00:00Walang efekto sa mga plano ng kasalukuyang administrasyon ng pag-anunsyon ni Vice President Sara Duterte ng pagtakbo sa 2028
00:09ayon sa Malacanang.
00:11Itinampalasyo na nanatiling na katuon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa trabaho at sa pagpapalago ng ekonomiya. May ulat
00:18si Kenneth Paciente.
00:22Binigyang diin ng Malacanang na hindi magkakaroon ng anumang efekto sa mga plano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos
00:29Jr.
00:29ang ginawang anunsyon ni Vice President Sara Duterte na pagtakbo sa 2028 elections.
00:35Gate ng palasyo, hindi ito pinagtutuunan ng pansin ng Pangulo at sa halip, tutok lang ito sa trabaho.
00:41Wala, hindi maapektuhan. Maapektuhan ba ng isang vicepresidente na nag-announce lamang siya na siya'y tatakbo ang pagtatrabaho ng
00:48Pangulo?
00:49Kung ang iisipin lamang ng Pangulo natin ay o mga sinasabi ng vicepresidente, hindi natatakbo ang gobyenong ito.
00:56So hindi po maapektuhan ang focus ng Pangulo para maiangat ang ekonomiya ng bansa, maiangat ang buhay ng bawat Pilipino,
01:08at masolusyonan ang isyo sa baha na hindi na solusyonan noon pa.
01:14Hindi na rin anya ikinagulat ng Malacanang ang naging hakbang ng vice.
01:17Ang Pangulo masisindak? Hindi naman po kasindak-sindak yung pag-a-announce na siya'y tatakbo sa pagka-Pangulo dahil
01:24ramdam na ramdam na po,
01:26even before ang kanyang pangangampan niya sa labas. So hindi po nakakagulat kung siya mag-announce na siya'y tatakbo
01:34bilang Pangulo.
01:35Naging usap-usapan din ang Instagram story na ito ni dating vicepresident at ngayon yung Naga City Mayor Lenny Robredo,
01:41na nakalagay na nakatakdang bumisita roon si Pangulong Marcos Jr., bagay na nilinaw ng Malacanang.
01:47Busy po ngayon ang kawaninan DPWH para linisin ang mga kanal, ang estero at ang ilog sa Naga City.
01:55Yan po ang bibisitahin ng ating Pangulo at totoo po na bibisita po siya at makakasama niya po ang Mayor
02:03Lenny Robredo ng Naga City sa February 21.
02:09Hindi pa naman masagot ng palasyo sa ngayon kung magkakaroon ng pag-uusapang dalawa patungkol sa 2028 elections.
02:16Bagaman lumulutang ngayon ang pangalan ng dating vice bilang posibleng ipantapat kay VP Sara,
02:21binigyang diin ang palasyo na walang anumang paniligaw na ginagawa ang administrasyon kaninuman para maging pambato sa 2028 national elections.
02:30Punto ng Malacanang, masyado pang maaga.
02:33Wala pong anumang update kung nililigawan ang sinuman dahil ang sabi nga po natin kahapon pa ay wala pa po
02:39sa isipan ng Pangulo
02:41at ng administrasyon na ito ang patungkol sa pamumulitika o humanap ng sinumang kandidato para sa 2028.
02:48Darating po ang panahon na yan. Sa ngayon po, ang tutok po ng Pangulo ay trabaho.
02:52Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bago, Pilipinas.
Comments