Skip to playerSkip to main content
Halos kumunot na ang noo ng ilang taga-Muntinlupa dahil sa araw-araw umanong water interruption sa kanilang lugar.


Paliwanag ng Maynilad, apektado ng Amihan ang tubig ng Laguna Lake kung saan galing ang tubig-gripo roon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Halos kumunot na ang nooh ng ilang taga-Muntinlupa dahil sa araw-araw umunong water interruption sa kanilang lugar.
00:07Paliwanag ng Maynilad, apektado ng amihan ng tubig ng Laguna Lake kung saan galing ang tubig gripo noon.
00:14Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:19Labing limang oras na wala ng tubig ang bahagi ng barangay Putatan sa Muntinlupa.
00:24Malaking perwisyo para sa mga residente at negosyo roon.
00:28May mga estudyante kami na siyempre kailangan nilang maligo, kailangan sa pagluto.
00:35Walang tubig, as in walang running water na para maglinis, para mag-ayos.
00:43So ang hirap, talagang napakahirap.
00:46Maghugas po kasi minang plato, tapos wala pong tubig.
00:49So akala namin naputulan kami, magbipareplate na lang po kami for the meantime kasi wala pong tubig.
00:55Sumulat na ang City Hall sa Maynilad para pag-usapan ng dahilan nito at kung paano ito masusolusyonan.
01:02Sa paghaharap-harap kanina, pangunawa ang bungad ng Maynilad,
01:07sabay paliwanag na pinalalabo ng hanging amihan ang tubig ng Laguna Lake.
01:11Record high po yung hangin speed.
01:14At hindi lang po yun, yung direction po ng hangin ay papunta po sa intake ng planta ng Maynilad, mga
01:22planta ng Maynilad.
01:23So that exacerbated the turbidity concern.
01:27Because of the turbidity, we had to slow down the production.
01:32Yun yung dapat natin marandaman na mayroong uninterrupted supply sa atin.
01:37So dun po natin sila pananagotin.
01:40Dahil sa bumubuting kondisyon ng Laguna Lake,
01:43nababawasan ang bilang ng mga Maynilad customers na apektado ng water service interruptions.
01:49Nito mga nakalipas na araw, umabot sa may 350,000 na mga customers ang apektado ng problema sa supply ng
01:56tubig.
01:56Nagdagdag din ang water tanker at may mga static water tanks rin para magbigay ng tubig sa mga oras na
02:02apektado ang supply.
02:04Ngayong araw, bumalik na ang supply sa bahay ni Burley pero mahina naman ang daloy ng tubig sa gripo.
02:10Lagi na lang pong mahina.
02:12Kaya po nag-iipon-ipon ng tubig.
02:14Minsan talaga natatapat talagang walang katubig-tubig.
02:18Bumibili na lang po kayang mineral.
02:21Dahil taon-taon namang may amihan,
02:23pangmatagalang solusyon ng Maynilad ang pagtatayo ng bagong treatment plant at dagdag na water reservoir.
02:41Sa sandaling bumalik na ang supply ng tubig sa inyong lugar, maaaring may kulay ang tubig.
02:47Sa ganitong pagkakataon, hayaan munang dumaloy ang tubig ng ilang minuto.
02:51Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Oras.
02:59Pag-iipon-ipon-ipon.
Comments

Recommended