Skip to playerSkip to main content
Pinuna kahit ng mga dati nitong sponsor sa Kamara ang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill na lumusot sa komite.


Gagawin kasi nitong legal ang sabay na pagkakaroon ng posisyon ng magkakaanak basta nasa magkakaibang lokalidad, tulad ng magkaibang probinsya, bayan o distrito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinuna kahit ng mga dati nitong sponsor sa Kamara ang versyon ng Anti-Political Dynasty Bill na lumusot sa Komite.
00:08Gagawin kasi nitong legal ang sabay na pagkakaroon ng posisyon ng magkakaanak basta nasa magkakaibang lokalidad tulad ng magkaibang probinsya,
00:18bayan o distrito.
00:20Nakatutok si Ian Cruz.
00:24Alam ko pong maraming magtataas ng kilay. Sa totoo lang po, marami po akong pamilya na nasa pwesto.
00:33Sabi yan mismo ni House Speaker Boji D. nang ihayag niyang pagsulong sa Anti-Political Dynasty Bill at pag-akdapa
00:41ng isang versyon nito kasama ni Majority Leader Sandro Marcos.
00:46Ang versyon nilang basihan ng Substituted Bill na lumusot sa Committee on Suffrage and Electoral Reforms na tinaasana ng kilay
00:54ng ilang co-sponsor kaya nag-urong sila ng suporta.
00:58Sabi, magpapasa ng isang makatotohan ng Anti-Political Dynasty. Ipa-priority. Ano nangyari?
01:06Ito po ay pro-Political Dynasties. Hindi lang magpapadaba, magpapabundat pa sa mga dinastiya dito sa ating dahilbansa.
01:18Kung maisa batas kasi, bawala nga magkakaanak ng second degree sa national posisyon.
01:25Isa rin lang ang pwede sa anumang posisyon sa provincial level.
01:30Anumang posisyon sa city o municipal level.
01:34At anumang posisyon sa district level.
01:37Pero pwedeng tumakpo ang kamag-anak mo kung sa ibang probinsya siya tatakbo.
01:42O sa ibang lungsod at munisipyo.
01:45O sa ibang distrito.
01:47Ibig sabihin, gagawin pang legal ng panukala ang pagpwesto ng isang mag-anak sa mga miyembro nito basta nasa iba
01:56-ibang lokalidad.
01:57At dahil second degree lang ito, yung kanilang third at fourth degree na kamag-anak ang pwedeng pumuno sa ibang
02:04posisyon.
02:05Ang mangyayari, parang ginawa nilang parang compartmentalized.
02:09So ang ibig sabihin, posible na si nanay ay congresswoman, si tatay ay governor.
02:16At kung meron silang limang anak, pwede lahat yun mayor sa kanilang mga munisipyong lima.
02:22Bawal magsabay pero pwede pa rin magkasunod ang termino ng magka-anak.
02:27Parang ipinamama na lang.
02:29Parang benchwarming lang, di ba?
02:31Yung uupo ka, pansamantala.
02:35Kasi nag-end ang term ng asawa mo.
02:37So uupo ka, hindi ka naman talaga interesado, wala ka naman talagang kakayahan.
02:41Tatlong taon, tapos babalik ulit.
02:44Oo, na alam naman natin na nangyayari din.
02:50Kung ipapatupad ang panukala, halimbawa sa pamilya ni Congressman Marcos,
02:55tanging ang ama lang niyang Pangulo at syahing senadora ang bawal magsabay.
02:59Oo, uubra pa rin ang mga pwesto ng iba nilang kaanak na nasa gobyerno.
03:04Pero nabawasan pa rin dahil sa kompromiso.
03:07Kompromiso rin ang nabanggit noon ni Senadora Risa Ontiveros
03:10kung bakit second degree of affinity na lang ang itinulak sa Senado.
03:15Imbes na hanggang fourth degree, sa ganitong paraan,
03:19mas malakas ang chance ang papasaang panukala na maaari pa namang irebisa
03:23sa mga susunod na kongreso kung kailangan.
03:26Sa kanilang bersyon, bawal magsabay ang magkamag-anak sa isang national position
03:32o magkakaanak sa local position sa loob ng parehong probinsya, distrito o lungsod.
03:38Pwede kung hiwalay natatakbo sa national at local.
03:42Sakop nito kahit di kasal, basta nagsasama sa isang bubong kahit anong kasarian.
03:48Pero may tanong si Sen. President Tito Soto sa kanyang interpelasyon.
03:53Eh, magpa-file yung isa. Sabi niya, break na kami.
03:59Break na kami. Hindi ko nag-boyfriend niya si Tarpolano.
04:05Ba't mo ako pipigilan ngayong mag-file?
04:07Eh, hindi ko na kaano-ano ngayon yan. Break na kami. Iwalay na kami.
04:11Eh, I am protected by Section 1 of Article 5 of the Right of Suffrage.
04:18You will be preventing Mrs. Tarpolano from running,
04:22but you will be allowing the mistress of Mr. Tarpolano to run, or Mayor Tarpolano.
04:29Paliwanag ni Ontiveros, ang mga nagsasama na nagsinungaling sa estado ng kanilang relasyon
04:36ay maaaring maging batayan ng pagkansila ng kanilang certificate of candidacy or nomination.
04:42Pwede rin po siyang makuowaranto, provided for po ito dito sa ating panukala.
04:48So mavovoid ab initio po yung kanyang pagproklama at pagsilbe sa public service.
04:58Hindi na saklaw ng panukala ang kapatid ng karelasyon ng politiko
05:02dahil hindi na ito pasok sa second degree ng consanguinity or affinity.
05:07Then we are not preventing the transfer of power or influence.
05:12Dahil yun din yun. Kumisan nga yung girlfriend, mas matapang kaysa sa asawa eh.
05:17Pag-aaralan daw ito ni Ontiveros.
05:19Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended