Skip to playerSkip to main content
Sa pag-inspeksyon agad ng mga sinitang flood control project sa Bulacan, sumabak ang mga bagong district at assistant district engineer sa probinsya. Sumailalim sila sa masusing pagsisiyasat para matiyak na walang koneksyon sa mga pinalitan. At binalaang ‘wag gagaya sa kanila.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bernadette Reyes
00:30Paalala at babala sa anino ng katiwalian ang lamesang ito kung saan ipinakilala ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga bagong opisyal ng Bulacan First Engineering District Office.
00:44Ito raw kasi ang lamesang ginamit ng mga dating pinuno ng distrito na sinandating District Engineer Henry Alcantara at dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez
00:55para sa paghahati-hati ng milyon-milyong pisong kickback sa mga flood control project.
01:00Dito ginapag nila, nung papalitan nitong dalawang to, nila Alcantara at saka nila Hernandez, yung 300 million na pinagparte-partehan nila.
01:13And I think it's very important to use this as a symbol kasi kailangan itong buong District Office na ito, kung saan tayo lang sumabog itong napakalaking skandalong ito, simbolik to din ng pagbabago.
01:34Ang maduming kalakaran na ito ang ayaw na raw maulit ni Secretary Dizon kahit kailan.
01:40Kaya may matindi siyang bilin sa bagong talagang DPWH Engineer sa Bulacan.
01:45Ang kabin-bilinan ko lang sa kanilang dagawa, huwag kayong gagaya doon sa mga papagitan ninyo.
01:49Kasi kung gumaya kayo, kung ano mangyayari sa kanila, yun din ang mangyayari sa inyo.
01:54Si Engineer Kenneth Fernando ang magsisilbing OIC District Engineer.
01:58Nag-master siya ng civil engineering sa Japan at sampung taon nang nagtatrabaho sa DPWH.
02:04Si Engineer Paul lumabas ang OIC Assistant Engineer.
02:07Siya ang OIC ng Planning Division at galing sa Private Public Partnership Service ng DPWH sa Central Office.
02:15Kapwa sila bahagi ng second batch ng DPWH Cadet Engineering Program.
02:20Sabi ni Dizon, matinding vetting ang isinagawa ng DPWH sa dalawang ito para matiyak nang walang kahit anong koneksyon kina Alcantara at Hernandez.
02:31OIC Regional Director naman si Assistant Secretary Romel Tellio na retired two-star general ng Philippine Army.
02:38Isinabak agad sa trabaho ang tatlo at isinama sila sa inspeksyon sa Flood Control Project sa Barangay Bulusan sa Kalumpit na dati na ininspeksyon ni Pangulong Marcos dahil sa mga substandard at ghost flood control projects.
02:53Ayon sa DPWH, humigit kumulang 770 meters na istruktura ang kailangan itayo dito para maiwasan ang pag-agos ng tubig papunta sa mga kabahayan.
03:03Isa pa sa kailangan nilang solusyon ngayon ay ang right-of-way issue dahil may mga nakatayong bahay sa daraanan na istruktura.
03:10Ang mga nasa likod ng palpak na flood control project dito, sabi ni Dizon, iniimbestigahan na at haharap na sa hostisya.
03:17Seven months in one year, bumabaha dito. Lahat ng mga involved dito, kasama na sila Sims, Wawaw, may mga St. Timothy din ata dito, lahat yan may kaso na.
03:31At most likely, ma-file na sa korte ng ombudsman yung mga kasong ito. Isara natin yung gap. So, sisimula na nila yung proseso.
03:44Immediately, kailangan pong ma-parcillary survey habang inaayos po yung design ng flood control.
03:49And at the same time, magkaroon ng coordination meeting dito po sa lugar.
03:53So, while hinihintay po yung pondo, na pagkahanapan ng pondo, pwede pong gamitin yung time na yun para gawin lahat ng studies.
04:01Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Oras.
04:05GMA Integrated News
Be the first to comment
Add your comment

Recommended