Skip to playerSkip to main content
Aired (August 2, 2025): Patuloy ang pagpasok ng mga smuggled na produkto sa merkado. Ilan sa mga ito, gaya ng sibuyas, nagpositibo sa bacteria gaya ng E. coli at salmonella. Paano nga ba ito patuloy na nakakapasok sa loob ng ating bansa? At ano ang epekto nito sa ating mga magsasaka? Alamin sa ulat. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ito mga nakalipas na linggo, ilang mga container ang naharang sa iba't ibang lugar sa bansa na naglalaman ng smuggled goods, kabilang dito ang sibuyas.
00:15Dito lang mga nakaraang buwan, lumapag sa Port of Manila ang 6 container vans. Assorted food items ang nakadeklarang laman ng shipment na nagmula sa China.
00:26Pero nang buksan na ito na mautoridad.
00:30Tumambad sa kanila ang toneto nila ng mga puti at pulang sibuyas at frozen mackerel.
00:39Tinatayang nasa 14 million pesos ang halaga ng mga smuggled na sibuyas.
00:49Nakarang naman ang 31 shipment sa Subic Port sa Zambales.
00:53Mga karne ng manok ang nakadeklarang laman ng mga container.
00:56Pero nang inspeksyonin, frozen mackerel, carrots at mga sibuyas pala ang laman.
01:02Tinatayang nasa 100 million piso ang halaga ng smuggled agricultural products.
01:08Wala ring importation permit ang nasabing shipment.
01:11Inga ang isang nakakaano sa amin, nakasisira sa preso ng sibuyas.
01:17Wala silang buwi sa gobyerno. Kaya mainam din yung paghuli-huli nila na yun.
01:22Pag nagiging talama kasi yung agricultural smuggling, siyempre hindi sila nagbabayad ng tamang tax.
01:28Na ibebenta nila na mas mura yung produkto nila.
01:31Compared halimbawa kung ako ay farmer at magbebenta ako, siyempre mas mahal kasi dahil meron akong production.
01:37Farmers natin ngayon, hindi nila kaya mag-compete dun sa presyo ng mga smuggled goods.
01:44So, ayun yung isa sa direktang problema ng smuggling.
01:49Napapababa niya artificially yung presyo na yung mismong farmers natin, hindi sila nagiging competitive.
01:55Pero ang mas nakababahala, ang ilang smuggled onion, nakarating na sa ilang pamilihan.
02:03At ang problema, natuklasang may peligrong dala ito sa mga mamimili.
02:09Ang mga nasabat na sibuya sa isang palengke sa Maynila, nagpositibo sa E. coli o isang uri ng bakterya na karaniwang natatagpuan sa dumi ng tao at hayo.
02:20Ang mga sibuyas naman na nasabat sa Manila Port, nagpositibo rin sa E. coli at salmonella na maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan at pagsusuka sa sino mang makakain ng pagkain kontaminado nito.
02:36Inalam namin sa Bureau of Plant Industry kung paano sinuri ang mga sibuyas.
02:40Nandito tayo ngayon sa Microbiological Contaminants Laboratory.
02:44Bilang protocol, kailangan daw magsuot tayo nitong shoe cover para matakpan yung ating mga sapatos
02:52dahil para hindi na rin daw tayo makadagdag ng mikrobyo sa loob ng laboratorio.
03:01Sa laboratorio ito, dito una sa salang yung mga produkto.
03:07Dito yung sample preparation room.
03:09Sa nakikita natin ngayon, ang tinetesting o yung hinahanda para matesting ay yung mga sibuyas at mga carrots na nakumpiska mula sa South Harbor.
03:20So, pagka nahanda na yung mga samples mula rito, ay ililipat naman sa table na yan para sa microbiological analysis para malaman kung may E. coli o salmonella.
03:32Ang ikulay kasi, ano yan eh, parang common siya na contaminant na hindi natin naiwasan.
03:39But, it should not be there.
03:41Delikado talaga yan because like for example, salmonella, a lot of cases doon na magkakaroon talaga, magkakasakit ka.
03:48Patients really die from that.
03:52Sa dami ng mga produkto na inaangkat ng Pilipinas, sapat ba yung mga laboratorio natin para bantayan yung mga pagkain?
04:01Although, limited lang yung resources namin, we try to maximize it.
04:05We use risk-based determination kung ano ba yung i-priority natin ng mga commodities and from what countries.
04:12But, we really need additional budget talaga.
04:15Yun talaga, and to maintain a laboratorio na ganito, it's very costly.
04:20Very costly.
04:22Dito ang Junyo, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr.
04:26na lahat ng mga imported na sibuyas sa lahat ng palengke ay smuggled.
04:31Mataas yung production data natin.
04:33Simula noong lumabas itong data na ito, wala pang nilalabas na sanitary import clearances ulit.
04:40Kasi because of the huge volume of production.
04:43To further strengthen, nagtayo si Secretary ng tinatawag na Inspectorate and Enforcement Office
04:49to help and coordinate with Bureau of Customs, PNP, NBI sa mga ganitong usapin.
04:57Ang tanong, bakit patuloy na nakapapasok sa bansa ang mga smuggled na sibuyas at ibang agriculture products?
05:05Sabi ng BOC, karaniwang nanggagaling ang shipment mula sa China at iba pang mga bansa.
05:10Dahil bawal mag-import na magpasok sa bansa ng mga sibuyas,
05:13i-dinedeklara ang mga shipment bilang ibang produkto tulad ng assorted frozen goods.
05:19Hindi rin tama ang binabayarang buwis ng mga smuggler
05:22at may mga pagkakataon din daw na nagkakaroon ng sabwatan sa loob ng kanilang ahensya.
05:27Ang sistema kasi para makapag-smuggle ka,
05:31hindi lang ng agricultural products, lahat ng klaseng kargamento.
05:35Papalitan mo yung klasifikasyon kung ano yung talagang laman ng kargamento mo.
05:39Again, it takes two to tango.
05:41Yung nag-import, makakatipid kasi siya.
05:44Meron siyang nakauusap na taga-amen dito sa BOC na merong kakayanan na palitan yung klasifikasyon.
05:50Ganun lang yung kasimple.
05:51Pero para sa isang agriculturist, malalim ang ugat ng smuggling sa bansa.
05:59Nandito pa rin tayo sa sistema ng corruption, especially sa gobyerno.
06:03Meron magagawin, maglalagay.
06:05Tikit mata lang nilang hahayaan na pumasok yung itong mga goods na ito.
06:11Digitalization is the backbone of any major transformation, especially ng BOC.
06:18Dahil thousands of transactions ito every day, hindi pwedeng man-man yan.
06:21Na kailangan natin talaga ng technology-based solutions.
06:27Noong 2023, umabot sa 3 bilyong piso.
06:32Ang halaga ng buwis ang nawala sa gobyerno dahil sa smuggling.
06:36Matindi rin ang pinsalag dulot ito sa mga bagsasaka.
06:39Pag nagpasok tayo ng import, sasabayan na smuggling yun.
06:42Hindi nila makukontrol yun yung paglabas nakuha kaya bubababa ang presyo.
06:46Hindi malulugi kami lalo.
06:51Nahmed ang vanad ngwhamoo en kay mga技.
06:53Hindi malulugi kami lalo.
06:53Tinggu vuestra 쓰고 kab%.
06:55forte!
06:56Aldo sa do 1000 in hila kahukaan.
06:59Habilibare, why is it the right gifted to you?
06:59ueda.
06:59lamps aticka kanun chum.
07:00Habilibare, why arenk ada zip-kara Allah-ihilaniya.
07:00Habilibare, whyout ava kaya hila bi'angra hinabama.
Comments

Recommended