00:00Tiniyak ng pamahalaan ang patuloy na pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
00:05Ito'y matapos bumagal sa 1.4% ang headline inflation rate
00:09o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at servisyo sa bansa nitong Abril mula sa 1.8% noong Marso.
00:17Ayon sa Philippine Statistics Authority,
00:20ito na rin ang pinakamababang inflation rate na naitala sa bansa
00:23simula noong Nobyembre 2019 na nasa 1.2%.
00:28Mula Enero hanggang Abril 2025, nasa 2% naman ang average inflation rate.
00:34Ayon pa sa TSA, bumaba ang inflation rate dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food
00:41at non-alcoholic beverages na nasa 0.9%.
00:45Ito rin ang pangalawa sa may pinakamalaking share sa pangkalhatang inflation sa bansa.
00:51Nakatulong din ang pagbaba ng presyo ng transport na nasa negative 2.1%.
00:56Bunso dito na mabilis na pagbaba ng presyo ng gasolina.
01:00Ang pagbaba ng inflation rate ay patunay na patuloy na pagsisikap
01:04ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang administrasyon
01:08na palakasin ang ating ekonomiya.