00:30Yung planong pag-rehabilitate o pagsasayos sa kahabaan ng EDSA.
00:34Ayon po sa ating Pangulo, kailangan makahanap ang gobyerno ng mas maayos na paraan upang i-repair ang pangunahilansangan sa bansa.
00:44Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng paglulunsad ng Family Fair 1 plus 3 promo sa MRT at LRT.
00:52Ayon pa po sa ating Pangulo, gagamit na lamang ng modernong technology para sa 6 na buwang construction nito.
01:00Kanya ding masusing pinag-aaralan na magiging epekto ng rehabilitasyon sa ekonomiya at sitwasyon ng mga commuters na bumabiyahe para sa kanilang trabaho.
01:10Pinatasan ng Pangulo Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways o DPWH, maging iyan Department of Transportation, Metro Manila Development Authority o MMDA,
01:22at iba pang mga concerned agencies na pag-aralan ng mabuti ang nasabing hakbang at bumuo ng mga kongkretong plano
01:29para efektibong maipatupad ang mabilis na rehabilitasyon ng EDSA.
01:34Layo nito na mabawasan yung anumang inconvenience na mararanasan ng ating mga kababayan.
01:41Ayaw po ng ating Pangulo na madagdagan pa ang pasakit ng ating mga kababayan
01:46dahil ang nais nito ang isang whole-of-government approach sa pagpapatupad ng efektibo at modernong paraan sa pagsasayos sa EDSA.
01:55Binigyan din ni Transportation Secretary Vince Tison na malinaw ang atas ng Pangulo na pag-aralan na maigi ang planong pag-rebuild ng EDSA
02:05dahil hindi katanggap-tanggap ang dalawang taong kalbaryo at dusas sa trapiko.
02:11Sayang na oras at oportunidad para sa mga commuter at motorista, lalo na't paparating na ang pasukan.
02:17Ayon pa sa kalihim, sisiguruhin ng DOTR na makikipagtulungan ang ahensya sa mga partner agencies
02:24upang matupad ang kautosan ng Pangulo na pag-aanin at pabilisin ang biyahe ng mga commuters at motorista.
02:33At yan po muna ang ating update ngayong umaga.
02:36Abangan ang susunod nating tatalakayin patungkol sa mga aktibidad at programa ng kasalukuyang administrasyon