00:00Magandang gabi Pilipinas, bayan, iginiit na malakanyang na walang sinasanto ang kampanya ng Marcos Jr. Administration contra Corruption.
00:10At kahit pa nagpapatuloy ang investigasyon ng Senado, tuloy din ang fact-finding ng pamahalaan para matiyak na mapapanagot ang mga sangkot sa katiwalian.
00:19Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:21Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa integridad ni dating DPWH, Sekretary Manuel Bonoan sa pagharap nito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kaugnay ng maanumalyang flood control projects.
00:35Naniniwala po ang Pangulo na si dating Sekretary Manny Bonoan ay magsasabi ng katotohanan, lalong-lalo naman po na siya ay nasasinado at under oath ang kanyang mga sinasabi.
00:46So kailangan lamang po tayo umasa ng mga katotohanan lamang ang kanyang sasabihin.
00:51Matatanda ang isiniwalat ni Senate President Pro Tempore Ping Lakson na sinadya umanong magbigay ng maling datos ni Bonoan sa Malacanang, kaugnay ng mga lokasyon ng proyekto kontrabaha.
01:02Gayon man, giit ng palasyo, nawala pa namang direktiba sa ngayon ng Pangulo na ulitin ang kabuwang investigasyon sa mga flood control project dahil sa umanoy mga irregularidad sa pagre-report.
01:12Wala pong ganyan. Kailangan lamang po talaga maitama.
01:15Kung ano po ang nangyayari pag-iimbestiga ngayon, sabi naman po ng DPWH, bago sila magsampa, tinitignan po nila ng maigi.
01:23Kung may pagkakamali, hindi lang po agad nila ito sinasampa.
01:26At ang sinasampa po naman nila, ayun na din po kahapon, ay yung may tamang data at facts.
01:32It is within the jurisdiction of the DPWH. So it's up to six bins to make amendments, to correct everything so that the real culprits will be held liable.
01:45Ipinunturin ng Malacanang ang sinsiridad ng Pangulo sa kabila ng puna ng ilang mga kongresista sa pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure.
01:54Sabi ng palasyo, sadyang may ilan talaga ang hindi makukontento sa ginagawa ng Pangulo.
01:59Iginiit ng Malacanang na hindi pa naman kasi tapos ang trabaho ng ICI.
02:03At patuloy pa ito sa fact-finding efforts para makapagrekomenda ng mga kakasuhan.
02:08Sa mga nagsasabing palabas lang ang pagbuo ng ICI para pagtakpan ang mga kaalyado ng Pangulo, sagot ng palasyo.
02:15Ang kasama ng Pangulo sa aliyansa ay walang iba kundi ang dating Sen. Bongribilla.
02:21At si Sen. Bongribilla ay sumuko po.
02:28Ginalang ang proseso.
02:30Iginalang ang warrant of arrest.
02:31Iginalang ang korte.
02:34Paano po masasabing palabas lang ang ICI?
02:37Ang ICI, ang mga member po nito, ay nagtatrabaho.
02:42Malamang ay hindi na halos nakakatulog at a time dahil puno at overwhelmed sila sa mga dokumento at mga ebidensyang natatanggap nila.
02:50Nakakalungkot na may mga ganitong klaseng tao na hindi nakikita ang kanggandahang ginagawa ng gobyerno.
02:57Ang nakikita lamang nila ay puro negatibo.
03:00Gumagawa ng kwento, nag-iimbento ng mga walang saisay na istorya para masiraan lang ang gobyerno.
03:11Ikinagulat din anya ng Pangulo ang pagsuko ni dating Sen. Bongribilla.
03:15Pero patunay lang daw ito na walang sinasanto ang investigasyon ng hindi nakokompromiso ang due process.
03:21Pero simula pa nga lang ba ito ng pagkakahuli sa mga big fish sa katiwalian sa flood control projects?
03:27Gitnang palasyo.
03:28Hindi po siya simula.
03:30Halos nasa gitna na nga po siguro tayo eh.
03:33Dahil tandaan po natin bago magpasko, marami na po ang nakaroon ng warrant of arrest.
03:38Marami na na-issue ang warrant of arrest.
03:40Isa rito, hindi lang siguro tinutulong ng iba, na big fish ang Diskaya.
03:46Sila po ay na-aresto.
03:48Si Sarah Diskaya ay napa-aresto, napakulong bago magpasko.
03:53So hindi po ito yung inisyal na pagpapanagot sa mga sinasabing big fish.
04:02Sinabi naman ng palasyo na ang report ng DOJ na labing apat na flood control projects lamang ang kumpirmadong guni-guni
04:09ay inisyal na report pa lamang at magpapatuloy pa rin ang mga otoridad sa pag-iimbestiga patungkol dito.
Be the first to comment