Skip to playerSkip to main content
Umagos ang mga problema sa tubig na nadiskubre sa gumugulong na imbestigasyon sa Primewater. Pinatotohanan ng nag-imbestigang Local Water Utilities Administration ang mga reklamong naranasan ng mga consumer.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umagos ang mga problema sa tubig dahil na-discovery sa gumugulong na investigasyon sa Prime Water.
00:08Pinatotohanan ng Nag-Imbestigang Local Water Instilities Administration
00:12ang mga reklamong naranasan ng mga consumer.
00:16Nakatutok si Maris Umali.
00:21Maruming tubig, amoy o lasang kalawang, umalansa, at may pagkakataon pang wala talagang tubig.
00:29Kabilang ito sa mga problemang naglitawan, matapos pa-imbestigahan ni Pangulong Bombong Marcos sa Local Water Utilities Administration o LUWA
00:36ang sanhinang kawalan ng tubig sa banyo ng ininspeksyong eskwelahan sa Bulacan.
00:41Isa sa kanilang iniimbestigahan ang water concessionaire na Prime Water.
00:45It was a revalidation of the initial investigation report natin na sinimula natin noong Mayo.
00:52So parang naulit lang, well the water concessionaire is not doing enough to fix this issue.
00:58Kasi ang daming nagagalit because of the service.
01:02Nagpunta daw ang mga inhenyero ng LUWA sa Laguna, Quezon, Pampanga, Nueva Ecija, La Union at Pangasinan para kumpirmahin ang mga reklamo.
01:10Pina-validate namin kasi meron naman kami listahan na water districts na gustong kumalas.
01:15Pinapunta namin yung mga tao namin doon, pinacertify namin sa LUWA engineers namin and representatives that this is actually happening.
01:23Pinatotohanan namin yung mga reklamo ng residente.
01:26Isinasapinal na raw ng LUWA ang kanilang report na naglalaman ng kanilang mga natuklasan,
01:31pati mga rekomendasyon na nakatakda raw nilang isumite sa Pangulo na yung linggo.
01:36Ang Prime Water, may halos isang dang joint venture agreements sa mga water districts sa buong bansa.
01:41Hinihinga na namin ng tugon dito ang Prime Water pero hindi pa sila nagbigay ng sagot.
01:45Kaugnay sa mga reklamong ito.
01:47Pero handa raw itong makipagdayalogo.
01:49Nagsumite na rin daw sila ng catch-up plan sa LUWA para tugunan ang mga problema.
01:54Basically, the catch-up plan consists of engineering works and water supply.
02:00Yun ang number one nila.
02:02So yung time frame niyan iba-iba, depending sa engineering difficulty ng per water district.
02:08Ayon sa LUWA, hindi rin daw agaran ang mga solusyong ito.
02:10Kaya hinahanapan pa rin daw nila ng solusyon ng problema ng mga consumer.
02:14Nauna na rin sinabi ng Prime Water na naiintindihan nila ang kahalagahanan
02:18di napuputol na supply ng tubig, lalo na sa mga eskwelahan.
02:22Nananatili rin daw silang nakatoon sa pagbibigay ng maaasahang servisyo sa tubig
02:26at seryoso rin daw nilang tinutugunan ang lahat ng reklamo o issue kaugnay nito.
02:31Sa San Jose del Monte, Bulacana, paagaraw ang pagputol sa kontrata ng Prime Water
02:35pero may legalidad pa itong kinakaharap dahil 25 taon ang kontrata ang pinirmahan.
02:41May mekanismo na raw ngayon ang LUWA para bantayan at parusahan ang mga water concessionaire
02:46na hindi tumutupad sa mga patakaran.
02:48It has to be a practical solution, di ba?
02:51Napakadaling sabihin natin tatanggalin yan.
02:55But it will not bring water to those people.
02:57Has to be a practical solution.
02:59That's why we're aiming for short-term and systemic long-term solutions here.
03:04Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended