagkakataon
05:35ay sinubukan yung sonar capability nitong BRP Bigel Malbat.
05:41At Audrey, nasa likod ko rin yung BRP Oserizal.
05:44At hanggang sa ngayon nga ay nakasunod pa rin yung isang PLA Navy warship
05:49ng China habang tayo'y pabalik sa Subic.
05:53Yan ang pinahuling ulat mula rito sa West Philippine Sea.
05:57Balik sa iyo, Audrey.
05:58Alright, ingat kayo dyan. Maraming salamat, Patrick DeJesus.