Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Aired (July 27, 2025): For the first time, Born to Be Wild harnesses the power of artificial intelligence to reimagine some of nature's rarest and most elusive creatures.



In this episode, Doc Nielsen Donato searches for the critically endangered Gigantes Limestone Frog, while Doc Ferds Recio visits the Ligawasan Marsh to investigate local accounts of the legendary white crocodile. Watch the full episode now.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00At first, very skeptic ako sa gagawin natin yung experiment.
00:30This is very exciting because this is the first time that we're going to use AI
00:36with the wildlife that we have documented.
00:39Titulad ng ibang palaka na naglalabasan tuwing tag-ulan.
00:44Halos hindi na raw marinig ang huni ng critically endangered na gigantes limestone frog.
00:52Tapos titig naman yung pattern, yung mga juvenile, iba yung pattern niya sa adults.
01:00Samantala, kilalang tirahan ng mga saltwater at Philippine crocodile ang likawasan marsh.
01:10Ang nawag na itong lugar, siguro yung mga 3-kilometer radius.
01:14Pero ang lumulutan, usap-usapan, ang nagpapakita o mano na pagali o puting buhaya.
01:21Talagang puting-puting na talagang walang kulay ng brown.
01:24Siyempre, yung kanyang mata ay mapula.
01:31Wala pa rin katumbas na marinig at makita ang mga hayop sa natural nitong tahanan.
01:36Hindi rin itong mabibigyan ng buhay at kulay ng artificial intelligence kung hindi ito naunang naidokumento ng ating mga eksperto.
01:46Pagpatak ng ulan, may munting nila lang na gumigising.
02:07At kasabay ng pagtila nito, sumasabay sa hangin ang kanilang alingaw-ngaw.
02:15Pero hindi lahat ng palaka sa gubat humuhuni.
02:28Dahil may ilang uri na tila, nanganib na.
02:32At maaring hindi na muling marinig pa.
02:36Sa tulong ng artificial intelligence o AI, susubukan natin bigyan ng kulay at boses.
02:42Ang mga gigantes limestone frog.
02:58Para sa mga palaka, good weather ito para magparami.
03:03Kapag basa ang paligid, isa-isa itong naglalabasan sa bato,
03:08dahon, at puno.
03:17Makikitang lumulobo ang kanilang vocal sac sa paghuni.
03:23Paraan nila ito para maghanap ng magiging kapareha.
03:27Pero di tulad ng ibang palaka na naglalabasan tuwing tagulan.
03:40Halos hindi raw marinig ang huni ng critically endangered na gigantes limestone frog
03:47dahil paubos na ang kanilang lahi.
03:57Ang mga palaka ay bioindicators ng ating kapaligiran.
04:01Ibig sabihin, kapag marami ang endemic at native na species ng palaka sa kagubatan,
04:09malinis ang kapaligiran.
04:10Pero paano na lang kung naglalaho na ang kanilang huni?
04:25Tulad ng gigantes limestone frog na nasa South Gigantes Island sa Iloilo lang makikita.
04:31Dati ko na itong pinuntahan sa Iloilo taong 2017.
04:44Ang palakang ito, critically endangered o nanganganib ng mawala sa wild.
04:49Bukod dito, kakaunti pa lang ang pag-aaral sa kanila.
04:56Napaka-sensitive nila.
04:58Imaginin mo kung wala yung forest, masira yung mga limestone cars.
05:02Dahil sa kung anumang dahilan, either quarrying yan,
05:06or pag-quarry sa cement, or pollution, climate change,
05:11eh madali talaga silang maapektuhan.
05:13And kakaunti pa lang kasi talaga yung knowledge natin on the ecology,
05:17lalo na yung life history.
05:20Ito yung mga areas na dapat talaga natin tutukan na rin pag-aralan.
05:25Gamit ang artificial intelligence at sa tulong ng eksperto,
05:30maaaring na raw mabuo ang itsura ng mga pigirang makikitang mga palaka.
05:36Gamit ang AI, susubukan natin i-generate yung eksaktong morphology
05:41ng mga wildlife na maaaring nang maubos.
05:44Kasama ang isang AI prompter na si Arlene na isang freelance content creator
05:51at herpetologist na si Dr. Arving Jesmos,
05:55susubukan namin gumawa ng AI version ng gigantes limestone frog.
06:00This is very exciting because this is the first time that we're going to use AI with the wildlife that we have documented.
06:09And syempre, yung limestone frog, yun yung napili namin.
06:13Kasi diba parang it needs more push para makilala ng mga tao.
06:18Ayon kay Arlene, ito ang unang beses niyang gumawa ng AI ng hayop.
06:24Mahirap po siya dahil po napaka-unti yung resources sa internet.
06:29Unti na lang po yung mga images at mga videos po.
06:32For me po yung pinakamahirap po is yung hayop, especially po if endangered wildlife po.
06:38So, let's see kung anong magagawa mo base dun sa mga materials na binigay namin sa inyo para pag-aralan mo.
06:46Yes bro, kayo po.
06:47Mga ilang minutes mo ito magagawa?
06:4915 to 30 minutes.
06:5115 to 30 minutes.
06:52Wow.
06:53Actually, na-excite nga ako eh. So, let's do it. Let's do it.
06:59Almost finished.
07:00Stay.
07:01Gamit ang detalye mula sa video na nakuna ng Born to be Wild at maging sa description ng mga pag-aaral ng saintipiko,
07:12inabot ng halos tatlong subok o prompt para makuha ang itsura at habitat ng palaka.
07:24Meron na?
07:31Oh, wow. That's amazing.
07:41So, yung mga details ba na nakuha ni Arlene?
07:46Well, based kung ano yung knowledge natin sa morphology, nakuha nito, nitong rendering ng species.
07:55And actually, this is excellent.
07:57Pati yung form niya sa wild, no?
08:03Kung ano yung itsura niya sa wild.
08:05And of course, yung habitat na.
08:06Wow.
08:07Mukhang accurate actually yung rendition niya, no?
08:10So, pwede siya siya magamit for, you know, I guess for scientific studies.
08:14Ang maganda dito yung texture ng kanyang skin, no?
08:18Nakuha siya.
08:19And of course, yung coloration pattern, no?
08:21Yung may mga bands, sa paa, sa kamay, nakuha siya.
08:27Pati yung mata niya, yung typical na platy mantis ito, eh, no?
08:31Na nakuha siya.
08:32Siguro yung paa lang may need some work dahil may mga nakaangat na ganon.
08:37Hindi talaga siya nakalapat, no?
08:39Wow!
08:52That's amazing!
08:54Ang galeng!
08:59Isa sa kakaibang katangian ng palakang ito, wala silang tadpole stage.
09:04Paglabas nito sa itlog, isa na agad itong palaka o froglet.
09:11Maging galaw at huni ng palaka, hindi pinalagpas ng AI.
09:17Actually, yun yung maganda sa ganitong tool, dahil marami kang aspeto sa science na pwede mag-aralan.
09:30Ang tawag sa ganito ay kinematics, yung mga movements, no?
09:34Bihira mag-aralan ito, eh.
09:35Bihira mag-aralan ito, eh.
09:36Parang muling nabuhay at dumami ang mga limestone frog dahil sa AI.
09:53Nakita ko yung advantage nitong AI technology, ano?
09:56Dahil using this one with the wildlife na pinag-aaralan natin at ang mga scientists,
10:06it can help in the conservation.
10:08Dahil mas lalong maintindihan at makikita nila ang ganda ng ating mga endemics.
10:14May mga possibility rin na ganon, ya-abuse yung tool, yung AI.
10:21Hanggat nun dyan yung information, pwede naman natin i-compare kung ano yung scientific and valid information
10:29versus AI generated.
10:32I'm sure meron pa rin tayong mga safeguards.
10:34Pero, siyempre, there's more!
10:37Wow!
10:44Parang ano ako dyan, ah, superhero.
10:47Dito, halata akong ano.
10:50Halata akong iba yung texture ng ano, no, ng body.
10:55Pero, it's nice.
11:01Mahirap man silang makita sa wild, itong ganitong teknolohiya ay makagamit
11:06sa digital memory, lalo na kung dumating ang panahon na hindi na natin sila makikita.
11:13Kaya maging aral ito sa atin na noon.
11:15At huwag na natin hintayin pa na umabot sila
11:18na maging digital memory na lang ang mga wildlife natin.
11:23Sa panahon ngayon, makapangyarihan ang teknolohiya.
11:27Kaya nang makalikha ng imahe na mga hayop na pwedeng maging daan
11:32para higit itong mapangalagaan.
11:34Lalo na't, wala pa rin katumbas ang marining ang kanilang natural na humi
11:41sa mga kuweba at kagubatan.
11:47Sa ligawasan marsh.
12:00Hindi raw pangaraniwang buwaya ang nagpapakita.
12:02Kulay puti at mapapula ang mga mata.
12:06Paniwala nila, galing umano ito sa kanilang mga ninuno.
12:11Minsan, makita mo may kwintas na yelo.
12:17May yelo sa liig.
12:19Tapos mayroong puti.
12:21Ganyan sila.
12:22Hindi siya maputi lang, patalagang puting-puti na talagang walang kulay ng brown.
12:27Siyempre yung kanyang mata ay mapula.
12:30Sa tulong ng Artificial Intelligence,
12:33susubukan naming bigyan ng buhay ang pinaniniwala ang puting buwaya ng ligawasan.
12:39Pinakamalaking peatland o latian sa Pilipinas ang ligawasan marsh.
12:56Kaya paborito itong stopover ng mga migratory bird,
13:00gaya ng black-necked stilt bird.
13:03Habang ang mga residente,
13:10abala sa kanila paging isda.
13:12Mga tilapia na kukuha nila dito,
13:15medyo maliit pa daw ito.
13:17Depende rin sa panguli nila.
13:19At saka yung taruk.
13:21Lahat yung yan, galing lang dito sa ligawasan marsh.
13:25Pero hindi lang mga ibon at isda ang naninirakan sa ligawasan marsh.
13:33Nakatera rin dito ang mga saltwater at Philippine crocodile.
13:40Dagdag pa ng mga matatandang residente,
13:44gaya ni By Rumina Pendaton Alley,
13:47hindi lang dalawang uri ng buwaya ang naririto.
13:51Dahil mayroon din daw nagpapakita na puting buwaya.
13:56Sa tulong ng Artificial Intelligence,
14:02susubukan naming bigyan ng buhay
14:04ang pinaniniwala ang puting buwaya ng ligawasan.
14:08So, yun pong belief dito sa ligawasan mo.
14:11Meron kasi madipang karinoang buwaya sa amin.
14:13Ano yung ibig sabihin ng pagkakita?
14:14Yung Guardian ng Mars.
14:15Minsan, makita mo may kwintas na yelo.
14:21May yelo sa liig.
14:23Tapos mayroong puti.
14:25Ganyan sila.
14:26Kung may market day, pumapanhikyan sila.
14:30Pansin namin na walang mga chinelas, nakasalakot.
14:34Okay, as humans.
14:36As humans sila.
14:37Pagali ang tawag sa mga taga Maguindanao sa puting buwaya.
14:41Ibig sabihin, kami lang ito sa kanilang mga ninuno.
14:46Kaya malaki ang respeto nila sa pagali.
14:49Susubukan kong kilalanin ang pagali o puting buwaya.
14:55Lawak na itong lugar, siguro yung mga 3km radius itong area.
15:05Na-covered nyo itong mga lawat ng dotus.
15:08Hindi nyo na-expect.
15:09Kasi pag sinabi mo yung marsh, parang mga bakawan.
15:13Usually yung mga nalimito natin.
15:15Full of water leaves.
15:17Some migratory birds, they're still here.
15:19Pero, ang lumulutang na usap-usapan,
15:23ang nagpapakita umano na puting buwaya.
15:27Wala pa raw nakukuna na larawan ito.
15:31Basa sa paglarawan ng mga residente,
15:34mas malaki sa tao at kulay puti.
15:37Ayon kay Dr. John Tabora,
15:40isang crocodile researcher mula sa University of Southern Mindanao,
15:43nakita na raw niya ang puting buwaya.
15:46Hindi siya maputi lang, pat talagang puting-puti,
15:49na talagang walang kulay ng brown.
15:51Siyempre, yung kanyang mata ay mapula.
15:54Dahil nga sa walang melanin,
15:58nakikita yung parang blood vessels sa kanyang mata.
16:01Kahit na nasa ilalim siya ng tubig na maraming lumot,
16:04nakikita mo pa rin.
16:05Pusible naman daw sa mga buwaya ang maging kulay puti.
16:09Albino crocodile ang tawag sa ganitong itsura ng mga buwaya.
16:13Yung albino crocodile, tutu po yan.
16:16That is really existing among crocodiles and even other vertebrates.
16:22Tutu po yan na nagkakaroon po ng albino na crocodile.
16:24Ako ay nakakita personally ng isang albino crocodile.
16:28Nakita niya raw ang albino crocodile sa isang crocodile farm sa Davao City noong 2008.
16:35Mula noon, wala na raw naitalang puting buwaya sa Mindanao.
16:40Kung sa iba, advantage ang pagiging maputi,
16:44hindi para sa mga albino crocodile.
16:47Kung eto po'y nasa wild,
16:50ang perspective naman po namin yan,
16:52ang isang albino crocodile ay mahirap po na mag-survive sa wild.
16:56Dahil ang number one, madali siya makikita ng kanyang predator.
17:00Pagka maliit pa kasi yung mga crocodile,
17:02hindi sila predator, prey pa sila.
17:04Dagdag pa ni Dr. Jerome Montemayor, isang peatland expert at director ng ASEAN Center for Biodiversity.
17:12Espesyal ang ligawasan marsh para sa mga buhay ilang, gaya ng mga buwaya at ibon.
17:18Yung kanyang characteristics na magsipsip ng organic matter,
17:24aka carbons, na ini-store niya sa loob ng pitlands.
17:29So kung may imagine nyo sa bahay, meron kayong palanggana.
17:32May tubig siya sa ibabaw.
17:34Punoon nyo ng tubig, tapos lagyan nyo ng mga dahong na bubulok.
17:38Papansin nyo, matagal bago sila mabulok pag nado sila sa ilalim ng tubig.
17:42Kung magpapatuloy raw ang matinding pag-init sa mundo,
17:46posibleng matuyo at masunog ang buong ligawasan marsh ayon sa mga eksperto.
17:52Dahil umano ito sa methane gas,
17:55mula sa naimbak na nabubulok na halaman at patay na hayop sa ilalim ng tubig.
18:00Sa ligawasan marsh, dahil pitlan siya, masusunog yung mga vegetation sa taas,
18:06damo, halaman, at kung ano pa mang greens na makatagpaon doon pag natuyo yun,
18:12pwedeng masunog.
18:13Pero ano yung nasa ilalim?
18:15Lahat yun ay flammable.
18:17So pag nasunog yan nasa ibabaw, susuot yung apoy,
18:22yung mga ningas, yung mga bagas sa ilalim,
18:25at kakalat siya sa ilalim.
18:27Hindi mo na makikita ngayon kung nasaan sila.
18:30Kapag ito'y nasunog, sila ang unang maapektuhan.
18:33Yung haze, yung usok,
18:36ay maka-apekto sa kalusugan ng napakaraming tao doon sa paligid.
18:40Bukod doon, yung biodiversity,
18:44yung mga iba't ibang anyong buhay na nandoon,
18:47at yung kabuhayan ng mga tao sa paligid ng ligawasan marsh,
18:51lahat yan damay-damay ang masisiran.
18:54Ang magandang, may isa ilalim siya sa isang batas na nagpoprotekta sa kanya
18:59bilang isang protected area,
19:01na pakikinabangan hindi lang ng mga probinsya, munisipyo
19:06na nakakasakop sa ligawasan marsh,
19:09kundi ng buong Mindanao, ng buong Pilipinas, at ng buong mundo.
19:12Hindi man namin makakaharap ang puting buwaya,
19:15binigang buhay naman ito ni Norman.
19:18Ang dapat natin tandaan is, yung AI-generated videos
19:22is something na representation lang.
19:26It's more of something na para mag-visualize lang.
19:30Binisita rin niya ang isang rescue center para makakita ng aktual na buwaya.
19:35Iba yung pakiramdam, iba yung tagitaw, yung feel na yung nasa harapan mo na mismo, yung crocodile.
19:45Sa artificial intelligence, hindi lahat ay perfecto.
19:48Pero ang sigurado, kapag dapat natiling protektado ang lugar
19:53gaya ng ligawasan marsh,
19:55hindi na kakailanganin ang AI
19:58para bigang buhay ang mga kwento tungkol sa puting buwaya.
20:03Maraming salamat sa panonood ng Born to be Wild.
20:06Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan,
20:09mag-subscribe na sa GME Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended