00:00Samatala, may higit 800 last-minute passengers ang inaasahang darating at ahabol na makabiyahe sa Manila Port ngayong bisperas ng Pasko.
00:09Si Harley Valbuena sa Sentro ng Balita, live.
00:15Angelique, madaling araw pa lamang kanina ay marami ng pasaherong dumating dito sa pantalan ng Maynila
00:22para sa kanilang biyahe mamayang gabi patungong Cebu at Cagayan de Oro City.
00:28Pauwi ng Cebu si Christian para makapiling ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko.
00:34Kahit gabi pa ang schedule ng kanyang biyahe, alas tres pa lamang ng madaling araw kanina ay nandito na siya sa Manila North Port Passenger Terminal.
00:43Para hindi maraming tao.
00:45Bakit po kayo uwi ng Cebu?
00:46Para sa Pasko.
00:48Si Jocely naman, pauwi ng Cagayan de Oro City para rin sa Pasko.
00:52Last minute na ang kanyang biyahe dahil naubusan siya ng tiket sa mga biyahe noong mga nakaraang araw.
00:59Alos na nga fully booked.
01:00Yun na, wala ng choice.
01:02Ngayong bisperas ng Pasko, fully booked na ang lahat ng biyahe.
01:06At isang barko ang nakatakdang umalis dito sa Manila Port patungo sa dalawang destinasyon, sa Cebu at Cagayan de Oro City.
01:13Pwede pa raw madagdagan ang bilang na ito kung may mga darating na chance passengers.
01:26At dahil gabi pa ang alis ng barko, ang mga pasahero ay sa gitna na ng karagatan aabutin ng pagsalubong ng Pasko.
01:34Pero si Nanay Mercy, sa December 26 pa ang biyahe patungong Bacolod City.
01:39Kaya sa panpala na rin siya magpapasko.
01:41Hindi, biglaan lang kami umuwi eh. Galing kami ng Bulacan papuntang Pitex.
01:48Tapos kumuha kami ng papuntang Bacolod, wala do'ng bakante. Kaya pumunta kami dito.
01:54Papayagan namang manatili at magpalipas ng gabi sa terminal ang mga pasahero ang naghihintay ng biyahe.
01:59Tiniyak din ang pamunuan ng Manila Port ang maigpit na seguridad para sa kaligtasan ng mga biyahero.
02:05Sa ngayon po kasi naka-hide and alert po ang PPA, ang ating port police.
02:09So no leave policy din po tayo sa lahat po sila naka-deploy ngayon.
02:14Mayroon po tayong tatlong baggage x-ray machines.
02:18Makikita po doon kung may mga dinadala silang pinagbabawan na items po.
02:23Nakapwesto rin ang quick response desk para sa mga pasahero may katanungan o maangailangan ng tulong.
02:30Mayroon ding charging stations na libre magagamit ng mga pasahero.
02:35Angelique, bukas araw ng Pasko ay wala munang biyahe dito sa Manila Port.
02:42Pero ang lahat ng biyahe sa nalalabing bahagi ng linggo ay fully booked na.
02:47At inaasahang mas marami pa raw dadagsang pasahero sa mga susunod na araw habang papalapit naman ang bagong taon.
Be the first to comment