Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Pagbuo ng Ad Hoc Committee na susuri at tutulong sa pagtugon sa epekto ng mga krisis at sakuna, pinagtibay ng Senado | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Upang agad na matugunan ang mga krisis at sakunang tumatama sa bansa,
00:05bubuo ang Senado ng isang kumite na layong mas matutukan ang mga hakbang ng bansa sa pagtugon sa mga ito.
00:13Si Luisa Erispes sa Sentro ng Balita.
00:18Nagkaisa ang Senado na bumuo ng isang kumite na tutugon sa mga problema na kakaharapin ng bansa tuwing may krisis
00:25at isa na rito ang sigalat ngayon sa Middle East.
00:28Sa ilalim ng Ipinasang Resolution No. 350 ng Senado,
00:33bubuo ang mataas na kapulungan ng Ad-Hoc Committee na susuri ng epekto ng gulo sa Middle East
00:38sa ekonomiya ng Pilipinas at pagbuo ng contingency plan para sa bansa.
00:44Sina-Senate President Vicente Soto III, Majority Leader Juan Miguel Sobiri
00:48at Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mayakda ng resolusyon.
00:52I think in this time of need and emergency situation, especially in the Middle East,
00:57we need to move proactively on how we can plan our actions in the near future, especially with prices of
01:06fuel.
01:06Si Sen. Sherwin Gatshalia naman ang uupong chairperson ng komite at ang magiging miyembro
01:11ay ang mga chairperson ng iba pang mga komite ng Senado kasama ang agriculture, energy at trade.
01:17Nakikita po natin, itong epekto ay inisyal pa lang. Ito ay paumpisa pa lang.
01:24Dahil kung ito po ay magtuloy-tuloy, ito po ay kakalat na sa ating ekonomiya.
01:30Makikita natin, mataas po ang presyo ng pagkain, tataas po ang presyo ng bilihin.
01:36Being proactive ay isang napakaganda pong hakbang na gagawin ng Senado.
01:42So, yung mga recommendations po natin ay napakaganda rin po.
01:46Ang akin ninanay, sinohop ko, hindi po natin magamit yung recommendation at solution
01:50dahil sana ay bumalik na po sa normal.
01:53Ayon naman kay Minority Leader Kayatano, papalakasin ng Ad-Hoc Committee
01:58ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, LGU at pribadong sektor
02:04sa pagtugon ng problema ng bansa.
02:06Suportado rin ang iba pang mula sa Minority Block ang resolusyon.
02:10Tungkol po ito sa araw-araw na buhay ni Juan de la Cruz.
02:15Ito po ay tungkol sa jeepney driver na araw-araw ay kinakabahan
02:19sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.
02:24Tungkol po ito sa mga mamimili at maliliit na negosyante
02:28na napipilitang magtaas ng presyo upang makasabay sa gastos.
02:33At higit po sa lahat, tungkol po ito sa pamilyang Pilipino
02:37na pilit pinagkakasya ang kita sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
02:44Ang panukalang ito ay ang legal at moral na obligasyon ng Senado
02:50upang protektahan ang ating bansa mula sa nakaambang krisis pang ekonomiya.
02:56Ayon naman kay Gatchalian, inaasahang sa susunod na linggo ang unang pagpupulong ng Ad Hoc Committee.
03:03Samantala, hinggil naman sa naging suspensyon sa fair hike,
03:06naniniwala si Gatchalian pansamantala lang naman ito
03:10habang bumubuo pa ng mekanismo na makatutulong sa mga tsuper.
03:13Hindi naman ito pangmatagalan na suspension.
03:20So temporary lang ito para magigay yung mga ibang mekanismo tulad ng pantawid-pasada
03:27at iba pang mga direct subsides.
03:30Nakikita rin niya na posibleng magdomino sa presyo ng pagkain at taas sweldo ang taas pasahe.
03:36Kaya mas maiging unahin muna ang tulong sa mga tsuper.
03:40Kasi kalaban talaga dyan, inflation.
03:42Pag nagtaas ng fair hike, sigurado ako itataas ng mga manufacturers yung kanilang produkto.
03:49Kasi pass on yan, magkakaroon ng pass on, pass on.
03:55So inflationary talaga ang fair hike.
03:59Kasi mga empleyado, hihingi rin ng additional sweldo.
04:03Ayon naman kay Senate President Vicente Soto III,
04:05mas makabubuti nga rin kung uunahin muna ang subsidia kaysa fair hike.
04:11Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended