00:00Pinutukan ng Department of Agriculture ang pagpapabilis ng hog repopulation
00:04para sa planong mapababa ang presyo ng baboy sa susunod na taon.
00:09Nagbabalik si Bel Custodio.
00:12Nakatakdang bumili ang Department of Agriculture ng 32,000 na inahing baboy para sa hog repopulation
00:18para mas mabilis na makabawi sa epekto ng African Swine Fever
00:23na lubhang nakaapekto sa populasyon ng baboy matapos tumaas ang kaso nito noong nakaraang taon.
00:29Kailangan natin ibalik yung hog population, yung nawala na 5 million, kailangan natin ibalik yun.
00:37Babalik natin 6 million hogs in the next couple.
00:41Pag ibalik natin yan, then bababa na ang presyo ng baboy to its former presyo before ASF, hopefully.
00:50Of course, dagdag na yung inflation, but pork prices should be more reasonable.
00:57Inaasahang maipapadala sa bansa ang 32,000 hogs sa ikalawang kwarterang 2026.
01:04Unang ididistribute ang mga bibilhing inahing baboy sa mga medium at large farms.
01:09Target naman ang DA na makabili ng 100,000 inahing baboy sa 2027 at 100,000 baboy sa 2028
01:17para maibalik ang nawawalang populasyon ng baboy dahil sa ASF.
01:22Kukuni ng ahensya ang pondo ng pagbili ng mga baboy mula sa 20 billion budget na nakapaloob sa Animal Industry Act sa susunod na limang taon.
01:31Samantala, nasa 260,000 doses na ang naiturok sa mga baboy mula sa 500,000 doses sa binili ng ahensya.
01:41Batay sa ulat ng DA, mataas ang efficacy rate ng mga bakuna kontra ASF.
01:47Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments