00:00Sa ating balita, muling tinayak may Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling pangunahing prioridad ng kanyang administrasyon ng edukasyon.
00:08Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pangunguna sa MOA signing sa pagitan ng Department of Education at mga provincial government sa Nationwide Classroom Building Program.
00:19Ayon sa Pangulo, isa lamang ito sa mga hakbang ng pamahalaan para magkaroon ng dekalidad na edukasyon ng mga estudyanteng Pilipino.
00:27Sa naturang kasunduan, magtutulungan ng DepEd at mga lokal na pamahalaan para sa pagsasayos sa mga eskwelahan at matugunan ang classroom shortage sa bansa.
00:37Sa pamamagitan nito, tinatayang nasa 4,000 bagong mga silid-aralan ang maitatayo sa iba't ibang panig ng bansa, alinsunod na rin sa direktiba ng Pangulo na palakasi ng sektor ng edukasyon.
00:49Formal din itong nagtatakda ng malinaw na papel ng DepEd at mga LGU sa paghahatid ng school infrastructure,
00:57gayon din ang pagtatakda ng mas organisadong pagkilos laban sa Classroom Backlog.
Comments