00:00Hindi na lamang mga miyembro na PhilHealth ang nakatira ng servisyong medikal sa ilalim ng Yakap Caravan
00:05dahil ang isang paaralan sa Bulacan na puno ng mga estudyante at guro ni Yakap na rin ang programa.
00:12Si Denise Osorio sa Sandro ng Balita.
00:17Mas tinutukan pa ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng Yaman ng Kalusugan o Yakap Caravan
00:25na bahagi ng Expanded Consulta Program ng PhilHealth na layong pangalagaan ang kalusugan ng school community
00:31bilang pundasyon ng dekalidad na edukasyon.
00:35Personal na binisita ni ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara
00:41ang Minuyan Elementary School sa Bulacan kung saan nakipag-ugnayan sila sa mga guro at school personnel
00:47at nasa higit 3,000 mag-aaral bilang pagbibigay suporta sa kalusugan at welfare ng mga ito.
00:53Kabilang sa mga serbisyong inihatid ng Yakap Caravan ang blood sugar screening,
00:58vital signs assessment at diagnostic services kasama ang x-ray.
01:02Para sa mga PhilHealth member, may karagdagang benepisyo rin na hanggang 20,000 pesos worth of medicines bawat taon
01:10depende sa availment at eligibility.
01:12Ayon kay Secretary Angara, madalas na health concerns sa mga bata ang problema sa eyesight
01:17na direktang nakaka-apekto sa pagbabasa.
01:20At sa mga guro naman, karaniwan ang high blood.
01:24Tinanong nga ni Presidente, ganun yung isang teacher na nakupo at kumukuha ng gamot.
01:28Anong sakit niya? Sabi niya, high blood.
01:29O, pareho tayo, sabi ni Presidente.
01:31Dagdag pa ni Angara, kapag hirap ang bata makabasa dahil sa paningin,
01:35hirap din sila sumunod at matuto.
01:37Dahil naman sa kakulangan sa oras at bigat ng trabaho,
01:41madalas na nauurong ang medical check-up.
01:43Kaya malaking bagay para kay Mommy Joanne na dinadala ang mga health services mismo sa paaralan.
01:49Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa pamahalaan at kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:55Dagdag pa ni Joanne, nasa mahigit isang libo rin ang nasave niya para sa pagpapacheck-up pa lang.
02:01Sa ngayon sa private, nasa ano na 500, ganyan.
02:04Tapos sa pedya naman po, 700.
02:06Kaya nagpapasalamat po ako nagkaroon po ng gantong event para sa mga bata dito sa school.
02:12Dahil sobrang laki po ng safe.
02:15Malaking tulong ito dahil yung iba talagang hindi sila matuto na mahigit.
02:21Kasi yun, hindi sila makabasa.
02:24Yung ibang teachers natin, masakit ang ulo, masakit ang pakiramdam.
02:28So malaking bagay itong, wala ng oras rin pag makapag-check-up.
02:32So malaking bagay itong health yaka program.
02:35Layo ng pamahalaan na masiguro na mas malusog at mas handa sa pagkatuto at pagtuturo ang school community.
02:42Dahil kapag alaga ang kalusugan ng guro at mag-aaral, mas tumitibay ang edukasyon.
02:47Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments