00:00Mula Mainland Shaman, sasakay tayo ng ferry papunta sa isang UNESCO World Heritage Site, ang Gulangyu Island.
00:07Papunta tayo ngayon sa Gulangyu Island, isa ito sa mga pinakasikat na island dito sa Shaman. Pasakay tayo ng ferry.
00:17Halos 15 minutes lang ang biyahe para marating ang Gulangyu Island.
00:21Andito na tayo sa Gulangyu Island. Tingnan nyo naman sobrang dami ng mga turista.
00:28Araw-araw, umaabot sa 20,000 to 30,000 na mga turista ang bumibisita dito sa Gulangyu Island.
00:36Pero kapag festival, umaabot siya ng up to 100,000.
00:40Kaya nagsabi sila na bibigyan na nila ng limit yung bilang ng mga turista.
00:45Up to 40,000 to 50,000 lang ang pwedeng pumasok sa islang ito per day.
00:49Kasi para maprotektahan yung ganda ng lugar.
00:54May lawak lang na 1.88 square kilometers ang buong isla ng Gulangyu o halos kasing laki lang ng BGC
01:02o Bonifacio Global City sa Taguig.
01:05Para higit na mapreserba ang natatanging ganda ng Gulangyu, walking tour lang ang pwede gaya ng pamamasyal sa mga lunsod
01:12ng Amsterdam o Barcelona sa Europa.
01:15Mas ma-appreciate mo raw kasi ang ganda ng Gulangyu kapag nilakad ang palibot nito.
01:22So kung nakikita ninyo, yung dagat na yan, it all opens up to the South China Sea.
01:28Noong unang panahon, mga 1800s, 1900s, itong lugar na ito, talagang pinupuntahan siya ng iba't ibang mga European merchants
01:37para makipagkalakalan at makipagpalitan sa mga Chinese merchants.
01:42Kasi ang gustong gusto ng mga Europeans noon ay yung chaa o yung tea ng mga Chinese.
01:49Ang pangalan ng isla na ito ay Gulangyu.
01:53Ano ibig sabihin ng Gulangyu?
01:55Gu means drum, lang means wave, and you means very small island.
02:01Okay?
02:02Kaya drum wave island ang tawag dito kasi kung nakikita nyo yung malaking bato na yan,
02:08kapag humampas daw dyan yung alon, para ka daw nakakarinig ng malakas na drum o malakas na tambol.
02:15Kaya Gulangyu Island.
02:18Taong 1842 ng lagdaan ng Treaty of Nanjing.
02:22Ito ang nagtatapos ng first opium war sa pagitan ng China at Great Britain.
02:26Isa sa naging mga probisyon nito ay ang pagdadeklara sa shaman kung saan kabilang ang Gulangyu Island
02:32bilang isa sa limang treaty ports na bukas sa foreign trade.
02:37Ito ang dahilan kung bakit hitik sa dayuhang impluensya ang lugar na ito.
02:41Pag tingnan mo yung architecture ng mga buildings, iba-iba siya.
02:47Meron parang Chinese, merong European.
02:49Kaya naman, noong 2017, itong buong isla ng Gulangyu ay dineclare na UNESCO World Heritage Site.
02:58Kasi marami siyang na-preserve ng mga historical buildings.
03:05Meron din silang dried seafood.
03:08Yun naman ang usual na mga pasalubong nila dito.
03:12Iba-iba rin siyang klase.
03:15Tahong, kusit, tapos dilis.
03:18Matapos ang isang oras na paglalakad, narating na namin ang centro ng Gulangyu Island.
03:22Nandito na tayo sa Long Taolu.
03:26Ito yung tinatawag nilang food street.
03:28Ang translation ng Long Taolu ay Dragon's Head.
03:32Kasi kung makikita ninyo, yung street dito medyo winding na siya.
03:36Parang siyang dragon.
03:39Ito na yung parte ng Gulangyu Island na puro pagkain, sunod-sunod na pagkain.
03:46Food street nila ito.
03:49Isa dun sa mga sikat na sikat at pinipilahan na stalls dito sa Gulangyu Island
03:55ay itong maliit na stall na ito.
03:59Oh, shishé.
04:05Oh, it's good.
04:09It's actually good.
04:11Hindi ko ni-inspect na masarap siya.
04:14Yung peanuts gives it a different flavor.
04:17Ito yung pagkain na mukhang hindi masarap sa unang tingin.
04:22Pero, don't judge a food by its cover.
04:27Ha ha ha ha ha.