Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Panayam kay LTFRB Spokesperson, Atty. Zoj Daphne Usita ukol sa pagsusumete ng transport groups ng position paper para sa hiling taas pamasahe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pag susumite ng mga transport group ng position paper para sa hiling na taas pasahe,
00:05ating tatalakayin kasama si Atty. Zoe Daphne Usita,
00:09ang tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board or LTFRB.
00:15Atty. Zoe, magandang tanghali po.
00:18Magandang tanghali po sa inyo, Asak.
00:21At mula po sa aming Department, Department of Transportation,
00:24from our Secretary, Secretary Vince Dizon,
00:26and sa aming chairman, Chairman Guadis,
00:28Magandang araw po sa lahat.
00:32Ma'am, una po sa lahat,
00:33bakit nyo po pinagsasubmit ng position paper yung transport groups
00:37dun sa hiling nila na maging permanent yung 1 peso provisional fare hike?
00:42Wala ba silang binigay na reason?
00:44Okay po.
00:45Nung Monday po, as an update,
00:47na itong nakaraang lunes,
00:48yung board members po namin with our chairman,
00:51nag-conduct po sila ng hearing,
00:53and nagpadagdag po sila ng position paper as part of due process.
00:57Kasi po, kailangan din makita kung ano yung justification.
01:01And aside from that,
01:02dun po kasi sa original motion po nila na binigay po,
01:06is meron na kasing binigay noon si LTFRB noong October 2023,
01:12na 1 peso increase.
01:16So yun yung tinatawag po natin yung provisional increase na piso.
01:19Kaya po, 13 pesos po yung sa traditional jeepney,
01:23and then 15 pesos naman po sa modern jeepney.
01:27So itong nakaraan kasi, through their council,
01:29gusto nila yung piso,
01:30is madadagdagan pa ng additional piso na provisional din po.
01:34So, sa board,
01:36nagpadagdag po sila na,
01:38o sige, magpasa kayo ng position paper,
01:40so that kung may kulang pa doon sa unan yung justification,
01:43para mapag-aralan po ng aming ahensya.
01:45Without having to preempt yung magiging desisyon ng board,
01:50ano po yung factors na kinoconsider nila
01:52in granting itong kanilang hiling na gawing permanent po yung additional piso?
01:58Based po sa ating department,
02:01meron po tayong rules and regulations,
02:03number one factor po kasi dyan is
02:05dadaan po ng hearing, which is part of the process.
02:08Secondly, kapag naipasa na nila yung mga documents,
02:12pag-aaralan po yan ng hindi lamang po ng agency,
02:14hindi lamang po ng LTFRB at DOTR,
02:18makikipag-coordinate din po kami sa NEDA,
02:20kasi it will affect yung ekonomiya po natin.
02:24Kaya po, pagsususing pag-aaral po yung gagawin nila dyan po.
02:28So, medyo tedious yung process
02:30para po makita talaga kung kahit piso yan,
02:34malaking bagay po yan sa maraming Pilipino po.
02:36So, yun po.
02:38Once na nakapag-aaral na sila,
02:39doon po maglalabas po ng order.
02:41Tama po ba, Attorney Zona,
02:42na bukod doon sa piso ng hinihiling nila,
02:45gusto rin nila ng 5 pesos na increase?
02:47Yes po, ASEC.
02:48Kasama po yun doon sa kanilang petition.
02:51Kasi yung isa nga po nilang petition
02:52is yung binigay sa kanila noon na piso,
02:55maging permanente na.
02:56And then yung 5 pesos po,
02:58isa rin po yun sa mga hiling nila.
03:00Paano nyo po kinoconsider sa inyong assessment
03:03itong mga dahilan ng transport groups
03:05gaya ng mataas na presyo ng CRUDO,
03:07yung maintenance cost,
03:09pati yung operational cost sa pagtaas ng pasahe.
03:12Ayun nga po,
03:13kagaya po ng aking nasabi,
03:15habang nag-aaral po yung mismong technical team
03:18at nakikipag-coordinate sila sa ibang agencies,
03:21yung sinasabi natin sa CRUDO,
03:23nanggagaling kasi po yan sa Department of Energy
03:26kasi may mga official reports po sila.
03:29So, pinagsasama-sama po nila yan.
03:30And then, tinitignan din nila kung magkano yung tinaas na presyo
03:34nung pasahe nung nakaraang panahon or taon.
03:38So, lahat po yan kasama po sa pag-aaral po.
03:41Sakali, attorney na maaprubahan yung additional 5 pesos,
03:45magiging 17 na ba yung fare sa traditional jeep?
03:48Tapos 20 dun sa modernized jeep.
03:52So, paano po nyo kinoconsider
03:55o isinasalang-alang yung epekto nito?
03:57Kasi sabi nyo, kinoconsider yung economic factor.
04:00So, paano sa tingin nyo magiging impact nito
04:02sa karaniwang manggagawa, pati sa mga estudyante?
04:05Ayun po, no?
04:06Siyempre, the department po,
04:07kagaya rin po pala ng sinabi ng aming
04:10Department Secretary,
04:12si Secretary Vince Dizon,
04:14sabi po niya, hindi naman porque tumataas
04:16ang presyo ng gas or diesel
04:18is tataas na agad ang pasahe.
04:21Dahil kinoconsider niya po,
04:22paano naman din ang commuters
04:23and paano din po ang mga drivers
04:25na hindi na minimum wage income.
04:28So, ngayon, yung epekto niya po
04:31dun sa mga commuters po natin,
04:32patuloy pa rin naman po na
04:34kung entitled sila sa 20% discount,
04:37kagaya po ng persons with disabilities,
04:39students, they can avail of that po.
04:41May plano po ba ang DOTR
04:44through the LTFRB
04:45na makipag-ugnayan sa ibang ahensya ng gobyerno
04:49para ma-ease yung burden ng ating mga tsupere
04:52bukod sa pagtaas lang ng pasahe?
04:54Kasi yan din naman yung direktiba ng Pangulo
04:56na to ease the burden
04:58not just of yung mananakay,
05:00kundi pati po yung mga ating mga tsupere.
05:02Tuloy-tuloy po,
05:05dahil po sa ating administration po,
05:07kagaya po ng utos po ng ating presidente,
05:09gusto niya po na mabalanse
05:11ang both sectors po.
05:13And yung pakipag-ugnayan po
05:14ng LTFRB and DOTR,
05:17may mga nakaline up din po programs,
05:19kagaya po ng LGU,
05:20kung makikita niyo po
05:21yung Department of Transportation
05:22and LTFRB,
05:24marami pong proyekto
05:25na talagang joint forces po
05:27yung ginagawa po.
05:28So, yun po.
05:30Kailan po natin inaasahan ng attorney
05:32na makapag-de-decision po yung board
05:34hinggil dito po sa pagtaas po ng pasahe,
05:37yung petisyon ng mga transport mo?
05:38Opo.
05:39Actually, as to the timeline,
05:41I have to be candid and honest about this.
05:44Dahil hindi nga po simple yung issue na to,
05:47it will take some time lang po.
05:50Pero asahan po ng ating publiko
05:52na it will be based on justifiable grounds
05:55at syempre transparent naman po
05:57at babalansin po talaga nila
05:59bago po maglabas ng order.
06:01Bilang panghuli na lang siguro,
06:03attorney Zoe,
06:03mensahe na lamang po
06:04sa ating mga transport group
06:06pati na rin po doon sa mga commuter po
06:08na binabantayan talaga itong issue
06:10ng taas-pasahe sa public transportation.
06:13Okay po.
06:16Magandang araw po sa aming mga kapwa,
06:18commuters, pasahero,
06:20at ganoon din po sa mga petitioners po
06:22ng mga nag-file para dito po sa taas-pasahe.
06:25Ang naiintindihan po namin
06:27na marami po kayong iniibsan na gastos
06:30kaya po ang Department of Transportation
06:32at LTFRB ay gagawin ang kanilang best
06:36para pag-aralan at mabalanse
06:38at i-ensure naman po nila
06:40na both sectors ay magkakaroon ng
06:44tawag dito ng comfort from the government po.
06:49Maraming maraming salamat.
06:51Maraming salamat din sa inyong oras,
06:53Attorney Zoe Daphne Usita.
06:55At congratulations po sa inyong pagkakatalaga
06:58bilang tagapagsalita po ng LTFRB.
07:01Thank you very much.
07:01Maraming maraming salamat din po sa inyong asek.
07:03Lar 맞.
07:03Maraming salamat din po sa inyong asek.
07:05Thank you very much.
07:06Agreed.
07:06Thank you very much.
07:08Thank you very much.
07:09Thank you very much.
07:09Thank you very much.

Recommended