Skip to playerSkip to main content
Iminungkahi na rin sa Kamara na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa serbisyo ng water concessionaire na Primewater batay sa resolusyon ng isang kongresista. Kabilang sa mga ipatatawag ang mga local water district na pumasok sa joint venture agreements kasama ang kompanya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inungkahin na rin sa Kamara na magsagawa ng sariling investigasyon sa serbisyon ng water concessionary na Prime Water
00:08batay sa resolusyon ng isang kongresista, kabilang sa mga ipatatawag ang mga local water district
00:15na pumasok sa joint venture agreements kasama ang kumpanya.
00:19Nakatutok si Tina Pangniban Perez.
00:21Tulad sa ilang lugar na sineservisyohan ang water concessionary na Prime Water Infrastructure Corporation,
00:31nararanasan din umano sa Zambales 1st District ang inirereklamong kakapusan sa tubig-ripo.
00:38Sumbong yan ng mga taga-roon ayon sa kinatawa nilang si Congressman Jefferson Konghut.
00:42Kaya nag-high-in siya ng resolusyon para investigahan ng Kamara ang mga joint venture agreement na pinasok ng local water districts
00:51at ng Prime Water.
00:52Binanggit sa resolusyon ng ilang beses na pagkaputol ng tubig-ripo sa maraming barangay sa kanyang distrito
00:58at halos buong araw na emergency water disruption.
01:02Siguro nararapat lamang na magkaroon ng investigasyon regarding kung ano yung mga nangyayari
01:09at para mabigyan naman ng hustisya rin yung mga naapektohang mga mamamayan na kung saan ang nagbibigay ng servisyo sa tubig ay yung prime water.
01:22Ayon kay Konghut, apatapong kongresista na ang nagpahiwatig na nais nilang maging co-author sa inihain niyang resolusyon.
01:29Pareha kami ng sentimento ni Kongjey kasi sabi ko nga local to. Pareha-pareha kami ng problema sa local.
01:35Kasama sa mga ipatatawag sa pagdinig ng Kamara ay ang mga opisyal ng prime water, local water districts
01:42at mga kaukulang ahensya ng pamahalaan gaya ng Local Water Utilities Administration.
01:48Sinisika pa namin puna ng reaksyon ang prime water.
01:51Pero matapos mag-utos noon ang investigasyon ng Malacanang sa Local Water Utilities Administration,
01:58sinabi ng prime water na nire-respeto nila ang proseso at handa silang makipagtulungan ukol dito.
02:04Kahapon, sinabi ni Palas Press Officer Claire Castro na dalawang kahon na sinlaki ng balikbayon box
02:11ang ipinasang mga dokumento ng luwa kaung nais sa ginawang review sa mga JVA.
02:17Sabi ng Palasyo, magkakaroon ng meeting bukas para pag-usapan ng solusyon sa problemang kinasasangkutan ng prime water.
02:26Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended