00:00Huwag umepal!
00:02Yan ang paalala ng mga senador sa mga politiko sa pamamahagi ng cash aid
00:06sa mga nasa sektor ng transportasyon na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:12Mariport si Luisa Erispe.
00:17Bawal ang epal.
00:19Babala ito ng ilang senador laban sa mga politikong mananamantala sa pamamahagi ng fuel subsidy ng gobyerno.
00:26Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, Chairman ng Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development,
00:32may parusa ang mga mahuhuling mange-ielam sa pamamahagi at gagamitin ang krisis para sa pamamulitika.
00:40Sa ilalim kasi ng anti-epal provisions sa General Appropriations Act 2026,
00:45bawal ang presensya ng politiko sa pamamahagi ng ayuda.
00:49Naglabas na rin ang Department of Interior and Local Government ng anti-epal policy.
00:53At dininig ngayon ang Senate Bill No. 1750 o ang Anti-EPAL Act.
01:00Pero bukod sa epal, nagbabala din ang senador,
01:03huwag sanang diesel lang ang masuspinde ang excise tax.
01:07Kiit ni Tulfo, 8.5 milyon na Pilipino ang gumagamit ng motorsiklo at gasolina.
01:13Kaya sana kumaaprubahan ang tax suspension sa langis, kasama rin ang gasolina.
01:18Si Sen. Aimee naman, ginigiit na kailangan din ang suporta ngayon ng mga magsasaka.
01:24Hindi dapat sila bigyan ang restriksyon na magkaroon ng supply ng langis,
01:29lalo na ngayong panahon ng anihat.
01:31Kaya sana dumating na rin ang fuel subsidy para sa mga magsasaka.
01:35Si Sen. Pro Temporay Pan Filolakso naman,
01:38imbis raw na emergency powers sa Pangulo para suspendihin ang excise tax,
01:43mas paboros siya na amyendahan na lang ang National Internal Revenue Code
01:47kung saan hindi na kailangang maghintay ng tatlong buwan bago magsuspinde ng tax.
01:52Kiit ni Lakson, hindi dapat otomatiko ang pagsuspinde ng excise tax,
01:57bagkus dapat may liwi ang Department of Finance na magdesisyon nito.
02:01Si Sen. Loren Legarda,
02:02naghahain naman ang Senate Bill No. 1851 kung saan magiging 10% na lang ang value-added tax
02:09sa mga serbisyo para sa mahihirap at middle class ng mga Pilipino.
02:13Habang ang mga luxury brands, mananatili raw sa 12% VAT.
02:18Ayon sa Senadora, sa pamamagitan nito,
02:21masisigurong patas sa buwis na pinapataw sa mga Pilipino,
02:24lalo na ngayon na may banta ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa langis.
02:29Sa mandala, si Sen. Sherwin Gatchalian naman nananawagan sa Energy Regulatory Commission
02:34na utay-utayin ang pagtaas ng singil sa kuryente.
02:38Kiit ni Gatchalian, regulated ng energy industry ang kuryente,
02:42kaya hindi dapat payagan ang one-time, big-time na taas singil.
02:46Dapat iyakin ang ERC na hindi magiging pabigat sa publiko
02:50ang singil sa kuryente, lalo ngayong mataas na ang presyo ng langis.
02:54Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments