- 2 days ago
- #pinassarap
Aired (November 21, 2026): Samahan si Kara David sa kanyang food crawl sa Xiamen, China. Kung saan tinikman niya ang mga must-try traditional dishes at iba’t ibang seafood delicacies na talaga namang hindi dapat palampasin kapag bumisita ka dito. Panoorin ang video!
Hosted by Kara David, ‘Pinas Sarap’ takes its viewers on a weekly gastronomical adventure that gives them a deeper appreciation for Filipino food.
Watch ‘Pinas Sarap' every Saturday, 8:15 PM on GTV. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #PinasSarap
Hosted by Kara David, ‘Pinas Sarap’ takes its viewers on a weekly gastronomical adventure that gives them a deeper appreciation for Filipino food.
Watch ‘Pinas Sarap' every Saturday, 8:15 PM on GTV. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #PinasSarap
Category
🎈
FunTranscript
00:13The worm, I don't know what to do.
00:17I was afraid to eat the worm, but it's actually very harmless.
00:24Very, very fresh.
00:26It's delicious. It's like a taste.
00:29You really need to preserve it.
00:34Before we go to the Philippines,
00:37we're going to go to the Philippines to the Chinese.
00:42It's a great reason why a lot of Filipino
00:45are not allowed to eat Chinese.
00:49Today, we're going to go to Fujian Province in China,
00:55kung saan nagmula ang 90% ng mga Chinoy o Filipino Chinese
01:00para alamin ang kwento at pinagmulan ng mga pagkaing
01:05natutuhan natin mula sa mga Chino.
01:10Matatagpuan ang Fujian Province sa southeastern region ng China.
01:18Dahil napaliligiran ng dagat ang malaking bahagi ng shaman,
01:22sagana sila sa seafood.
01:25It's 6.45 in the morning, 19 degrees Celsius.
01:29Medyo malamig sa China kapag umaga.
01:32Andito ako ngayon sa Bashe.
01:35This is the 8th seafood market.
01:41Ang Bashe o 8th market ang pinakamalaki at pinakamahabang palengke sa buong shaman.
01:47May haba itong isang kilometro.
01:52Tignan mo o, fresh na fresh yung mga isda dito.
01:58Talagang bagong huli.
01:59Tapos, ito na naman yung abalone.
02:02Isa yan sa mga pinaka-expensive na seafood dito.
02:06I think, if I'm not mistaken, parang bamboo clam to.
02:10Itong shellfish na ito, ang tawag ay elephant ear muscle.
02:14Masarap yan. Pamislat ang tawag natin sa zambales niyan.
02:19Ang tawag nila dito ay o fish.
02:22Nakakalula siya sa laki.
02:24Actually, nakakalula sa dami yung mga seafood dito sa Bashe or the 8th seafood market.
02:31Pero dahil nga mahaba yung kasaysayan ng China as a communist country
02:36na nirarasyon talaga sa bawat mamamayan
02:41yung amount ng pagkain na pwede nilang i-consume.
02:47Natutunan na over the years ng mga Chinese
02:49dahil naghihirap sila noon to eat each and every part of fish or lahat.
02:56Meron niyang kasabihan dito yung mga local Chinese na
02:59as long as it's moving, the Chinese will eat it.
03:07Mabibili rin sa Bashe ang ilan sa mga kilala nating lamang dagat gaya ng alimasag o blue crabs,
03:13alupihang dagat o mantis shrimps at scallops.
03:18Bagong huli talaga yung kanilang mga seafood.
03:22Eh kasi naman yung shaman, ilang tawid lang South China si na.
03:28Kung hindi ako nagkakakali, ito ay kuratsha or spanner crab.
03:34Maraming ganito sa Zamwanga.
03:36Matapos ang kalahating oras na paglalakad sa Bashe,
03:40narating namin ang dulong bahagi ng palengke.
03:43Dito, may mga binibenta silang talaga namang agaw pansin.
03:47Parang dito binibenta yung mga karaniwang hindi kinakain ng mga ibang kultura.
03:53Katulad na lang nitong eel, well, famous na ito ngayon,
03:57at saka bullfrog.
04:00Ibat-ibang klase ng bullfrog ang lalaki.
04:04Kaunting kultura lang sa Pilipinas yung kumakain ng palaka.
04:09Kami sa Pampanga, kumakain kami ng palaka ng betute.
04:13Pero hindi ganyan kalaki, hindi ganyan kalaki.
04:16Tapos we usually skin it.
04:17Alam ko sa Ilocos kumakain din ng palaka,
04:19pero ganito lamang kaliliit.
04:22Pero ang interesting dito ay these things.
04:25These things.
04:27Ang tawag dito ay soft-shelled turtle.
04:30Familiar ako dito kasi sa Bicol,
04:32ang tawag dito ay ahaspagong
04:34na nakikita dun sa mga palayan.
04:36So it's a kind of turtle na mahabang mahabang mahaba yung leeg niya.
04:40Tapos hindi matigas yung kanyang shell,
04:44malambot yung kanyang shell.
04:46Yan.
04:47Soft-shelled turtle.
04:49Well, sa kanila, allowed sigurong kumain ng mga ganyan.
04:52Pero sa atin sa Pilipinas,
04:54kahit meron tayo yung ganitong klaseng pagong,
04:56yung ahaspagong na humahaba yung leeg niya up to this long,
05:02hindi tayo kumakain yan kasi alam natin bawal.
05:08So hindi lang ibat-ibang klase ng seafood ang matatagpuan dito sa bashe,
05:12kundi ibat-ibang klase rin ng prutas.
05:15At grabe nakakalulas na laki yung mga prutas nila.
05:18This is what you call an Indian mango.
05:23Indian mango ba to?
05:25Sobrang laki! Ano ba yan?
05:27Ayan!
05:28Tapos, interesting ito.
05:29Ang tawag nila dito ay volcano fruit.
05:32Hindi pa ako nakakatikim nito.
05:34Nung una akala ako parang, ano lang, matinik lang na mangga.
05:38Pero volcano fruit daw ang tawag nila dito.
05:41Kung may volcano fruit, meron dragon fruit.
05:44Tapos, this is what you call passion fruit.
05:48Ay! Favorite ko to ng bata ako!
05:52Nakatikim na ba kayo ng manzanitas?
05:54Ay!
05:56Pag napupunta kami noon sa sambalis, ito yung kinakayan namin.
05:59Ang sarap-sarap.
06:00Bayabas!
06:02Napakalaki naman ang mga balingbing dito.
06:04Ang tawag dito, star fruit.
06:06Kasi kapag thinlice mo siya, para siyang hugis between or hugis star.
06:13Isa sa mga atraksyon sa shaman na nagpapakita ng kanilang mayamang kasaysayan,
06:19ang Shapo Way Port.
06:21Isa ito sa mga pinakalumang fishing ports sa shaman na madalas daungan ng mga sasakyang pandagat noon pang dekada 80.
06:30Ang litratong inyong nakikita ay imahen ng shaman nung unang panahon.
06:35Actually, ang shaman ang ibig sabihin niya, southern gate or south gate of China.
06:41Isa ito kasi dun sa mga lugar na nag-open up sa mundo.
06:45Because this is a harbor port.
06:49Tingnan ninyo dito.
06:50Kaya maraming mga boats dito.
06:52Kasi dito dumadaong noon yung mga bangka ng mga merchants o mga mga ngalakal.
06:57Ayan na, harbor port na siya.
06:59And it opens up to the South China Sea.
07:02So, kung harbor port ito nung unang panahon, I'm guessing dito rin bumabagsak lahat ng mga produkto mula sa iba't
07:09ibang mga bansa.
07:11Kaya, kung hindi ako nagkakamali, baka ang pagkain din dito sa shaman ay fusion hindi lamang ng pagkain na tradisyonal
07:19ng mga Chino,
07:20kundi pati ng buong mundo.
07:23Tara, tikman na natin.
07:28Ang ganda parang ang feel niya, parang Venice, parang ganoon na maraming mga dumadaong ng mga iba't ibang mga bangka.
07:37Tapos, very small yung mga maliliit yung mga alleys, mga eskinita.
07:42Tapos, ang daming mga maliliit na mga restaurants at saka mga shops.
07:50Daming mga nagpapapicture na mga mag-boyfriend o mga ikakasal, parang pang prenup.
07:56Mukhang romantic-romantic area for lovers.
08:00Usually, ganun naman talaga kapag mga malapit sa dagat or harbor port.
08:05O kaya yung parang very scenic yung lugar.
08:08May paniniwala daw kasi yung mga Chinese na the harbor or the sea brings good luck.
08:14So, yung harbor port, bibigay ng magandang pag-asa, magandang biyaya.
08:26Dahil nga, may harbor port yung shaman.
08:30So, nakaharap ito sa dagat. Marami siyang seafood.
08:34At usong-uso dito yung mga tinatawag nilang Dapay Dang o yung parang sa atin sa Pilipinas, Dampa kumbaga.
08:43Ang Dapay Dang, salitang Hokkien na ang literal na salin sa Ingles, Dining Boots.
08:49Nahahawig ang mga ito sa mga dampa natin kung saan namimili ang mga tao ng fresh seafood na kanilang ipaluluto.
08:57Sari-saring isda at lamang dagat ang makikita rito.
09:00Dahil nakagugutom ang maglakad at mamasyal maghapon, wala na akong patumpik-tumpik pa. Order na!
09:07Siguro parang tamilok to, if I'm not mistaken.
09:11Can we order this one?
09:13Yeah, okay.
09:13Okay, okay.
09:14Oh, and that one?
09:16Banyu yishima.
09:18The eel?
09:19Yeah, yeah.
09:19Okay.
09:20Meron din silang igat dito.
09:22Banyu yishima.
09:24Banyu yishima.
09:25Banyu yishima.
09:29Mula umaga hanggang gabi, bukas sa publiko ang mga Dapay Dang.
09:33Dahil kaliwat ka na ng mga Dapay Dang sa buong siyamin, seafood galore talaga kapag nagawin ka rito.
09:40Sisi.
09:41Sisi.
09:43Ang tatlong putahing aming ipinaluto, nagkakahalaga ng 185 RMB o aabot sa 1,400 pesos.
09:52Pagkalipas ng kalahating oras, ready to serve na ang freshly cooked seafood Dapay Dang style.
09:58First on the list sa mga titikman natin ang steamed eel with tawsi.
10:02Nakatigim na ako ng igat, pero interested ako kung paano nila niluto.
10:08Uy, sarap.
10:11Very tender. Tamang-tama yung pagkakaluto kasi very tender pa siya.
10:16Mmm.
10:17Tapos yung ginamit nyo na sauce parang tawsi.
10:23It's really good.
10:25Eh, kamusta naman kaya ang lasa ng braised elephant mussels with leeks and chili?
10:32Mmm.
10:36It's also very good.
10:38Parang pusit yung iisipin mo kasi ganun siya ka-chewy or ka-rubbery yung taste niya.
10:43Very, very subtle lang yung sauce. Parang oyster sauce lang yung ginamit nila.
10:46Tapos stir-fried.
10:50Last but not the least, ang naiiba nilang shellfish ang braised razor clams in soy sauce.
10:56Ngayon lang ako makakakain ito.
11:03Mmm.
11:06Very, very fresh.
11:09Masarap. Parang halaan siya.
11:14Actually, parang walang pinag-iba doon sa dampa experience in the Philippines.
11:20Talaga namang ang binabayaran mo sa ganitong mga klase nga restaurant ay yung freshness ng mga ingredients.
11:33After our Dapay Dang experience, mag-food crawl naman tayo sa Siming na isang commercial district sa Shaman.
11:41Street food naman ang lalantakan natin.
11:44At may isang kalye dito na dinarayo pa ng mga tao.
11:47Ang Zhongshan Lu Pedestrian Street.
11:50Ito yung Zhongshan Lu, isa sa mga pinaka-famous at busiest commercial areas dito sa Shaman.
11:591925 pa nung itinayo ito.
12:03At makikita ninyo yung mga buildings dito ay mixture ng Chinese at European architecture.
12:12Bawat syudad sa China merong Zhongshan Lu o Zhongshan Road bilang pag-gunita kay Sun Zhongshan,
12:19ang first provisional ng Republic of China dahil sa kanyang malaking ambag sa pagbubuo ng modern China.
12:26Kilala rin siya sa pangalang Sun Yat-sen.
12:30Ang mahabang kalsadang ito sa diyang inilaan para sa komersyo.
12:35Mahigit 30% ng kabuang bilang ng mga negosyo sa Shaman ang nakapuesto sa kalyeng ito.
12:41At sa ilang sangasangang eskinitang nakakabit dito.
12:45Dahil Pedestrian Street ang Zhongshan Lu,
12:48off-limits ang mga sasakyan para sa unique shopping at food trip experience.
12:54Katunayan tinatayang aabot sa isang bilyong tao,
12:58local man o foreign tourist, ang dumadaan sa kalsadang ito kada taon.
13:03Itong kaliyan na ito, it's a food street.
13:07Maraming street food na iba-iba at titikman natin yung ilan sa kanila.
13:14Hindi ko na pinalagpas ang ilang pagkaing dito lang sa Shaman na Zhongshan Lu matitikman.
13:21Dahil ang dami-dami kasing ingredients sa China,
13:24tapos ang tagal na ng civilization na to.
13:26So ang dami nang naimbendong iba't ibang luto doon sa mga alam nating ingredients.
13:32Ano yan?
13:36Parang ito alam ko itong mga to, alupihan, lobster, may oyster.
13:43But I don't quite know what this is.
13:46Get ready dahil ang susunod nating titikman isang exotic seafood delicacy, ang tusundong.
13:54Shishi.
13:56Okay.
14:00So this is sea worm jelly.
14:05Parang yung worm ay in-enclose nila inside a jelly.
14:15Ah, malamig.
14:19Wala siyang lasa.
14:24Parang siyang gelatin, parang siyang gulaman.
14:28Yung worm, hindi ko nalalasahin masyado.
14:32Noong una parang natatakot ako nakakain ako ng worm, but it's actually very harmless.
14:37Kasi parang kang kumain ng halaan, ganun, or ng...
14:43Yeah, parang kang kumain ng halaan.
14:46Actually, itong jelly na ito, kung saan naka-enclose yung mismong worm,
14:50ay inilabas din or in-excrete din mismo nung worm na yun.
14:56Yung mga sea worm kasi na ito, kapag pinakuloan mo siya,
15:00natural siyang naglalabas ng jelly.
15:10Ito yung Nanputo Temple, ito yung pinakaunang Buddhist temple na itinayo dito sa Shaman, China.
15:19Yung mga tao dito, they're all Buddhist at nagpe-pray sila dito sa temple neto.
15:28Ito yung longevity pagoda dito sa loob ng complex ng Nanputo Temple.
15:33Especially ito para sa mga Buddhist.
15:36At dito sa gitna ng dalawang pagoda na ito ay meron silang tinatawag na life-saving pool
15:42na itinayo nung 1904.
15:44Life-saving dahil karimihan sa mga Chinese or Buddhist.
15:48At turo sa Buddhism na huwag kang papatay ng hayop
15:52at kailangan kung meron kang nahuling hayop,
15:54ay kailangan palayain mo ito o pakawalan.
15:57So itong pond na ito, dito pinapakawalan ng mga Buddhist
16:02yung mga hayop na na kanilang nakuha or offering.
16:05Katulad yung nakikita ninyo yung mga turtles na yun,
16:09yung iba dyan kinuha nila mula dun sa market, binili nila
16:12at dito inaalay nila para mapakawalan at mapalaya.
16:19Merong egret doon.
16:21Actually, ang tawag daw nila sa shaman ay
16:24Island of Egrets
16:25kasi maraming ganitong klaseng ibon dito.
16:29Panahon ng Tang Dynasty nang itinayo ang templong ito.
16:33Sa lawak na 30,000 square meters,
16:36meron itong apat na pangunahing gusali
16:37na lahat naglalaman ng sari-saring imahen,
16:41kasulatan sa turo ni Buddha at marami pang likhang sining.
16:45Kung gusto ninyong malaman at maintindihan ng kultura
16:48ng mga Chinese, bumisita kayo dun sa kanilang mga templo.
16:52Marami kang matututunan
16:54yung mga bawat kulay nito ay merong meaning.
16:57Red means strength and power.
17:00Makikita ninyo yung kanyang architecture.
17:03Yung parang pag-ano'n dun sa kanyang bubong.
17:07Ibig sabihin nun, Phoenix Bird
17:09na isa sa mga espesyal din nilang hayop.
17:11Tapos merong dalawang dragon
17:13na espesyal din sa kultura ng mga Chinese.
17:16Siyempre, ang gwardiya ng templong ito ay dalawang leyon.
17:21Mula mainland shaman,
17:22sasakay tayo ng ferry papunta sa isang UNESCO World Heritage Site,
17:27ang Gulangyu Island.
17:28Papunta tayo ngayon sa Gulangyu Island.
17:32Isa ito sa mga pinakasikat na island dito sa shaman.
17:35Pasakay tayo ng ferry.
17:38Halos 15 minutes lang ang biyahe para marating ang Gulangyu Island.
17:42Andito na tayo sa Gulangyu Island.
17:45Tingnan nyo naman sobrang dami ng mga turista.
17:49Araw-araw, umaabot sa 20,000 to 30,000
17:53na mga turista ang bumibisita dito sa Gulangyu Island.
17:57Pero kapag festival, umaabot siya ng up to 100,000.
18:01Kaya nagsabi sila na bibigyan na nila ng limit yung bilang ng mga turista.
18:06Up to 40,000 to 50,000 lang ang pwedeng pumasok sa islang ito per day
18:10kasi para maprotektahan yung ganda ng lugar.
18:15May lawak lang na 1.88 square kilometers ang buong isla ng Gulangyu
18:20o halos kasing laki lang ng BGC o Bonifacio Global City sa Taguig.
18:25Para higit na mapreserba ang natatangin ganda ng Gulangyu,
18:29walking tour lang ang pwede gaya ng pamamasyal sa mga lunsod ng Amsterdam
18:34o Barcelona sa Europa.
18:36Mas ma-appreciate mo raw kasi ang ganda ng Gulangyu kapag nilakad ang palibot nito.
18:43So, kung nakikita ninyo yung dagat na yan, it all opens up to the South China Sea.
18:49Noong unang panahon, mga 1800s, 1900s,
18:52itong lugar na ito, talagang pinupuntahan siya ng iba't ibang mga European merchants
18:58para makipagkalakalan at makipagpalitan sa mga Chinese merchants
19:03kasi ang gustong gusto ng mga Europeans noon ay yung chaa o yung tea ng mga Chinese.
19:10Ang pangalan ng isla na ito ay Gulangyu.
19:14Ano ibig sabihin ng Gulangyu?
19:16Gu means drum, lang means wave, and you means very small island.
19:22Okay?
19:23Kaya, drum wave island ang tawag dito
19:25kasi kung nakikita nyo yung malaking bato na yan,
19:29kapag humampas daw dyan yung alon,
19:32para ka daw nakakarinig ng malakas na drum o malakas na tambol.
19:36Kaya, Gulangyu Island.
19:39Taong 1842 ng lagdaan ng Treaty of Nanjing.
19:42Ito ang nagtatapos ng First Opium War sa pagitan ng China at Great Britain.
19:47Isa sa naging mga probisyon nito ay ang pagdadeklara sa Shaman
19:50kung saan kabilang ang Gulangyu Island
19:53bilang isa sa limang treaty ports na bukas sa foreign trade.
19:58Ito ang dahilan kung bakit hitig sa dayuhang impluensya ang lugar na ito.
20:02Pag tingnan mo nyo yung architecture ng mga buildings, iba iba siya.
20:08Meron parang Chinese, meron European.
20:11Kaya naman, noong 2017, itong buong isla ng Gulangyu
20:16ay bineclare na UNESCO World Heritage Site.
20:20Kasi marami siyang na-preserve ng mga historical buildings.
20:27Meron din silang dried seafood.
20:30Yung naman ang usual na mga pasalubong nila dito.
20:33Iba iba rin siyang klase.
20:35Tahong, kusit, tapos dilis.
20:39Matapos ang isang oras na paglalakad,
20:41narating na namin ang sentro ng Gulangyu Island.
20:43Nandito na tayo sa Long Taolu.
20:47Ito yung tinatawag nilang food street.
20:49Ang translation ng Long Taolu ay Dragon's Head.
20:53Kasi kung makikita ninyo yung street dito,
20:56medyo winding na siya, parang siyang dragon.
21:00Ito na yung parte ng Gulangyu Island
21:03na puro pagkain, sunod-sunod na pagkain.
21:07Food street nila ito.
21:10Isa dun sa mga sikat na sikat at pinipilahan na stalls
21:14dito sa Gulangyu Island
21:16ay itong maliit na stall na ito.
21:20Wow! Shishie!
21:26Oh! It's good!
21:30It's actually good!
21:32Hindi ko ni-inspect na masarap siya.
21:35Yung peanuts gives it a different flavor.
21:38Ito yung pagkain na
21:41mukhang hindi masarap sa unang tingin
21:43pero
21:45don't judge a food by its cover.
21:50Kapag nasa Old Shaman area ka raw,
21:53isa sa mga dapat mong tikman ang Taro King.
21:55Isa itong traditional cake na gawa sa taro o gabi
21:59na may samotsaring palaman sa loob.
22:01At ito ang specialty ng Yubao Wang Tea House.
22:05Sa katunayan ng heirloom recipe nila,
22:07mas matanda pa sa kanilang restaurant.
22:10Sikretong timplan na ipinasapasa sa miyembro ng pamilya
22:14sa nakalipas na ilang daang taon.
22:16They're the Wang family.
22:18At 1940 pa nagsimula yung kanilang restaurant.
22:23Hanggang ngayon, almost 80 years,
22:25niluluto pa rin nila ang kanilang very, very famous na Taro King.
22:30Let's do it!
22:35Okay, so ito ay lalagyan muna ng oil.
22:41Itong mixture na ito, ito yung Taro.
22:44Pero ang sabi dito ay king siya kasi parang malaki ata siyang bun.
22:48This is abalone.
22:49Tapos lalagyan pa ng shrimp inside.
22:52This is pork and scallops.
22:55Tapos this is stuffing na may tofu at saka ubod or bamboo shoot.
23:01Tapos i-co-cover na ganon.
23:03Wow!
23:06Tapos ito ay caramelized onions.
23:09Lalagyan ng cherry on top.
23:12Me?
23:13Yes.
23:14Yes.
23:14But I'm not Wang family.
23:16Baka ipamana sa akin yung negosyo nito.
23:19Show ko lang.
23:26Ang assembled Taro cake is steam ng ilang minuto para maluto.
23:32So ganito yung karaniwang way nilang ng pagkain.
23:38Kailangan nagchachaan muna.
23:46Oh!
23:46Very hot!
23:49This one I like!
23:51This one very good ah!
23:56Ang sarap ng stuffing sa loob!
23:59Ang sarap ng stuffing sa loob!
24:02Actually yung Taro o yung Gabi, siya lang yung pang-hold ng ingredients inside.
24:08Pero ang talagang nanginibabaw dito ay yung mga masasarap na ingredients sa loob niya.
24:17I like it!
24:19Tapos ang galing niya kasi iba-iba yung mga flavors.
24:25So now I know kung bakit ang ginagamit nila Gabi.
24:28Kasi Gabi is very bland.
24:30So bagay siya sa kahit anong ingredient.
24:35Ang Taro king sa panlasa talaga namang exciting.
24:38Pero bukod dito, may isa pa silang ipatitikim sa akin.
24:42Ang isa pang specialty ng kanilang restaurant,
24:44ang yummy Chinese treat na Yuni Shang Suya o duck pancake.
24:51Itong dessert na Shang Suya,
24:54meron daw duck inside.
24:58Mmm!
25:01Mmm!
25:03Hindi ko mag-pingpoint kung anong lasa niya kasi...
25:08Parang kakanin na merong karne sa loob.
25:12Parang manamis-namis yung toppings niya.
25:15Masarap siya.
25:16Parang kakanin na merong karne.
25:19Sorry, ang weird kung mag-describe pero...
25:23It's good!
25:31Maikli lang ang panahong inilagi namin sa China.
25:35Pero sa pagbisita namin sa Shaman sa Fujian province...
25:40Oh!
25:42Shishish!
25:44It's good!
25:47Napusog ng gusto ang ating mga mata at sikmura
25:50sa mga naggagandahang tanawin at samutsaring nagsasarapang Hokkien dishes.
25:56Ahem!
25:57Manghang pala.
25:59Napatunayan kong hindi nagkakalayo ang kulturang Chino sa kultura nating mga Pilipino,
26:05lalo na sa pagluluto.
26:07Nakakabusog to. Nakakabusog.
26:09Ang mga lutuing Pinoy na minana natin mula sa mga migranteng Chino,
26:14hindi nalalayo sa orihinal nitong itsura at lasa.
26:17Ang pinagkaiba, ang bawat lupuin na bibigyan natin ng natatanging sarap na talaga namang tatang Pilipino.
26:25Dahil sa mga ginagamit nating katutubong sangkap at likas na galing ng mga Pinoy sa kusina.
26:31Shishish siya, men!
26:32Ang sarap ng stopping sa loob!
26:34Dai Chao Wan Shang Hao!
26:36Mula dito sa China, ako po si Cara David.
26:39At ito ang pinas sarap.
26:41Mmm! Sarap!
Comments