00:00Pag-uusapan na sa Senado ang mungkahi na gawing trimester ang school calendar sa bansa.
00:05Ayon naman sa Department of Education, titiyaki nila na kung ipatuto pa dito,
00:10ay maayos at magbe-benefisyo ang mga esenyate at guro.
00:14Ang Sentro ng Balita mula kay Luisa Erispe.
00:19Sisimulan na sa Marso ng Committee on Education ng Senado
00:22na pag-aralan ang panukalang gawing trimester system,
00:26ang school calendar ng bansa.
00:27Ayon kay Committee Chairperson Sen. Bam Aquino,
00:31suportado nila ang panukala na layong tugunan ang problema sa learning gap sa mga estudyante ngayon.
00:37Ngunit kailangan lang muna busisiin at magkaroon ng konsultasyon hinggil dito.
00:43Sa dami ng class suspension, masyado na itong kumukonte at nahihirapan na rin yung mga bata
00:48at nakakadagdag ito sa ating learning gap.
00:50Pero syempre, yung ganito klaseng reforma, hindi pwedeng padalos-dalos,
00:53kailangan ng tamang konsultasyon at yung aming committee po,
00:56mag-i-hearing sa Marso para lahat ng mga grupo, mga guro, mga magulang, mga estudyante,
01:02makapagsasalita at makapagbigay ng kanilang panayam dito po sa reformang ito.
01:06Sa ilalim ng panukalang trimester system, kung may 201 school calendar days,
01:11hahatiin ito sa tatlong academic terms.
01:14Halimbawa, kung magsisimula ang klase sa Hunyo,
01:17ang unang term ay magtatapos sa Setiembre.
01:20Ikalawang term ay Setiembre hanggang Disyembre at ang huli ay Enero hanggang Marso.
01:25Bawat term, may 54 hanggang 61 araw.
01:30May mga break naman para sa lesson planning at pagkocompute ng mga grado ng mga estudyante.
01:36Ayon sa DepEd, kung ipatutupad ito, titiyakin nilang maayos.
01:40Tatunayan, magsasagawa na rin sila ngayon ng konsultasyon hingil dito.
01:45Samantala, si Sen. Sherwin Gatchalian, suportado rin ng panukala.
01:50Pero dapat ay tiyakin ng DepEd na may maayos na transition sa pagpapatupad dito.
01:56Hindi rin dapat makalimutan na ang sentro ng mga reforma
01:59ay nakatuon sa kapakanan ng mga guro at estudyante sa bansa.
02:03Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments