00:00Samantala, bumaba pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Setiembre.
00:06Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority mula sa 3.9%,
00:11bumaba ang unemployment rate sa 3.8% nitong Setiembre.
00:16Samantala, sa gitna ng mga issues sa mga flood control project,
00:20lumaba sa pinakabagong Labor Force Survey na tumaas ang under-employment rate sa construction sector.
00:27Ayon kay National Statistician User Claire Dennis Mapa,
00:31kahit pa nadagdagan ang bilang ng construction workers,
00:35marami sa kanila ay hindi full-time o kulang sa oras ng trabaho.
00:39Dagdag pa ni Mapa, posibleng may mga proyektong naantala o hindi natuloy
00:44pero walang direktang ebidensya kung konektado ito sa mga imbesigasyon tungkol sa usapin ng flood control projects.
00:51Right now, we are just saying that there are increase in underemployment in the construction industry.
00:59Sabi ko kanina, may mga na-hire na workers, may increase tayo,
01:02pero yung increase ng hired workers, mataas rin doon yung mga underemployed
01:07na hindi sila nakapagtrabaho full-time.