00:00Counter-flow
00:04Counter-flow no? Arang taxi?
00:06Napa-atras ang taxi nito sa Iloilo City.
00:10Nag-counter-flow kasi ito,
00:12kaya di agad nakausan ang kasalubong na emergency vehicle ng MDRMO.
00:17Pagpapaliwanagin ang Land Transportation Office ang taxi driver.
00:21Ayon naman sa taxi company kung saan mahigit labing dalawang taon na siyang namamasukan,
00:26sinabi raw ng choper na sumunod siya sa tricycle na nag-counter-flow din sa akalang libre na ang lane.
00:33Bukod sa posibleng suspendihin ng kumpanya ang choper,
00:36isasailalim din siya sa retraining para sa driver's safety.
00:41Dalawang bangkay ang natagpuan sa magkahihwalay na lugar.
00:44Ang isa, nakasilid sa drum at iniwan sa bangin sa antipolo.
00:48Habang ang isa, dumulutang naman kasama ng mga basura sa Quiapo Pumping Station.
00:54May report Jamie Santos.
00:56Sa gitna ng paghihiwalay at pag-aho ng mga basura,
01:02sa MMDA Quiapo Pumping Station sa Maynila pasado alas dos ng hapon,
01:06tumambad sa mga taga-MMDA ang bangkay ng isang lalaking 55 hanggang 60 years old.
01:12Ni-report ito sa MPD Station 14 na agad nakaresponde.
01:16Hawak na ng MPD Homicide Section ng imbistikasyon.
01:19Ang lalaki ay naka brown shirt, black shorts, may black reading glasses,
01:25tattoo sa kaliwang balikat na tila may pangalang guardian.
01:28Wala naman daw nakita ang mga polis na palatandaan ng panlabas na pinsala sa biktima.
01:33Pero nasa advanced stage of decomposition na ang lalaki.
01:47Inaalam pa kung sino ang lalaki at bakit siya namatay.
01:50Sa bangi naman sa Antipolo City, inangat sa tulong ng lubid ang plastic drum na ito na nakita ng ilang kabataan kahapon.
02:10May bangkay pala sa loob.
02:12Nakala po nila yun i-kalakal at nung pagbukas po nila, tumambad po sa kanila ang paa.
02:19Kaya immediately pumunta sila sa pinakamalapit na polis.
02:24Nakaplastic pa ang bangkay.
02:26Nakamaong short at puting t-shirt ang babae hanggang baywang ang buhok.
02:30Meron siyang tattoo na gagamba malapit sa tiyan
02:33at sa kaliwang kita ay tattoo ng ahas na may nakasulat ng Noemi.
02:37Natunto ng GMA Integrated News ang pamilya ng biktima na kinilalang si Rana Ayesa Baluyon.
02:44Sabi ng kanyang kapatid, madaling araw ng January 20,
02:47kuling nakita si Rana Ayesa sa barangay kupang Antipolo City.
02:51May sumundu raw sa kanyang babae at lalaking nakamotorsiklo.
02:55Hindi malinaw kung ano ang kaugnayan ng biktima sa dalawa.
02:58Mula raw noon ay hindi na nila nakontak si Rana Ayesa.
03:02Pasti siya po para po sa pagkawalan ng kapatid ko.
03:05Last po na sinabi niya, may binanggit daw po siyang pangalan.
03:08Sabi daw po, wala na daw po siya ibang hahanapin.
03:12Kundi po yung binanggit niya lang po ang pangalan.
03:15Patuloy ang imbistigasyon ng Antipolo Police.
03:18Jamie Santos nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:22Nausog sa Pebrero ang pagbasa ng sakdal.
03:26Dapat ngayon, kay dating Sen. Bong Revilla at mga kapwa akusado sa Ghost Flood Control Project sa Bulacan.
03:33Tagain kasi sila ng mga apela.
03:35Hakbang natingin ng prosekusyon ay delaying tactic.
03:38Isa sa mga hiling ni Revilla ang malipat ng piitan.
03:41Kaya ang mga maestrado ng Sandigan Bayan sinayasat mismo ang selda ni Revilla sa New Quezon City Jail.
03:48May report si Maki Pulido.
03:50Babasahan dapat ng sakdal si dating Sen. Bong Revilla at 6 na kapwa akusado mula DPWH Bulacan 1st District sa Sandigan Bayan 3rd Division.
04:02Pero imbes na tumugon sa kasong malversation,
04:05kaugnay sa P92M Ghost Flood Control Project sa Pandi, Bulacan,
04:10naghain ng mga musyon ang mga akusado.
04:12Ang nais ng kampo ni Revilla, ibasura ang kaso dahil hindi raw nasunod ang due process.
04:18Ibalik sa ombudsman ang kaso para muling imbesigahan at ilipat siya sa PNP custodial Facility mula sa New Quezon City Jail.
04:27It's important because the objective is to wash the warrant and to dismiss the case.
04:31Inapila naman ang akusadong si Emelita Huat, engineer ng DPWH Bulacan, na makulong siya sa Bulacan Police Provincial Office.
04:40Musyon naman na abogado ni Juanito Mendoza na pag-isahin sa isang dibisyon ang kasong graft at malversation.
04:46Ang mga musyon, tinawag ng prosekusyon na delaying tactic.
04:50Sa huli, ipinagpaliban ng korte ang arraignment.
04:53Nireset ang pagbasa ng sakdal sa February 9.
04:56Binigyan ang prosekusyon hanggang January 28 na magkomento at pagkatapos noon ay re-resolbahin na ng mga mahistrado ang mga musyon.
05:05Matapos ang pagdinig sa 3rd Division, diretsyo si Revilla sa 4th Division para naman sa arraignment ng kasong graft.
05:12Si Emelita Huat lang ang tumugon ng not guilty.
05:16Habang ang kampo ni Revilla, umapila rin ibasura ang kaso at ibalik ito sa ombudsman.
05:21Nagtaka nga si 4th Division Chair Michael Musngi kung bakit naghain pa ng mga musyon ng depensa dahil tatagal daw ang paglilitis.
05:29It's the right of the accused to invoke speedy trial but as far as we're concerned, we are exhausting all possibilities.
05:36We will take our chances there.
05:38Nireset din ang 4th Division ng arraignment sa February 9.
05:41Para malaman kung may basihan ang hiling ng kampo ni Revilla na malipat sa PNP Custodial Center,
05:47ininspeksyon mismo ng tatlong hukom ng Sandigan Bayan ang Quezon City Jail Male Dormitory.
05:53Sa dalawang oras na inspeksyon, sinilip ang selda ni Revilla at iba pang pasilidad.
05:58Paglabas nila bago mag alas 2 ng hapon, tikom ang bibig ng mga hukom.
06:10Mag-isa sa selda si Revilla habang nakabukod pero magkakasama ang apat na kapwa akusado.
06:16Because of their statements implicating the former senator, ayaw po nilang parang complicated kung magsasama-sama po sa selda.
06:26Ininspeksyon din ang mga mahistrado ang female dormitory sa Camp Karingal, kung saan naman nakapiit ang babaeng kapwa akusado ni Revilla.
06:34Si Sen. Joel Villanueva naman na nahaharap sa mga reklamo malversation kaugnay sa umunay ghost flood control project sa Bulacan.
06:42Nag-sumite ng counter affidavit sa Justice Department bago ang preliminary investigation sa lures.
06:48Ayon kay DOJ spokesperson, Atty. Paulo Martinez. Sinikap ng GMA Integrated News na kunan ang pahayag ang senador pero mabilis siyang umalis.
06:57January 20 ang orihinal na deadline para sa counter affidavit ni Villanueva pero pinalawig sa January 26 matapos paboran ng prosekusyon ang kanyang musyon.
07:07Maci Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:12Arestado sa Quezon City at Batangas ang mga nanay natin ang kaumanong ibenta ang kanika nilang mga anak.
07:19Sa Cagayan de Oro naman hinahanap ang nag-iwan sa bubuong ng eco bag na may lamang sanggol.
07:25May spot report ni June Veneracion.
07:33Laking gulat na mga taga-barangay kanituan sa Cagayan de Oro City.
07:36Nang pagbukas nila sa isang eco bag na iniwan sa bubuong ng isang bahay.
07:41Sanggol na meron pang umbilical cord ang tumambad.
07:45Stable ang lagay ng baby matapos masuri sa ospital.
07:48Inaalam na rin ang barangay ang pagkakailanlan ng nanay ng bata.
07:51Nag-deploy na tag mga BHW.
07:54Arun nga amung sutaon.
07:57Kay naaman may datos nga na ay katursi ka mga nakay nga mama.
08:05Nga na-address ang mong likod kani makita man na to.
08:09Katursi sa bulan yun sa January 2 paingon sa isang kabulan nga ka na.
08:16Nguni sila ang mga manakay. Nguni ang mong ipantuan.
08:19Pangatlong kaso na ito nang inabando ng bagong silang na sanggol sa barangay.
08:23Sa Batanga City, sinagip ng PNP Women and Children Protection Center ang isang sanggol na tatlong buwang gulang
08:30mula sa ina nitong ibinibenta o mano online ng anak sa halagang 75,000 pesos.
08:36Arestado ang ina na kakauwi lang sa Pilipinas kasama ang anak na isili lang sa Vietnam.
08:41Nung tinanong namin bakit binibenta, according to her, para makabalik siya sa Vietnam at magtrabaho ulit.
08:48Isang araw bago nito.
08:50Arestado rin ng isang buntis na nagtangka rin ibenta ang isang taong gulang na anak kapalit ng 25,000 pesos.
08:59According sa kanya, pito ang naging anak niya. Itong binenta niya pang pito,
09:05tapos buntis siya ngayon ng 3 months ulit. Hindi daw siya sinusuportahan ng kanyang asawa.
09:11Pusibling makulong habang buhay ang mga naarestong ina dahil sa expanded anti-trafficking in person sa Act of 2012.
09:18Ma'am kayo po ba may gusto ko kayong sabihin?
09:21Pasensya na po.
09:23Pasensya na po. Sorry po.
09:25Ngayong buwan lang, tatlong baby ang nasagip ng WCPC mula sa online bintahan.
09:31Walong online site ang napasara at may sampu pa raw na tinututukan.
09:36Hindi rin kami napapagod na suyo rin sila.
09:39June Van Alassio nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:43Pwedeng dahil sa pagkain na mamana o di kaya'y dala ng katandaan ang diverticulitis.
09:50Sakit ito sa bitukan na iniinda ni Pangulong Bongbong Marcos at dinanas din ang ilang personalidad gaya ni Pope Francis at Frank Sinatra.
09:59Kung paano yan may iwasan, alamin sa report ni Oscar Oida.
10:02Noong buhay pa si na Pope Francis na namatay sa stroke noong 2025,
10:11Crooner Frank Sinatra na namatay sa heart attack taong 1998,
10:16at dating US Senator John McCain na ginupo ng brain cancer noong 2018.
10:23Pare-pareho silang nagka-diverticulitis o pangamaga sa large intestine o malaking bituka.
10:30Ito rin ang impiksyong ininda kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos kaya siya na ospital.
10:36I now have diverticulitis. It's a common complaint amongst apparently people who are heavily stressed and people who are, I have to admit, growing old.
10:48Kaya sa Malacanang lang muna ang Pangulo para sa mga pribadong pulong ayon sa Presidential Communications Office.
10:55Wag kayo mag-alala. The rumors of my death are highly exaggerated. Wag kayo muna masyadong ma-excited dahil it's not a life-threatening condition.
11:08Ang diverticulitis ay pamamagalang diverticula, ang maliliit na pouch na nabubuo sa malaking bituka.
11:16Ayon sa website ng Mayo Clinic, isang non-profit academic medical center sa Amerika, maaari itong magdulot ng diarrhea at pagdumi ng dugo.
11:26At ayon sa isang eksperto, sino mang meron ito ay posibleng makaramdam ng matinding sakit.
11:32Ang pinaka-cardinal na symptom niyan is yung pain, abdominal pain.
11:37It can be a sharp pain dun sa may left side usually.
11:40Kung nasa right side siya, parang siyang appendicitis.
11:43So, it's aggravated by movement. Kapag ka-tinatch mo on pressure, masakit siya.
11:50Tapos, isa pang ano niya can be associated with fever.
11:56Mas karaniwan ito sa mga edad limampu pataas at pwede rin mamana.
12:02At isa rin daw sa posibleng dahilan niyan ang mga kinakain natin.
12:06One is probably yung dietary and it's probably related sa decrease ng fiber intake at increase ng high fat na diet.
12:17This can essentially cause ng constipation and dahil doon mag-increase yung pressure dun sa colon.
12:23May mga paraan naman daw para maiwasan ito.
12:27Increase your fiber intake. Of course, yung bawas-bawasan natin yung pagkain ng mga processed meat, mga taba.
12:34Of course, yung healthy lifestyle, regular exercises, increase your fluid intake.
12:41So, anything siguro na para maiwasan natin yung maging constipated tayo, talagang malaking tulong.
12:49Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:53Sparkle star Kailin Alcantara ibinahagi ang video ng kanyang five-year-old self na bibo sa pagsayaw ng ballroom sa classroom.
13:04Forever daw niyang iri-repost ang special childhood memory sa picol na pinagsimulan daw ng kanyang pangarap.
13:11Encantadia star Glaiza de Castro dadalo sa International Film Festival Rotterdam sa Netherlands
13:20para sa world premiere ng GMA Public Affairs and GMA Pictures documentary film na 58th
13:26na tungkol kay Reynaldo Bebot Momai, ang photojournalist na ikalimamputwalong biktima ng Maguindanao massacre noong 2009.
13:39Kapuso-komedya na si Bubay. Stable na ang lagay matapos mag-collapse sa gitna ng show sa Bansud Oriental Mindoro.
13:46Nakabalik din sa stage si Bubay kasama si Super Tekla matapos ang ilang minuto.
13:51Itinuloy nila ang performance as guest artist ng Basudani Festival.
13:56Ayon sa Sparkle GMA Artist Center, sinusuportahan nila si Bubay sa kanyang recovery ngayon.
14:02Grateful naman daw si Bubay sa suporta ng fans.
14:05More than 10 million views na and counting ang online teaser ng The Secrets of Hotel 88
14:18na pinagbibidahan ng ex-PBB Celebrity Colab Edition Housemates.
14:22E rollercoaster po talaga kasi yung Hotel 88.
14:24Kahit kami talaga, kailangan namin hintayin talaga yung kwento, ganyan. Kasi po, namin po talagang secrets.
14:31Mapapanood na ang Kapuso Mystery Drama Series this first quarter of 2026.
14:37Athena Imperial, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments