00:00Nagsimula ang lahat sa isang tip na natanggap ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOC
00:07tungkol sa mga biktima ng umanoid torture at illegal detention sa isang pogo hub sa Bamban, Tarlac.
00:17March 13, 2024, pinasok na ma-autoridad ang pogo hub sa Bamban.
00:22Sa Himpapawid, kapansin-pansin ang lawak at laki ng compound.
00:33May mga gusali, dormitoryo, villa at Olympic-sized swimming pool.
00:40Ang compound matatagpuan lang sa mismong likuran ng munisipyo ng Bamban.
00:48Pero sa likod ng tagong gusaling ito,
00:53nangyayari pala ang iba't ibang krimen gaya ng love scam kung saan pa iibigin ang mga empleyado ang kanilang biktima.
01:00At kapag nahulog na sa patibong ang biktima, dito na sila uutangan o di kaya'y pipilitin mag-invest ng pera ang biktima.
01:08Meron din daw ditong tinatawag na investment scam kung saan aalukin ang mga biktima na mag-invest sa cryptocurrency,
01:16pati na rin human trafficking at pang-torture sa mga biktima.
01:22Makalipas ang mahigit isang taon, binalikan ng reporter's notebook ang ipinasarang scam hub.
01:34Nandito tayo ngayon sa Baofu Compound dito sa Bamban, Tarlac.
01:41Ang sinasabi noon ng korporasyon ay isa itong Pogo Hub pero napag-alaman ng mga law enforcement agencies na isa itong scam hub.
01:50Napakalaki ng compound na ito, sampung hektarya na may 37 buildings.
01:55Labing dalawa dito ay mga vila tulad ng nandito sa aking likuran.
02:00Makikita niyo rin na may mga naiwan pang mga sasakyan dito na ginagamit noon ng mga Pogo workers.
02:07Abandonado at nakakandado na ang mga gusali.
02:10Sa kabuuan, 300 na foreign nationals at 200 na Filipino Pogo workers ang narescue sa operasyon.
02:24Naaresto rin ang di umunoy limang Pogo boses.
02:29Matapos ang halos isang taon, ganito na ang itsura ng compound.
02:32Parang ghost town.
02:39Mapapansin mo talaga na yung setup na itong compound na ito ay para siyang community.
02:45Yung nadaanan natin sa harap ng mga gusali na ito ay basketball court.
02:49Tapos talagang may sarili na siyang mga restaurants dito sa baba ng building na ito
02:54kung saan ay sinasabi nilang dormitoryo dapat o tirahan ng mga Pogo workers.
02:59Meron pa rito na, well, hindi na natapos pero dapat daw ay mga restaurants din.
03:04Pero ngayon, syempre, abandonado na ito.
03:07Ang nagbabantay na ng buong compound ay Tarlac PNP.
03:11Sa pahintulot ng Paok at Tarlac PNP, pinasok namin ang isa sa mga gusali.
03:18Saan na to, sir? 24-7? Nandito kayo?
03:20Yes, ma'am. Ito yung mga kasama namin.
03:24And then, yes, sir.
03:26Sila yung nagbabantay dito sa buong compound.
03:29Kailangang bantayan.
03:30Ito ba? Ito dati, sir? Ano ba ito dati?
03:33Working na? I mean, restaurant na siya dati.
03:36Yes, ma'am.
03:37Lalo na ito. Operate.
03:40Nag-o-operate.
03:40Nag-o-operate na.
03:42Eh, bakit ganito na itsura, sir?
03:45Sa tagal na rin ang panahon na nakakandado?
03:48Napabayaan naman?
03:49Napabayaan na rin.
03:51Ang ikalawang palapag ng gusali, nagsilbiraw dormitoryo noon na mga pogo worker.
03:59Nandito tayo sa isa sa mga gusali na tinatawag nilang dormitoryo o tulugan ng mga pogo workers.
04:07Sobrang kalat, masahig, nagkalat na yung mga gamit nila.
04:11Pero makikita ninyo na marami pa rin mga naiwan na personal effects yung mga pogo workers sa loob ng kanilang mga kwarto.
04:20Ayun, makikita mo nga may lutuan pa, may naiwan pang mga make-up.
04:25Doon sa loob ng cabinet, may mga nakahanger pa na t-shirt ng pogo worker.
04:32So, napakaliit ng kwarto na to.
04:33Pero mapapansin ninyo, parang ilang pogo workers yung mga natulog doon sa loob ng kwarto.
04:40Kasi katulad dito sa kwarto na to, may tatlo na double bed.
04:47So, napakaliit na kwarto na to ay may 6 na pogo workers na we can assume na tulog dito sa loob ng maliit na kwarto na to.
04:58Kahilera ng mga silid ng mga pogo workers.
05:00Ito namang silid na ito na tambakan na ng mga CPU, ng mga keyboard, ng mga screen.
05:08So, parang ito daw yung bodega ng mga sirang gamit.
05:11Sabi ng Paok, ito daw yung mga ginamit sa pagsaskam.
05:15Pero nung sira na, dito na tinambak sa bodega.
05:19Zuniu One Technology Incorporated ang tinukoy na offshore gaming operator
05:23na nag-operate sa lupang pagmamayari ng Baofu Land Development Incorporated.
05:30Base sa dokumento mula sa Securities and Exchange Commission o SEC.
05:34Noong 2019, kabilang ang nuoy nakaupong alkalde ng Bamban na si Alice Guo sa mga incorporator ng Baofu.
05:42Inimbestigahan ng Senado ang nasabing kaso.
05:45Inamin ni Guo na siya ang dating may-ari ng lupang kinatitirikan ng Pogo Hub.
05:50Pero mariin niyang itinanggi na sangkot siya sa iligal na operasyon nito.
05:53Hindi po kami involved in any Pogo operation po, Your Honor.
05:57Kasama rin sa mga inimbestigahan noon sa Senado ang citizenship ni Alice Guo.
06:03Hindi nagtagal, isiniwalat ng National Bureau of Investigation
06:06ang pagkakatugman ng fingerprints ni Alice Guo sa isang Chinese national na si Guo Hua Ping.
06:13Sinuspindi ng ombudsman si Alice Guo bilang mayor.
06:16Sinampahan siya ng mga kasong tax evasion, falsification at graft ng Department of Justice.
06:22Sinampahan din siya at labing tatlong iba pa ng kasong qualified trafficking.
06:26Sa gitna ng imbesigasyon, biglang nawala si Alice Guo.
06:34Hanggang sa matuntun siya ng mauturidad sa isang apartment sa Indonesia.
06:40At sa tulong ng Indonesian Immigration, napauwi si Alice Guo sa Pilipinas.
06:46Ang malaking tanong, ano na nga ba ang nangyari sa mga kaso?
06:51Nasaan na si Alice Guo?
06:56Si Alice Guo, nakakulong pa rin siya, spasig.
06:59And ang alam ko, she's facing around 20 cases.
07:06That's from qualified trafficking to money laundering and yung ibang kaso pa.
07:14Kasama na rin yung paggamit niya, nung birth certificate natin na in-assume niya lang yung pangalan niya.
07:21Ongoing pa lahat yun.
07:23Actually, may mga kaso pa rin ipa-file sa kanya.
07:25May 21, 2025, lumutang si Alice Guo at nag-file ng counter affidavit para sa mga kasong falsification, tax evasion, at reklamong graft na isinampa ng DOJ laban sa kanya.
07:42It's our turn to present our evidence.
07:45So basically, ano siya, kailangan niya na mag-appear personally din.
07:52Of course, she's confident na she can explain everything.
07:56She can explain or she can refute the allegations against her.
08:00May 23, 2025, karagdagang 62 counts ng money laundering charges pa ang isinampa ng DOJ laban kay Guo.
08:08Sinubukan namin kunin ang panig ni Alice Guo sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, pero hindi sila nagpa-unlock sa aming panayam.
08:18June 2024, nang iraid ng PNP, PAOK at ibang law enforcement agencies ang compound na ito ng Lucky South 99
08:25dahil sa pagkakasangkot di umano sa iligal na scam operations.
08:30Lucky South 99 Corporation ang tinukoy na kumpanyang nag-ooperate sa naturang lugar.
08:35Wala rin license to operate ang scam hub.
08:38May lawak na 10 hektarya ang compound.
08:44Sa gitna ng pagsalakay ng mga otoridad, lumutang ang isang lalaking Chinese national na nakaposa sa bed frame.
08:55Bug-bug sarado, may mga pasa sa katawan at humihingi ng saklolo ang lalaki.
09:01Matapos ang pag-rescue sa kanya ng mga otoridad, natagpuan namin ang lalaki sa isang pasilidad ng PAOK sa Pasay City.
09:10Kwento niya, dinukot daw siya ng dalawang lalaki habang naglalakad sa Pasay City noong June 2, 2024.
09:17Sa kabuan, umabot sa 158 na dayuhan ang nasagip sa Pogo Hub.
09:30Pinuntahan ng reporter's notebook ang compound ng Lucky South 99.
09:34Tulad sa Baofu compound sa Bambantarlak, nakakandado at abandonado na rin ang mga gusali.
09:40Ilang mga gamit pa ang aming nakita, palatandaan na may mga nakatira noon sa lugar.
09:48Sa labas, marami rin mga sasakyan ang naiwang nakaparada.
09:52Ang ilan sa dating mga opisina ng mga pogo worker, nagkalat pa ang ibang mga gamit sa mesa.
10:03Si Cassandra Ong ang tinutukoy na authorized representative ng Lucky South 99 ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.
10:12Kalaunan, lumabas sa imbesigasyon na maging si dating presidential spokesperson Harry Roque,
10:17konektado di umano sa Lucky South 99.
10:20Sa isinagawang pagdinig sa Senado noong July 10, 2024, si Roque rin daw ang di umano'y legal head ng Lucky South 99.
10:29So malinaw po, nakalagay sa legal ng Lucky South 99 si attorney Ahari Roque.
10:37So tama po ba itong binabasa ko?
10:39Yes ma'am, may confirm po na pinasa po nila yun.
10:42Pero mariinitong itinanggi ni Roque.
10:44As an officer of the courts and under oath before the Senate of the Republic of the Philippines,
10:51that I have never acted as legal counsel for Lucky South 99 or for any other pogo.
10:58Five times po siya tumawag.
11:01Nagtatanong lang naman po siya kung ano po yung mga laking documents na kailangan pang i-comply.
11:08And then isang beses po ay nagpa-follow up po ulit siya kung ano po yung status ng application nila ng Lucky South.
11:17Dahil dito sinampahan si na Roque, Ong at 48 iba pa kabilang ang mga incorporators at officers ng Lucky South 99
11:26ng kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 o Human Trafficking na nangyari sa Lucky South 99 scam hub.
11:37It could be speculated that these things may occur but there's no sound basis for that. It's just a speculation.
11:47Nito lang May 15, 2025, inilabas ng Angeles Pampanga RTC Branch 118 ang warrant of arrest laban sa kanila.
11:5767th day from the hay, see you.
12:01Sa kasalukuyan nasa The Netherlands si Roque habang hindi malinaw ang kinaroroona ni Ong at iba pa.
12:17Sa kasalukuyan nasa The Netherlands si Roque habang hindi malinaw ang kinaroroona ni Ong at iba pa.
Comments