00:00Itinali sa sakong may buhangin bago itinapon sa Taal Lake.
00:05Ganyan ang ginawa sa mga nawawalang sabongero ayon kay Alyas Totoy,
00:09ang akusadong gusto ng tumestigo sa kaso.
00:12Naglabas din siya ng video sa pagkakagapos sa nawawalang sabong master agent
00:16bago mo na ito pinatay.
00:19Panoorin sa aking eksklusibong pagtutok.
00:21Sa videong hawak ni Alyas Totoy,
00:27ang nagpakilalang direktang bahagi sa kaso ng mga missing sabongero,
00:31kita ang isang lalaking tila nakagapos sa anyay isang sasakyan
00:36habang tinatanong ng mga lalaki.
00:41Hindi aninag ang muka ng lalaking nakagapos dahil balot ito ng mask.
00:46Pero ayon kay Alyas Totoy, ito si Ricardo John John Lasko.
00:52Kabilang si Lasko, sa 34 na sabongerong apat na taonang nawawala.
00:58Si Lasko, ang 44 anyos na master agent na dinukot ng hindi bababa
01:02sa sampung armadong lalaki sa kanilang bahay sa San Pablo, Laguna noong August 2021.
01:08Bilang master agent, binigyan ng prangkisa si Lasko para makapagpalabas ng online sabong.
01:13Sa kanya tataya ang mga sabongero at ang kita porsyentuhan.
01:17May bahagi ang nagbigay sa kanya ng prangkisa at syempre pati siya.
01:21Ayon kay Alyas Totoy, kasama ang video ito sa ipapasa niya sa mga otoridad
01:26sa kanyang paglutang anumang araw mula ngayon.
01:29Una ng sinabi ni Alyas Totoy, na alinsunod sa utos anya ng among hindi pa muna niya tinukoy.
01:34Binayaran niya ang isang grupo para patayin si Lasko matapos itong pagbintangang pinirata ang isang online sabong broadcast.
01:43Napapataya din siya na mas malaking porsyento na wala siyang kahirap-hirap.
01:49Bumina yung sins pinahanap.
01:51Ang video ni Lasko, pinadalaan niya ng mga taong binayaran niya bilang pruweba na nakuha nila ito.
01:58Ang nagbigay ng video, isa sa pinaka-team leader sa kumuha kay Jun Lasko.
02:07Ano ang background na mga ito? Ito ba yung mga sibilyan? O ito yung uniformado? O ano?
02:11Sila yung mga uniformado.
02:14Sundalo po o pulis?
02:15Pulis.
02:16Kasama ko sila sa kakasuhan, tama po?
02:18Kasama sila. Pasesang grupo yan.
02:22Ayon kay Lasko, pagkadukot kay Lasko at nang makuna na ito ng cellphone video bilang pruweba, ay agad din itong itinumbah.
02:30Pagbawa sa kanya, sinakasasakyan at inimbestigahan ikot-ikot bago pinatay.
02:37Yun yung video na yan, kailan ho kinunan?
02:38Ah, hindi ko matandaan. Basta yung paglabas dun sa CCTV, yun na yun. Tuloy-tuloy yun. Pagsakyan ng sakyan, inuhaan na nila yan.
02:48Hindi lang daw 2 milyon pesos ang kanilang ibinayad sa grupong pumatay kay Lasko.
02:53Humiritan niya ng dagdag na 2 milyong piso ang grupong kinuntrata para tapusin ang trabaho.
02:58Ako mismo ang nagbayad sa kanya ng 2 milyon para anuhin yun. Kulang ng 2 milyon, sir. Gawa ng maraming tao ang ginamit ko dito.
03:09Tulad ng ibang mising sabongero ayon kay Elias Totoy.
03:13Tinali daw sa sakong may buhangin ang labi ni Lasko para hindi lumutang.
03:17Tsaka pinalubog sa isang palaisdaan sa Taal Lake.
03:21Napanood na ng kapatid ni Lasko ang video at kinumpirmang ang kapatid na si John John ang nakagapos.
03:26Panawagan ng kanyang pamilya sa gobyerno ngayong may development na sa kaso.
03:31Bigyang proteksyon ang mga testigo at investigasyon ang lokasyong binanggit sa posibleng tapunan ng mga bangkay, yung Taal Lake sa Batangas.
03:40Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil. Nakatutok 24 Horas.
Comments