00:00Samantala, ikinalugod ng Department of Economy, Planning and Development, o DEPDEV,
00:05ang pagbagal pa ng inflation rates sa bansa.
00:08Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority,
00:11bumagal sa 0.9% ang naitalang inflation sa bansa nitong buwan ng Hulyo mula sa 1.4% noong Hunyo.
00:20Dagdag ng PSA, ito ang pinakamababang naitala na headline inflation simula noong October 2019.
00:27Kabilang sa pangunahing dahilan, ang mas mababang antas ng inflation noong Hulyo
00:32ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas, and other fuels na may 2.1%.
00:40Sinundan nito ng food and non-alcoholic beverages sa antas na negative 0.2%,
00:47habang ang pangatlong dahilan ng mababang antas ng inflation ay transport sa antas na negative 2.0%.
00:55Kaugnay nito, sinabi ni DEPDEV Secretary Arsenio Balisacan,
00:59napatunay ito na gumagana ang mga ipinapatupad na hakbang ng pamahalaan.
01:04Ayon sa kalihim, hindi lang nito tinutulungan ang mga Pilipino na ingatan ang halaga ng piso,
01:10kundi bumubuo rin ito ng kumpiyansa para sa mga negosyo at consumer na magplano ng mas maaga.
01:17Sa kabila nito, nananatili namang nakabantay ang pamahalaan sa mga panlabas na panganib
01:23kabilang na ang global policy shifts at geopolitical tensions.