Skip to main content
  • 3 months ago
Libo-libong deboto, nakiisa sa Misa Mayor sa Quirino Grandstand, ilang oras bago umusad ang andas, pauwi ng Quiapo Church | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago mag alas 4 na madaring araw ay umusod na ang andas mula sa Kirino Grandstand, kasunod ito ng Misa Mayor ay sinigawa ng hating gabi.
00:09Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:14Pinangunahan ni Balanga Bishop Rufino Juncescon Jr. ang Misa Mayor sa Kirino Grandstand sa Lungsod na Maynila kaninang alas 12 ng hating gabi.
00:22Kasama rin nagdiwang ng Misa ang Kura Paroko at Rektor ng Quiapo Church na si Rev. Fr. Jade Likuanan at iba pang mga obispo at kaparian.
00:31Sumentro ang humiliya ni Bishop Sescon sa tema ng kapistahan ngayon taon na umiikot sa kusang pagbaba ng Panginoong Jesus sa lupa.
00:38Dito sinabi ng obispo na kusang bumababa ang Panginoong Jesus sa lupa upang lalong magmahal.
00:44Ang pagbaba ni Kristo ay hindi bunga ng pagkatalo, kahinaan o pagkawala ng kapangyarihan.
00:54Ito ay malayang pasya ng pag-ibig.
00:59Sinabi rin ni Bishop Sescon na dapat matuto tayong tumulad kay Kristo na kusang bumaba alang-alang sa awa at pag-ibig.
01:07Matuto tayong magkusa. Huwag lang tayong mag-unahan sa prosesyon kundi sa misyon.
01:16Huwag lang tayong mag-unahan sa pagalingan kundi sa paglilingkod.
01:22Mag-unahan tayo bumaba sapagkat na una nang bumaba ng kusa si Kristo.
01:29Hindi lahat ng pagbaba ay kahihiyan.
01:34May mga pagkakataon na ang hindi pagbaba ang tunay na kahihiyan.
01:42Kung si Kristo na walang kasalanan bumaba ng kusa,
01:48sana tayo din matutong bumaba ng kusa dahil sa pag-ibig.
01:54Pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa kapwa at maging sa sarili.
02:01Nanawagan rin ang Obispo sa mga mananampalataya na makinig at sumunod kay Jesus.
02:06Sa poong nasareno, natututunan natin ang mga bumagsak ay muling makababangon.
02:15Ang mga nagkamali ay maaaring maitama.
02:19Ang mga nawawala ay maaaring maahanap muli.
02:24Bumaba siya para maiangat tayo, upang tayo din iangat ang isa't isa.
02:33Tinatawag din niya tayong makibahagi para iangat ang ating bayan,
02:40iangat ang ating kapwa, iangat ang dangal ng bawat isa.
02:46Bumaba sa sariling interes para sa kabutihan ng lahat.
02:50Bumaba sa katahimikan kapag may inaapina at niloloko.
02:56Bumaba sa pagkamanhid upang magmalasakit sa bayan.
03:00Bumaba sa kasalanan para sa tunay na pagbabago.
03:05Ang tunay na deboto, handang bumaba kasama ni Kristo upang iangat ang kapwa at ang bayan.
03:15Dumalo rin sa Misa Mayor si Manila Mayor Isco Moreno at Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatis Jr.
03:23Naghandog naman ang awitin para sa mga deboto ang singer na si Angeline Quinto na isa ring deboto ng Pong Jesus Nazareno at inawit ang kantang Huwag kang mangamba.
03:32Dalawang minuto bago ang ikaapat ng umaga na magsimulang umandarang andas mula sa Kirino Grandstand.
03:39Ayon sa Quiapo Church Command Post, aabot sa tinatayang 117,000 na mga deboto ang nakiisa sa Misa Mayor.
03:46Nauna namang hinimok ng pamunuan ng Quiapo Church ang mga deboto na gawing prioridad na dumalo sa mga banal na Misa
03:53sa kabila ng mahabang oras ng prosesyon at kanilang debosyon sa poong Jesus Nazareno.
04:00Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended