00:00Sa harap ng mga hakbang para mapababa ang presyo ng mga bilihin at servisyo sa bansa,
00:05naitala ng Pilipinas ang malaking pagbagal ng inflation nitong 2025 kumpara noong taong 2024.
00:13Ayon po sa Philippine Statistics Authority, mas mababa ang naitalang inflation nitong Desyembre kumpara sa inflation noong December 2024.
00:22Ang mga yan alamin sa sentro ng balita ni Denise Osorio.
00:26Malaking bagay para kay Nanay Verna na namamahala ng karinderya ang presyo ng bigas.
00:34Importante ang pagbabalansi ng presyo ng itinitindang kanin para magkasya ang kanilang puhunan.
00:40Ina-adjust namin kung bumababa, hindi kami pwedeng bababa din kasi bigla din tataas.
00:46Kaya ina-adjust namin yung presyo ng bigas na binibili namin tapos ina-adjust din namin yung takal ng kanin.
00:52Dagdag pa ni Nanay Verna, mabili pa rin ng gulay kaysa sa ibang ulam at sa takal na lang nila hinahabol para hindi malugi.
00:59Sabi ng Philippine Statistics Authority ngayong araw, maganda ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ng bigas, para sa inflation rate ng 2025.
01:10Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, bagamat bumilis ang inflation nitong Desyembre 2025,
01:15mas mababa pa rin ang kabuoang inflation para sa buong taong 2025 kumpara noong nakarang taon, paliwanag ng PSA.
01:23Yung trigger is the increase in the food basket, yun yung isa.
01:29Ito yung mga usual consumption na talagang ginagamit noong month of December as part of the holiday activities.
01:38And yun nga, siguro nagkaroon din ng, as I mentioned kanina, nagkaroon din siguro ng tight supply, particularly sa vegetables.
01:47Dagdag pa ng PSA, karamihan sa mga lugar na nagsusupply ng gulay ay nasa labas ng NCR,
01:53kung saan naapektuhan ng bagyo noong November 2025, lalo na sa Bicol Region at Visayas.
01:59Tumaas ng 79% ang sibuyas, 29.4% ang eggplant, 28% ang okra, at 41% ang broad beans.
02:09Kasabay ng pagtaas ng ilang food items, binigyang din ng PSA na malaki ang naitulong ng pagbaba ng presyo ng bigas
02:16para mapigilan ang mas mabilis na pag-akyat ng inflation.
02:19Ayon sa PSA, patuloy na negatibo ang inflation ng bigas sa loob ng 2025,
02:24na nagresulta sa mas mababang aktual na presyo kada kilo, lalo na sa mga lugar sa labas ng National Capital Region.
02:32Yung price na noong 2025 is very close, almost the same, doon sa average price noong 2023.
02:39Pinakamataas na inflation rate sa bigas ay noong 2024,
02:43kung saan pumalo sa P50.40 ang average price ng regular milled rice.
02:48At nitong 2025, nasa P42.95 ang average nito para sa buong taon,
02:55tulad sa mas mababang presyuhan noong 2023 na P42.80.
03:01Batay pa sa datos ng PSA, ang headline inflation rate ay umakyat sa 1.8% noong Desyembre 2025,
03:09mula 1.5% noong Nobyembre,
03:11ngunit mas mababa pa rin kumpara sa 2.9% noong Desyembre 2024.
03:16Ang average inflation para sa buong taong 2025 ay naitala sa 1.7%,
03:21isa sa pinakamababang antas sa mga nagdaang taon.
03:25Pinakamalaking nagambag sa inflation ang food and non-alcoholic beverages
03:29na may 1.4% inflation rate,
03:32partikular ang mga gulay na nagtala ng double-digit na pagtaas ng presyo.
03:37Kasunod nito ang housing, water, electricity, gas, and other fuels.
03:42Gayun din ang restaurants and accommodation services na parehong nagambag sa paggalaw ng inflation nitong Desyembre.
03:49Ayon sa PSA, patuloy rin binabantayan ang galaw ng singil sa kuryente na nag-iiba-iba depende sa demand,
03:56lagay ng panahon, at galaw ng presyo sa merkado, lalo na ngayong papalapit ang summer months.
04:02Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments