00:00Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
00:07laban sa dalawang PUV terminals sa Quezon City.
00:10Bahagi pa rin ito ng mas pinaigting na hakbang na ahensya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga commuter.
00:17Si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita.
00:22Batay sa silagawang inspeksyon ng LTFRB sa mga PUV terminals sa Ayala Malls, Cloverleaf at Rhinoma
00:28na bigo itong sumunod sa umiiral ng mga patakaran at regulasyon.
00:32Sa PUV terminals sa Ayala Malls, Cloverleaf, ilan sa mga natukoy na paglabag ang kukulangan ng bubong
00:38na magbibigay proteksyon sa mga pasahero.
00:41Hindi sapat na upuan sa waiting area.
00:44Kawala ng malinaw na gabay sa biyahat at dispatching.
00:47At kawala ng information at passenger assistance counters.
00:50Inatasan ang operator ng terminal na kumuha ng permits LGU para makapag-operate bilang pampublikong transport terminal
00:57at ang pagsusumite ng security plan.
01:00Samantala, sa terminal sa loob ng Rhinoma, kabilang sa mga paglabag ang kawala ng information at passenger assistance counters.
01:07Kakulangan ng komportabling upuan para sa mga naghihintay na pasahero
01:11at kawala ng priority lanes para sa mga senior citizen at persons with disabilities o PWDs.
01:17Kapwa ay nataasan ang mga namamahalan ng dalawang terminal
01:20na magpaliwanag kung bakit hindi dapat ipasara ang kanilang mga pasilidad dahil sa mga paglabag.
01:25Inatasan din silang dumalo sa pagdinig sa March 18.
01:29Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, malinaw ang mensahe ng ahensya.
01:34Ayusin at itama ang mga kakulangan upang matiyak ang pagsunod sa mga alituntunin
01:38o harapin ang kaukulang parusa sa pagwawalang bahala sa kapakanan ng mga paserong dapat nilang pinaglilingkuran.
01:45Dagdag pa niya, bahagi ito ng isang nationwide operation at ito na ang magiging new normal sa pagsulong
01:51ng kapakanan at karapatan ng mga mananakay.
01:53Ang pinaigting na operasyon laban sa mga hindi sumusunod na PUV terminal
01:57ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:01na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga komuter sa buong bansa.
02:06Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong, Pilipinas.
Comments