00:00Kinoon din na ng Armed Forces of the Philippines ang delikadong pagmaniobra at pagbuntot
00:06ng mga barkong pandigma ng China sa BRP Emilio Jacinto ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
00:13Yan ang ulat ni Patrick DeJesus.
00:21Niradyohan ng crew ng BRP Emilio Jacinto ng Philippine Navy
00:25ang isang barko ng People's Liberation Army o PLA Navy ng China
00:29na may bow number 573 dahil sa isinagawa nitong delikadong pagmaniobra.
00:37Isa pang barkong pandigma ng China na may bow number 554
00:42ang malapitan namang bumuntot sa BRP Emilio Jacinto.
00:46Nangyari ito noong lunes, 11 nautical miles mula sa timog silangang bahagi
00:50ng Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa gitna ng Maritime Patrol Operations ng BIFAR at PCG
00:57kung saan sumuporta ang Philippine Navy.
00:59Ang dalawang barkong pandigma ng China na nanggit-git ay Jinkai 2-class frigates
01:04na may kasama pang isang barko ng China Coast Guard.
01:08Kinon din na ng Armed Forces of the Philippines ang mapanganib na ginawa ng China
01:11na siya rin paglabag sa pandaigdigang regulasyon upang maiwasan ang banggaan sa karagatan.
01:17Ikinabahala ito ng AFP, lalot maaaring tumaas pang lalo ang tensyon na makakaapekto sa regional stability.
01:25Pinuri naman ng AFP ang crew ng BRP Emilio Jacinto dahil sa pagiging kalmado, disiplinado at profesional.
01:33Nabahala rin ang isang eksperto sa insidente, lalot bihira ang grey-to-grey
01:37o pagtatapata ng warship ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea
01:42na maaaring mauian niya sa armadong hidwaan.
01:45Kasi pag Coast Guard to Coast Guard, civilian lang yan.
01:48Pag grey-to-grey, ito ang possibility ng tinatawag natin yung naval crash.
01:53Talagang pwedeng may kakayanan niya at kapasidad na talagang mag-exchange ng fire.
02:01Ipinapakita rin daw dito na seryoso ang China na bakuran ang Scarborough Shoal.
02:07Wala namang na-monitor na reklamasyon sa bahura ayon sa Philippine Coast Guard.
02:11Tuloy-tuloy raw ang pagpapatrolya rito ng bansa, mapaere man o dagat, sa kabila ng pangaharas ng China.
02:18Sa panahon ngayon, despite of their increasing number of deployment,
02:23ang Philippine Coast Guard kasama ang BFAR are also periodically deploying our Coast Guard vessels and BFAR vessels
02:29to still support the Filipino fishermen.
02:32Besides from the MDA flight being conducted by the Coast Guard and our usual patrol,
02:38wala namang tayong nakikita ng reklamasyon na ginagawa dito sa Baho di Maso.
02:42Kamakailan ay nagbabala ang National Security Council na isang redline para sa Pilipinas
02:48ang anumang pagtatangka ng China na gawing artificial island ang bahura.
02:53Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.