00:00Ilang mga kalsada ang pansamantalang isasarado sa mga motorista bilang paghahanda sa kapistahan ng Poong Jesus na Sareno.
00:07Alamin kung saan saan kalsada ito sa report ni Gab Villegas.
00:14Isasara simula sa January 8 ng alas 10 ng gabi ang mga kalsadang daraanan para sa kapistahan ng Poong Jesus na Sareno.
00:21Pansamantalang isasara ang mga kalsada at pagbabawalan kahit ang mga tao na makatawid hanggang makadaan ng andas sa Ayala Bridge at Carlos Palanca Bridge, Independence Road at Katibak Drive,
00:33Kanto ng Rojas Boulevard at Padre Burgos, Kanto ng Ayala Boulevard at Natividad López Street at Romualde Street, Kanto ng Palanca, Casal, Solano at Padilla,
00:45Kahabaan ng Palanca mula Quezon Boulevard hanggang Casal Street at ang kahabaan ng Picasal o Ligarda mula Recto hanggang Palanca.
00:53Para sa mga deboto na nagnanais pumunta ng Quirino Grandstand, pinapayuhang dumaan sa Taft Avenue, lumiko sa Calao Avenue hanggang makarating ng Rojas Boulevard.
01:02Para naman sa mga naisunda ng prosesyon mula Luneta hanggang Quezon Boulevard, ay maaaring dumaan sa Quezon Bridge, MacArthur Bridge, Jones Bridge, Delpan Bridge kung manggagaling ng Intramuros at Nagtahan Bridge kung manggagaling ng Otis o UN.
01:18Para makapunta ng Quiapo Church, dumaan sa Quezon Boulevard, lumiko sa Quinta Market at dumaan sa Villalobos Street.
01:25Maaari ring dumaan sa Plaza Santa Cruz, lumiko sa Palanca Street at dumaan sa Villalobos Street.
01:31Para naman makalabas ng Quiapo Church, ay dumaan sa Southbound ng Quezon Boulevard, dumaan sa Quezon Bridge hanggang makarating ng MacArthur o Jones Bridge, o di kaya ay sa Taft Avenue.
01:42Maaari ring dumaan sa Southbound ng Quezon Boulevard, dumaan sa Service Road hanggang makarating sa underpass ng Quezon Bridge para makaliko papuntang Northbound ng Boulevard, hanggang makarating ng Recto o Espanya.
01:55O di kaya ay dumaan sa Evangelista Street, kumaliwa sa Paterno o kaya sa Raon o sa Recto.
02:01Hinihikayat ng pamunuan ng Quiapo Church ang mga deboto at mananampalataya na dumalo sa mga misa sa Quirino Grandstand o sa Simbahan ng Quiapo bago sumalis sa mga prosesyon.
02:12Ang mga paalala ay para sa maayos at ligtas na pagdiriwang ng kapistahan ng poong nasareno.
02:18Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments