00:00Matuloy na pinag-iingat ang publiko mula sa anumang debris ng inilunsad na Long March 12 Space Rocket ng China.
00:08Sa isang video na kuha nitong lunes ng hapon ng Western Naval Command,
00:13makikita ang tila bulalakaw na pagdaan ng hinihinalang Long March 12 Rocket sa bahagi ng airspace sa Palawan na sinunda ng isang smoke trail.
00:23Una nang naglabas ng abisong Philippine Space Agency patungkol sa launching ng Naturang Space Rocket.
00:28Tinatayang 20 hanggang 160 nautical miles mula sa eastern coast ng Palawan ang Draft Zone,
00:36kabilang na ang Puerto Princesa City at Tubatahari.
00:41Wala pa namang naiulat na nasaktan o tinamang ari-arian mula sa debris impact.
00:45Pero pinalalahanan ng publiko na kaagad i-report sa mga otoridad ang makikitang debris at iwasan nitong lapitan.
00:53Samantala muling nagsagawa ng MMDA flight ang Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc.
01:02Kabilang sa namataan ang dalawang barko ng China Coast Guard,
01:06dalawang pang barko ng People's Liberation Army Navy at limang Chinese Maritime Militia.
01:11Isa sa mga warship ay ilang beses na nagpadala ng radio challenge sa roplano ng PCG
01:17na sinigot ng mga piloto para i-eat ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Comments