00:00Inaasa ang power rate hike sa susunod na taon, ating tatalakayan kasama si Energy Regulatory Commission Chairperson, Attorney Francis Saturnino Juan.
00:10Attorney, magandang tanghali po.
00:13Oo, magandang tanghali at magandang tanghali din sa lahat ng inyong tagapakinigil.
00:20Attorney, ayon po sa ulat, pwede pong umabot sa higit 30 billion pesos yung cost recovery
00:27at maaari po itong ipasa sa mga consumer sa susunod na taon.
00:33Pero tiniyak niyo po na hindi naman o hopefully hindi naman po ito mag-i-impact sa ating mga consumer.
00:41So pwede pakipaliwanag po kung ano itong cost recovery na ito at paano ito makakaapekto sa mga consumer sa 2026.
00:50Oo, itong mahigit 30 billion na cost recovery, ito yung gawa ng nagkaroon ng biglaang pagtaas ng mga presyo ng panggadong sa pamilyang pangdaigdig
01:06at kinailangan na magkaroon ng adjustment yung mga generators na may kakontratang mga distribution utilities.
01:15Ito kasi ay unang hindi pinayagan ng ERC, subalit nagkaroon ng apila, umabot hanggang Korte Suprema
01:23at ang Korte Suprema na rin ang sabi na dapat ay masingil ito.
01:30Kaya't ito naman ay iniimplementa lang namin yung kautos na yan ng Korte Suprema.
01:37Sir, sa pagtaas naman itong feed-in tariff allowance at pagdagdag pa ng bagong Green Energy Auction Allowance Charge sa 2026,
01:45ano po yung forecast ng ERC sa kabuang dagdag-sinil sa kuryente ng isang karaniwang household?
01:51Sa pangkaraniwang household, dahil nga yung kanagtagan ay mga 3 centimo,
01:57tapos yung manggagaling naman doon sa cost recovery na 30 billion,
02:03iniestima naman namin kung paahabain yung recovery period, maaaring mga nasa 20 hanggang 30 centimo.
02:10So, ganun ang makikitang impact.
02:12Pero, maaaring naman kasi na magkaroon din ng ilang pagbaba sa ilang component,
02:17kaya hindi natin talaga masabi kung ang net effect niyan ay pagtaas ng singil.
02:23Attorney, para naman po maunawaan ng ating mga kababayan,
02:27pakipaliwanag po itong Green Energy Auction Allowance na inaasahang lalabas na hiwalay na singil sa bill ng kuryente.
02:34Ah, oo. Meron kasing programa ang Department of Energy na Green Energy Auction Program
02:40para magkaroon tayo ng paghikayat sa mga karagdagang generation capacities mula sa mga renewable energy.
02:49Doon sa programang ito, sakailanganin kasi ng karagdagang kabayaran para sa kanila
02:54na manggaling dito sa JEA Allowance.
02:57Dahil yung panilikom na halaga mula doon sa merkado kapagka sila ay babayaran ng WSM,
03:03hindi ito sasapat upang mabayaran sila doon sa kanilang itinakdang singil
03:08para mabawi naman nila yung kanilang gastos.
03:12Attorney, sa kabila po ng pagbaba ng ilang renewable charges tulad po ng feed tariff allowance,
03:19ano po yung dahilan kung bakit kinakailangan pa magtaas ng power rates sa 2026
03:24bukod na nga po doon sa karagdagang Green Energy Auction Allowance?
03:29Alam nyo kasi kailangan na ma-sustain natin yung pagkakaroon ng mga karagdagang puhunan
03:38dito sa ating power sector.
03:40Dahil pataas ng pataas yung ating demand,
03:43so kailangan talaga na mayroong cost recovery para doon sa mamumuhunan
03:47para tuloy-tuloy ang pagtatayo ng mga bagong planta.
03:52So sir, paano man po ninyo sinisiguro na yung mga bagong singil tulad itong JIA allowance
03:57ay talagang magdudulot ng maayos na servisyo sa kuryente
04:00at hindi lang dagdag gastos para sa mga consumer?
04:03Ito kasi ay hindi naman mababayaran yung mga generation companies na yan
04:10kung hindi talaga sila magtatayo ng planta
04:12at hindi sila magpo-produce ng kuryente.
04:16Kaya't matitiyak naman na yung kabayaran para sa kanila
04:19ay dahil katumbas doon sa kanilang kuryente nga malilikha at masusupply sa atin.
04:27Attorney, may plano po ba ang ERC na maglabas ng subsidies
04:32sa mga low-income na consumer para mapagaan ang epekto
04:36ng inaasahang power rate hike sa susunod na taon?
04:40Oo, meron tayong pinag-aaralan na lifeline program
04:44na makasasaklaw doon sa mga kumukonsumo ng 50 kilowatt hours pababa.
04:51So sila, kapag ang konsumo nila ay nandyan lang sa ganyang level
04:55ay wala na silang babayaran sa kanilang electricity bill.
05:00Attorney, para sa ordinaryong mamamayan,
05:04kailangan sigurong i-digest muna nila ito.
05:06Pero sa tingin po ba natin,
05:10paano po makakatulong itong adjustments,
05:13whether yung pagtaas, yung pagbaba,
05:15para po mas mapatatag at magawang sustainable po
05:19ang supply ng ating kuryente sa mga susunod na buwan na taon?
05:25Lahat naman kasi yan, tinitingnan din ng ERC
05:29sa pagtutulungan sa Department of Energy
05:31na masiguro natin na mayroon tayong kuryente,
05:35sapat na supply ng kuryente
05:37at ang ating babayaran ay yung mga nararapat lang na bayaran
05:41para dito sa supply na ito.
05:43So, attorney, ano naman po yung mga bagong proyekto
05:46o regulasyon ng ERC sa pagpasok ng 2026
05:49na inaasahang magpapabago o mag-i-improve sa supply
05:53at syempre sa presyo ng kuryente?
05:55Sa pagsisimula kasi ng susunod na taon
06:00ay magkakaroon tayo na ng pagtatakda ng singil
06:04ng mga distribution utilities.
06:09Attorney, mensahin nyo na lang po sa ating mga kababayan?
06:13Makakaasa naman ang ating mga kababayan
06:16na ang ERC ay mananatili sa kanyang mandato
06:20na pag-aralan at pantayan
06:23ang pagsisingil ng ating mga electric companies
06:26para masiguro natin na sapat lang ang ating binabayaran.
06:29Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
06:34ERC Chairperson, Attorney Francis Saturnino Juan.
Be the first to comment