Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago


Narito ang maiinit na balita ngayong November 11, 2026




-5-anyos na lalaki, nasawi matapos magulungan ng van; driver, hindi raw napansin ang tumawid na bata


 


-PAGASA: Amihan surge, nagpapatuloy ngayong araw; PAGASA: 60 lugar, makararanas ng extreme caution level na heat index ngayong araw


 


-Operating hours ng mga mall sa Metro Manila, ia-adjust simula Nov. 16


 


-DOE, nagbabala sa mga gasolinahang hindi buong ipinatutupad ang mega oil price rollback; puwedeng ireklamo at patawan ng parusa


 


-2 menor de edad na sakay ng motorsiklo, patay matapos tambangan


 


-Storage area ng isang pribadong ospital, nasunog


 


-P37,000 na kita ng canteen, tinangay; suspek, arestado


 


-Konstruksyon ng Unified Grand Central Station, ipinagpapatuloy na; istasyon, target buksan sa March 2028


 


-Transport strike, isasalubong ng PISTON kay U.S. Pres. Trump na dadalo sa ASEAN Summit 2026 sa Lunes


 


-Davao City Accountant Vingelin Bajan, inusisa sa koneksyon ng kanyang accounting firm kay VP Sara Duterte;


Davao City Accountant Vingelin Bajan, pinuna ng ilang senator-judge dahil sa pagiging mailap sa mga tanong sa impeachment trial; Davao City Accountant Vingelin Bajan: Hindi naibigay na salary increase (2020-2021) ang P64,000 na ibinayad ng Davao City LGU noong 2023 kay VPSD; Samal Island City Assessor Engr. Enumerables, hindi sigurado kung ang property sa SALN ni VP Duterte ay pareho sa mga titulong dala niya sa impeachment trial; Engr. Enumerables: Kinukuwestiyong 751 sqm property ni VPSD na nakalista sa SALN, may address na Brgy. Matanos, pero walang ganoong barangay sa Samal Island; Prosekusyon: Hindi tugma ang halaga ng property sa Samal Island at date of acquisition nito sa SALN at sa titulo; Depensa: Dapat prosekusyon ang magsumite ng dokumento kaugnay sa Samal Island property na nasa SALN ni VPSD; Prosekusyon, sinabing lumabag sa sub judice rule si VP Duterte; depensa, sinabing may paglabag din si Atty. Jay Tolosa


 


-Alden Richards, nag-enjoy sa kanyang first solo trip


 


-P100,000 halaga ng electrical equipment sa isang vocational training center, tinangay ng 7 lalaki; 2 sa 7 lalaking nagnakaw, umamin sa pagnanakaw; kailangan daw nila ng pambayad sa kanilang inorder online


 


-Mahigit 23,000 security forces na naka-deploy sa 49th ASEAN Summit, binigyan ng send-off ceremony; Mahigit 1,000 motorsiklo at mobile cars at K9 units, kabilang sa mga ide-deploy para magbantay sa ASEAN Summit; PNP, handa raw sa anumang maaaring mangyari habang idinaraos ang ASEAN Summit


 


-INTERVIEW: NCRPO OIC PBGEN. CHRISTOPHER ABRAHANO


 


-Rep. Martin Romualdez, pinatawan ng 90-day suspension ng Sandiganbayan


 

Category

🗞
News
Transcript
00:30Matapatay ang isang batang lalaking limang taong gulang matapos pumagulungan ng van.
00:35Ayon sa naarestong driver, hindi raw niya napansin ang batang tumawid ng kalsada.
00:40Balita natin ni EJ Gomez.
00:49Isang van ang paliku sa kalsada sa barangay Pinagbuhatan, Pasig, pasado alas 9 ng umaga kahapon.
00:56Nang magulungan nito ang isang bata.
01:00Hindi kasi talaga makikita yun ang liit ng bata.
01:04Nagtakbuhan para sumaklolo ang ilang tao.
01:07Kabilang ang ilang pulis Pasig na nuoy nagpapatrolya sa lugar.
01:10Sa CCTV nakita mo, dalawang beses na nakagulong yung van, yung sa harap at saka dun sa likod.
01:17Uminto yung sasaktian.
01:21Siguro dahil din may mga sumigaw na na mga bystanders.
01:29Agad na respondihan at yung bata ay agad din nadala sa hospital.
01:35Dead on arrival sa hospital ang biktima na napuruhan sa tiyan ayon sa polisya.
01:40Ayon sa ilang saksi, nakatambay ang batang biktima sa nakaparadang e-bike na ito sa gilid ng kalsada.
01:46Mula raw rito ay tumawid ang bata at sa bahaging ito na siya, pumailalim at nagulungan ng palikong van.
01:54Ayon sa lora na limang taong gulang na batang lalaki, walang kasamang magulang ang biktima nang magyari ang insidente.
02:01Tulog si *** yung kuya.
02:04E kaso lang, itong kuya naman, parang hindi niya sinamahan yung kapatid niya.
02:09Papauwi na nga dapat.
02:10Dapat naman kasi yung driver, siyempre sa malayo pa lang makita niya yung bata nakatayo sa gilid.
02:16Maaaring hindi napansin ng driver dahil mataas yung kanyang van at tamang-tama rin na siya ay palikop.
02:25Nahold po natin yung driver at nakuha din natin ang lisensya ng driver.
02:34At kusa din naman siya na sumama sa atin sa pag-aresto sa kanya.
02:40Ayon sa 62-anyos na driver, hindi niya napansin ang batang tumawig ng kalsada.
02:46Saksampahan ang driver ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
02:51Hindi po napansin.
02:53Doon doon sa mga magulang na lang po na ako'y naghihihin ng pasensya sa'yo, hindi nasa ang pangayari.
02:59Papukod yus yutso, masakit bilang isang lola na mawala yung apo.
03:06Masakit lang talaga mawam. Sakit? Sobra, di sobra talaga.
03:10EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
03:21Nagpapatuloy ang surge o bugso ng hanging amihan ngayong Merkules.
03:25Nakapagtala ang pag-asa ng 11.9 degrees Celsius na lamig sa La Trinidad Benguet.
03:3016 degrees Celsius sa Baguio City.
03:3219.6 degrees Celsius sa Malay-Balay Bukidnon.
03:36Naitala naman sa Tanay Rizal ang minimum temperature na 20.2 degrees Celsius habang 24.4 degrees Celsius sa Quezon
03:43City.
03:44Ayon sa pag-asa, apektado pa rin ang amihan ng halos buong Luzon kasama ang Metro Manila.
03:50Easter list naman ang umiiral sa Visayas at Mindanao.
03:53Sa kabila ng lamig, posibleng pa rin maging mainit at malinsangan sa ilang bahagi ng bansa.
03:58Maaaring umabot sa extreme caution level na 41 degrees Celsius ang heat index sa Coron at Puerto Princesa sa Palawan.
04:05Maging sa Rojas, Kapis at Dumanggas, Iloilo.
04:09Dito sa Metro Manila, pinakamataas na ang 35 degrees Celsius na heat index na maaaring maitala sa Pasay.
04:16May 55 ang iba pang lugar ang posibleng rin makaranas ng extreme caution level na alinsangan ayon sa pag-asa.
04:22Isinalalim naman sa Thunderstorm Watch hanggang mamayang alas 10 ng Gabiang Cagayan, Occidental Mindoro, Palawan, halos buong Visayas, Northern Mindanao
04:32at Davao Region.
04:36Simula sa Lunes, November 16, ia-adjust ang operating hours ng mga mall sa Metro Manila.
04:41Base po sa pag-uusap ng Metro Manila Development Authority at Mall Operators,
04:45magbubukas ang mga mall ng alas 11 ng umaga at magsasara ng alas 11 rin ng gabi.
04:51Hindi po sakop ng pagbabago ng mall hours ang mga weekend at holiday.
04:56Mananatili rin sa regular business hours ang mga restaurants, supermarket at government services sa loob ng mall.
05:03Lilimitahan naman ang delivery operation sa mga mall mula alas 11 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga,
05:10maliban sa perishable goods gaya po ng mga pagkain.
05:13Ayon sa MMDA, layo ng adjusted mall hours na ibsan ang inaasahang pagbigat ng trapiko sa holiday rush.
05:24Nagbabalang Department of Energy sa mga gasolinahang hindi buong ipatutupad ang mega oil price rollback.
05:29Ayon sa DOE, maaaring i-report sa kanilang tanggapan ang mga gasolinahang o gasolinahang hindi sumusunod.
05:35Kahapon, ilang motorista ang nagsabing mataas pa rin ang presyo sa ilang gasolinahan.
05:40Ang iba naman, kulang daw sa 16 pesos ang rollback sa gasolina at magbabawas na lang daw ulit na ngayong
05:46linggo.
05:47Guit ng DOE, walang usapan o hiling mula sa mga oil company na uutay-utayin ang bawas presyo.
05:53Posible raw patawa ng parusa ang mga mapapatunayang lumalabag sa utos na rollback.
06:03Dead on arrival sa ospital ang dalawang minor de edad matapos tambangan sa Alyosan, Cotabato.
06:10Ayon sa polisya, sakay ng motorsiklo ang mga bikima na edad naming apat at siyam nang sila'y pagbabarilin sa
06:17sityo tubak sa marangay Panggagan.
06:20Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo.
06:26Iniutos na rin ng Alyosan LGU na imbisigahang mabuti ang krimen.
06:30Wala pang pahayag ang pamilya ng mga biktima.
06:35Nagkasunog sa isang pribadong ospital sa General Trias, Cavite, kahapon.
06:39Sumiklab ang sunog alas 3 ng hapon sa storage area na nasa likod ng Outpatient Care Center ng City of
06:45General Trias Doctors Medical Center o Gentry Doctors.
06:49Inilikas ang mga pasyente at staff ng ospital.
06:51Wala namang naiulat na nasaktan.
06:54Napula ang apoy matapos ang mahigit dalawang oras.
06:57Ayon sa Gentry Doctors, ligtas nang nakabalik sa mga kwarto ang mga pasyente nila.
07:02Dahil sa sunog, inilipat muna sa main hospital building ang OPD consultation.
07:10Nakatayo ang lalaking yan sa harap ng kantin sa isang sabungan sa Kalibuaklan.
07:14Tila nagmamasid ang lalaki nang makakuha ng tsyempo.
07:18Hinuha niya ang bungkus ng pera sa mesa at umalis.
07:22Huli na nang madiskubre ng nagbabantay sa kantin na natangay na ang 34,000 piso ng kita ng tindahan.
07:29Na-aresto kalauna ng 49-anyos na suspect.
07:32Nabawi rin sa kanya ang ninakaw na pera.
07:35Sabi niya, bibili lang sana siya ng sigarilyo ng matukso sa nakitang pera.
07:40Sinampahan ang reklamong theft ng suspect at kalauna ay nakapagpiyansa ng 10,000 piso.
07:47Ipinagpapatuloy na simula ngayong araw ang konstruksyon ng Unified Grand Central Station
07:52ay sa Department of Transportation.
07:55Ang Unified Grand Central Station ang magkokonekta sa MRT 3, LRT 1, MRT 7 at EDSA busway.
08:03Kanina umaga ininspeksyon ni Transportation Secretary Vince Dizon ang naturang istasyon.
08:07Sabi ni Dizon, 2019 sinimulan ang paggawa sa istasyon pero nahinto po noong 2024 dahil sa problema sa unang kontraktor.
08:17March 2028, target na buksan sa mga pasahero ang istasyon.
08:24Mayroon ang first day, day one, ng resumption ng trabaho sa Common Station.
08:32Finally, after all the legal processes nung pagteterminate ng BF and yung negosyasyon natin sa consortium ng LRT 1,
08:45yung LRMC, yung Light Rail Manila Corporation.
08:50We are confident na by the first quarter of 2028, mga March of 2028, magagamit na ng mga kababayan natin.
09:03Kusurin ni Dizon na magiging operational na ang MRT 7 sa June 2027.
09:08Labing dalawa sa labing apat na stations nito ang magagamit daw ng mga pasahero.
09:12Samantala, inatasan ni Dizon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Road Sector ng Transportation Department
09:20na magdagdag ng 50 bus sa EDSA busway simula bukas.
09:25Bilang paghahanda po yan sa Holiday Rush at ASEAN Summit sa susunod na linggo.
09:33Magsasagawa ng tigil pasada ang grupong piston kasabay ng pagsisimula ng ASEAN Summit 2026 sa lunes.
09:39Ayon kay Piston President Modi Floranda, isa sa lubong nila ang transport strike kay US President Donald Trump.
09:46Si Trump ang itinuturo ng grupo na dahilan ng paglala ng tensyon sa Middle East na nagpapataas sa presyo ng
09:52petrolyo.
09:53Pakiusap naman ang Malacanang sa piston, huwag isabay ang tigil pasada sa ASEAN Summit.
09:58Sakalingang matuloy, handa naman daw tumulong ang pamahalaan sa mga maapektuhang pasahero.
10:09Mas maganda po sana kung hindi itapat ito sa pagdating ng ating mga bisita.
10:17Ipakita natin ang tunay na kagandahang ugali ng mga Pilipino.
10:27Sa day 41 ng impeachment trial kahapon, kapwa iginiit ng prosekusyon at depensa na lumabag ang isa't isa sa subjudice
10:35rule.
10:36Ayon sa prosekusyon, si Vice President Sara Duterte ang may paglabag habang ang depensa pinangalanan si Atty. J. Tolosa.
10:43Ang ilang Sen. Judges naman pinuna ang isang testigo ng depensa na dahil mailap sa pagsagot sa mga tanong.
10:51Balitang hatid ni Joseph Moro.
10:57My patience is wearing thin. Forgive me.
11:00Ms. Ivan, please answer. Otherwise the court will be constrained to issue the necessary orders to compel you to answer.
11:09Isang witness, tatawa-tawa. Ngayon, ito very evasive na maang-mangan.
11:16Nag-isa ng presiding officer at ilang Sen. Judge ang testigo ng depensa na si Vingeline Bahan, si the accountant
11:23ng Davao,
11:24dahil sa anilay pagiging mailap nito sa pagsagot sa mga tanong.
11:28Inusisa ng prosekusyon si Bahan Kaugnay sa accounting firm na Amphil Elise Ciudadano and Company na external auditor umano.
11:36May na Vice President Sara Duterte, Mister na si Atty. Man Scarpio at mga iniuugnay sa kanilang kumpanya kabilang ang
11:44Gencorp at Metro City Chao.
11:46Base sa inilabas ng prosekusyon na articles of partnership na nasabing accounting firm,
11:52nakalagay na partner doon si Bahan mula 2003 hanggang 2015, mga taong nagtatrabaho siya sa Davao City Hall.
12:00Pero pati pagkumpirma sa pirma niya sa dokumento, hindi direct ang masagot ni Bahan.
12:05Look at the signature above the name. Is it your signature or not?
12:09Pirma niyo po ba yan o hindi?
12:10Hindi ko talaga ma-remember po itong lahat ng mga documents po.
12:15Hindi niyo rin po ba ma-remember kung ang pirma niya na yan ay inyo?
12:19Yan po ba'y pirma niyo o hindi?
12:25Pati ka man kaya natin makontempt mga ito, sa ganyan magkaroon ng respeto sa impeachment court.
12:30Kung ngayong pangalan sa signature pa lamang, hindi mo kayong sagutin yun pa kayong mga mahihirap na katanungan later on.
12:37Baka makontempt ka.
12:39Sana huwag.
12:41Kami, napipiko na.
12:43Sabi ni Bahan, kahit nakalista siya bilang partner, non-functioning member daw siya ng kumpanya.
12:49Baka pumunta ka rito, nagagamit ka lang.
12:55Dahil kayo ang city accountant ng Dabao na parang wala kayong alam.
13:02Sana kung magsalita kayo ng totoo, ang hinahanap lang naman ng mga kasama ko rito, yung totoo lang.
13:09Nagagamit ba kayo?
13:10Hindi po.
13:12Isa sa mga aligasyon laban kay Vice President Duterte sa ilalim ng ikalawang article of impeachment
13:17ay kumita siya mula sa lokal na pamahalaan ng Dabao noong 2023.
13:22Paglabag sa konstitusyon ang pagpapractice ng ibang profesyon ng isang Vice Presidente.
13:28Si Bahan na nag-release ang lampas 64,000 pesos na bayad kay Duterte noong January 2023.
13:34Pero paliwanag niya para ito sa salary increase,
13:37bunsod ang salary standardization law na hindi naibigay sa vice para sa taon 2020 at 2021.
13:44Para sa trabaho niya bilang mayor ng lungsod.
13:47Tanong ng prosekusyon, bakit inabot ng dalawang taon bago maibigay ang increase?
13:52Hindi po ako ano ng buong storya pero kung titignan natin ang records po, parang na-overlook po ang adjustments.
14:00Na-overlook?
14:02Bago ito natalakay, ang isang property na sinasabi ng prosekusyon ay hindi umuno i-diniklara sa Statement of Assets, Liabilities
14:10and Net Worth o SAL-NVP Duterte.
14:13Iniharap ng depensa ang City Assessor ng Island Garden City of Samal o Igacos, Davao del Norte,
14:20para patunayang i-diniklara ng vice ang natural property.
14:23Ito po ba yung ari-arian na tinutukoy ng mga binanggit niyong dokumento? Ito pong nakikita niyo sa SAL-N
14:31ng ikalawang Pangulo.
14:32Based on the market value and assist value, you honor? Yes, you honor. Magkatugma po sila, you honor.
14:39Pero sa cross-examination ng prosekusyon, inamin ng witness na hindi siya nakatitiyak dito.
14:45But you're not claiming that the same property indicated in that TCT is the very same property contained in that
14:54SAL-N, correct?
14:55I'm not certain, sir.
14:56Magkatugma yung assessed value at saka yung fair market value?
15:00Yes, you honor.
15:01Maliban po doon, may iba pa buboka yung basihan para sabihin yan din yun?
15:06Wala po, you honor, kasi hindi po nakalagay yung title number at saka yung ERP number po.
15:11Sa SAL-N ng vice, nakadeklara ang ilang property na matatagpuan sa Samal o Igacos, islang na kilala sa White
15:18Sand Beach nito.
15:19Punto ng depensa, ang kinikwestiyong property na may lawak na 751 square meters nakalista sa SAL-N na may address
15:26na Barangay Matanos, Kaputian District.
15:29Pero ayon na rin sa witness, walang Barangay Matanos sa Samal Island.
15:33Pati ako ho, nalilito na.
15:34Paano po makakaroon ng titulo sa inyong syudad na nakalagay ay Barangay Matanos kung wala naman barangay na ganyan sa
15:43inyo?
15:44Sa tax mapping po, ang nakarehistro po is San Isidro.
15:48Kasi yung Matanos, ito po yung nakalagay sa title.
15:53Kinokonfirman niyo ba na sityo yan ang Barangay San Remigio?
15:57I have knowledge.
15:58Hindi niyo po alam.
15:58So, yung Matanos at sa San Isidro, magkaiba po yun.
16:03Wala po yung Matanos at sa San Isidro, nasa ibang barangay.
16:07May alok na paliwanag ang abogado ng BSE.
16:09What the Register of Deeds of Samal City mentioned is that yung pong location ng TCT na nakalagay sa TCT,
16:18hindi na po napapalitan yun kasi kailangan po ng court order.
16:21So, kahit magbago yung location ng actual property involved doon, hindi na po napapalitan talaga yun sa TCT kasi unlike
16:31tax declaration which is within the control of the city assessor's office.
16:35Bukod sa lokasyon, sabi ng prosekusyon, may hindi rin pagkakatugma sa halaga ng property at date of acquisition nito.
16:43Tanong ni Sen. Joel Villanueva, nasaan na kaya ang property na sinasabing hindi ineklara?
16:48It is for the Vice President to know where this property is indicated.
16:53But what we're certain is that this property indicated in the TCT, she did not declare it,
17:02which is a clear violation of the law of the Constitution, which is an impeachable offense.
17:08Sa puntong ito, tumayo ang Lead Defense Counsel na si Atty. Sheila C. Son.
17:12Sabi niya, para umunong maipakita na magkaiba ang dalawang property,
17:16dapat ay nagsumiti ang prosekusyon ng mga dokumento kaugnay sa barangay Matanos property na nakadeklara sa Salen.
17:23Now, they're saying that it's the respondent's burden to prove that this real property declared in her Salen
17:36is not the same property registered with the CCT.
17:41That is not what we stated, Your Honor.
17:43It's hair-splitting.
17:44We all know that this is the same property.
17:47Whatever documents, I know he will object.
17:50If the prosecution is confident enough that there is another property existing not covered by the documents
17:59presented by the two defense witnesses, they did not present it.
18:03Now, why?
18:05Because they know it's the same property.
18:07It's clear that good counsel missed the point by a mile.
18:11We never stated that it is the defense.
18:14She should prove that the existence of her properties.
18:21That was not her statement.
18:23Our statement is that the property covered by the subject transfer certificate of titles,
18:31insofar as we're concerned, we were already able to prove that that was not declared in the Salen.
18:38As I mentioned a while ago, their witness even confirmed.
18:41Kapwa naman, nakitaan ang depensa at prosekusyon ang isa't isa ng paglabag sa subjudice rule
18:47o yung pagbabawal na talakayin sa labas ng korte ang merito ng argumento sa impeachment trial.
18:53Ang depensa ay giniit na sakop pa rin ng subjudice rule ang iniatras ng prosekusyon
18:58na tatlong articles of impeachment.
19:00Partikular nilang pinalaga ng pagtalakay umuno sa mga nangyari sa paglilitis.
19:04We're pertaining to the press conference held by the prosecution
19:07and the statements made by Atty. J. Tolosa.
19:10They go into the probative value of their supposed cross-examination
19:14and of the weight of the evidence presented by the defense
19:22and of the testimonial weight given by the witnesses.
19:27We're looking at two actually right now.
19:29Kindly furnish us, Attorney Sheila.
19:31We'll issue the corresponding orders as may be needed.
19:35Sabi naman ni Atty. Benjamin Tolosa, counsel for the prosecutors.
19:39Also reserve the right to file corresponding motions for declaration of violation of subjudice rule as well.
19:51I think it does not escape everyone, no?
19:54The incessant attacks against the integrity of the impeachment court itself
19:58and the senator judges by no less than the vice president.
20:02As is within your rights.
20:04Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA News.
20:12Wednesday latest!
20:14Liberating daw ang naging first solo trip sa Palawa ni Asia's multimedia star Alden Richards.
20:21Sinulit ni Alden ang mala-paradise na island kung saan nag-scuba diving din siya.
20:27Nasilayan niya ng malapitan ang iba't-ibang sea creatures.
20:31Chika ni Alden, special ang vacation niya dahil first time niyang mag-solo trip at mukhang mauulit pa.
20:39Itinuturing daw ni Alden na God's blessing ang kanyang naging alone time.
20:43Nakapagpahinga raw siya at nagkaroon ng maraming realization.
20:51Huli kam sa dumangga silo-ilo ang panuloob ng pitong lalaki sa isang vocational training center nitong linggo.
20:58Tinangay nila ang mahigit dalawampung electrical equipment na nagkakahalaga ng isandaang libong piso.
21:03Base sa embestigasyon ng pulisya, nakapasok ang mga lalaki matapos lagariin ang lak ng silid.
21:09Kalaunan, dalawa sa mga lalaki ang umamin sa direktor ng paaralan.
21:13Nagawa daw nilang krimen para daw maipambayad sa kanilang in-order online.
21:18Napagalaman din na anim sa mga suspect ay minor de edad.
21:22Na-recover ang mga ninakaw na gamit sa isang tanima ng tubo.
21:25Hindi na nagsampan ang reklamang direktor ng eskwelahan.
21:30Update po tayo sa paghahanda sa siguridad sa gaganaping 49th ASEAN Summit sa susunod na linggo.
21:37May ulat on the spot si June Venerasyon.
21:39June?
21:40Connie, nagsagawa ngayon ang stand-off ceremony para sa mga security forces na nakadeploy sa 49th ASEAN Summit.
21:48Magit 23,000 ang buong kwersa na mga ngalaga sa siguridad at kaayusan ng ASEAN Summit.
21:55At karamihan sa kanila ay mga polis.
21:57Kabilang sa mga resources na nakalaan para sa ASEAN Summit ay mahigit isang libong motosiklo at mobile cars at mga
22:04canine dogs.
22:05Sabi ni DILG Sekretary John Vick Rimulya na ilatag na ang lahat ng plano.
22:10Nakasalalay na lang ngayon sa mga tropang nakadeploy ang pagpapatupad ng mga planong ito.
22:14Sabi naman ni PNP Chief Jose Melancho Natates Jr. na gawa na ito dati nung huling mag-host na Pilipinas
22:20ng ASEAN Summit noong 2017.
22:22Kaya umaasa siyang punting adjustment na lang ang kailangan para mas matiyak ang maayos at ahimik na pagdaraos ngayong buwan.
22:31Handa na raw ang PNP sa anumang maaring mangyari habang nagaganap ang summit.
22:36Ayon naman kay NCR Police Office sa Officer in Charge, Brigadier General Christopher Abrajano.
22:42Iba-iba man ang uniforme ng mga nakadeploy na security units.
22:46Pero iisa lang ang kanilang misyon, ang bantayan ng lahat ng venue at mga dadalo sa ASEAN Summit.
22:51Kahapon ay itinaas na ang full alert status sa NCR Police Office.
22:56Maraming salamat, June Veneracion.
23:01Kaugnay sa kaayusan at siguridad para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits,
23:06makakapunayin natin si NCRPO Officer in Charge, Brigadier General Christopher Abrajano.
23:11Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
23:15Magandang umaga, Rafi, at magandang umaga sa lahat ng nanonood sa inyong programa.
23:19May mga namo monitor ba tayong banta sa siguridad sa pagdaraos po ng ASEAN Summit?
23:25So far, patuloy ang monitoring ng ating intelligence community at ang report sa atin na wala naman pong active na
23:34banta.
23:35Even then, handa ang inyong kapulisan, meron tayong mga contingency plans just in case may mga mangyaring uneventful incidents.
23:45Pero ang may papangako natin, binabantayan natin ang maigi, hindi lang yung venue,
23:49binabantayan natin ang building areas, yung mga hotel na pag-stayang ng ating mga leaders,
23:57pati yung mga ruta at yung ibang essential areas pa dito sa Metro Manila.
24:04May mga itatalaga po bang checkpoints malapit dun sa lugar na pagdaraosan ng summit?
24:10Meron na po tayong mga exclusion zones.
24:12Ibig sabihin, itong mga exclusion zones dito sa venues ay heightened security posture ang ginagawa ng mga polis natin.
24:20So, opo, makaka-expect po kayo ng checkpoints natin at ibang mga security operations dito sa paligid ng venue.
24:30At ganun pa man, yung ating regular police operations sa ibang lugar na hindi naman involved sa ASEAN Summit,
24:38ay patuloy yung ating anti-criminality campaign, yung crime prevention efforts,
24:42nandyan pa rin yung ating local police units na nagbabantay.
24:47PICC po, hindi ba yung exclusion zone? Medyo madaling bantayan considerably kasi iilan lamang yung lagusan ito.
24:55Pero nabanggit yun yung billeting areas ng mga dadalo. Medyo malawak po ito.
24:59Ano magiging latag ng siguridad doon?
25:03Meron po tayong 16 billeting areas, hotels, at meron din po tayong mga security packages doon.
25:10Tulad ng security na binibigay natin sa area ng PICC, ganun din po yung posture ng kapulisan.
25:18Hindi lang po polis ang nagtatrabaho dito. Nandyan din po yung kasamaan natin sa LGU,
25:26yung private security agencies. Kung makikita mo sa BGC, may mga sarili silang security agencies yan.
25:33Tulong-tulong po tayo na binabantayan niyang billeting areas.
25:36At kung magta-travel na po yung mga delegado papunta sa PICC, asahan ho ba yung closure?
25:41Anong mga kalsada? O paano ho ba? Stop and go ho ba yung gagawin?
25:47Meron pong mga itinakdang ceremonial lanes sa mga rutang ito.
25:51From the billeting, from airport, papunta sa PICC.
25:55Kaya nga po ang panawagan natin doon sa mga kababayan natin, ng mga motorista,
26:00especially so na, especially on the dates ng meeting itself,
26:06ay huwag po tayong pumasok doon sa mga designated na ASEAN lanes natin.
26:12Meron naman po mga kapulisan, may mga MMDA na mag-guide din po sa kanila,
26:16sa mga motorista kung saan dapat dumaan.
26:19Handa na po ba kayo sa mga magkikilos protesta?
26:24Opo, kasama po na iniintindi namin yung kapakanan ng ating mga kababayan.
26:31Dyan din po yung protection natin sa kanilang malayang pagbigay ng kanilang mga advokasya.
26:40Expect po ng kapulisan ay magbabantay and we will exercise maximum tolerance
26:45pero papanatiliin po namin na safe and secure din yung mga venue areas natin tulad sa PICC.
26:54Pero sila ho ba yung nakikipag-ugnayan sa inyo?
26:56Meron bang area na pwede silang magkilos sa protesta?
27:00Wala pong permit na ibinigay sa mga asog now.
27:05Wala po tayong nabalitan na binigay na permit sa mga LGUs.
27:09So ang aking instruction sa aking mga district directors, sa mga station commanders
27:14ay kung meron man may mga pagtitipon, ay kailangan nandun sa freedom parks yung mga yan.
27:22Ang pakiusap nga namin, we're trying our best para maging safe and secure itong ASEAN Summit
27:30yung sana makipagtulungan din po yung ating mga kababayan na gustong magbigkas ng kanilang mga advokasya.
27:36Okay, maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo sa Balitang Hali.
27:40Maraming salamat po.
27:41Yan po si NCRPO Officer in Charge, Police Brigadier General Christopher Abrajano.
27:47Pinatawan ng Sandigan Bayon 3rd Division ng 70 araw na suspensyon si dating House Speaker Martin Romualdez.
27:54Dahil saan, hindi muna po pwedeng gampananin Romualdez ang mga tungkulin niya
27:58bilang kinatawa ng unang distrito ng Leyte.
28:01Nakakulong si Romualdez sa New Quezon City Jail para sa kasong plunder,
28:04kaugnayan ng pagtanggap umano niya ng kickback mula sa flood control projects.
28:09Sa bail hearing ng kaso ni Romualdez kahapon, tumestigo si Congressman Toby Tiyanco.
28:15Sinabi ni Tiyanco na umabot sa 26 na bilyong piso ang halaga
28:18ng insertions ni Romualdez sa 2025 national budget.
28:23Na-flag daw ito ni Tiyanco dahil bukod sa napakalaking halaga,
28:272 bilyong piso lang ang napunta sa mismong distrito ni Romualdez.
28:32Dati nang itinanggiin ni Romualdez nasangkot siya sa anumang irregularidad sa national budget.
28:43Patay ang isang mag-ina matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Talisay, Cebu.
28:47Ayon sa Talisay City Fire Station, pasado alas 3 ng madaling araw kahapon
28:51ang sumiklam ang sunog sa barangay Tabunok.
28:54Nadatna ng mga rumisponde na nakalak ang gate ng dalawang palapag na bahay.
28:59Nahirapan din ang mga bumbero sa pagpula sa apoy dahil mataas ang bakod.
29:03Mag-aalas 4 ng umaga ng mga pulang apoy.
29:06Ayon sa barangay, kinatok at tinawag nila ang mga nakatira sa bahay pero walang sumasagot.
29:11Inakala rin ang kaanak ng 62 anyos at 22 anyos na mga biktima na umuwi sa probinsya ang mag-ina.
29:18Inaalam pa ang sanhinang apoy.
29:22Nasawi ang isang lineman matapos makuryente sa General Santos City.
29:26Ay sa kapatid ng 34 anyos na lalaki, nag-i-install sana ng transformer ang kapatid at mga kapwa lineman
29:33sa barangay Tambler nitong linggo.
29:36Pero pag-akyat ng biktima sa poste, nadikit po siya sa kabe ng kuryente.
29:41Nagtamu siya ng matitinding paso sa katawan.
29:44Wala silang suot na safety gear noon.
29:47Ligtas naman ang ibang lineman.
29:49Napag-alaman na hindi pala napatay ng engineer ang mainline ng kuryente nang mangyari ang insidente.
29:55Aminado ang engineer sa pagkakamali.
29:58Nangako naman ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng nasawing lineman na sasagutin ang gastro sa pagpapalibig.
30:04Wala rin daw plano magsampan ang reklamo ang mga kaanak ng biktima.
30:12Kahit papalapit na ang holiday season, hindi raw rabdam ng ilang nagtitinda at negosyante sa Divisorya sa Maynila ang Christmas
30:20Spirit dahil sa tumal ng benta.
30:23Balitang hatid na Gabriel Gonzalez.
30:29Maluwag at halos walang namimili.
30:31Ganito ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Divisorya kahit malapit na ang holiday season.
30:36Ayon sa ilang nagtitinda ng mga sapatos, sandals at iba pa sa Elaya Street.
30:41Paisa-isa lang ang namimili ngayon kumpara noong nakaraang taon.
30:45Na kahit Nobyembre pa lang ay marami ng namimili ng mga panregalo.
30:49Nagtitipid na rin daw sa pasahod ang kanilang amo.
30:52Kaya ginawa ng dalawang araw ang day off ng mga tindera sa halip na isa lang.
30:56Hindi pa po namin masyadong nararamdaman yung talagang Christmas Spirit kasi talagang wala pang ganong namimili.
31:03Ginagawa po ng amo namin sa ngayon dahil nga matumal.
31:07Nag-aawa siya ng konteng tindera, binabawasan niya kami.
31:10Nagiging lima lang kami instead na pito para kahit pano po, maano naman niya yung kita niya.
31:16Hindi lang puro pasahod sa tao.
31:18Apektado rin ang matumal na bentahan ng mga nagtitinda ng prutas sa Taboras Street.
31:22Bukod kasi sa halos walang bumibili, tumaas pa ang presyo ng mga prutas gaya ng ubas at mansanas.
31:28Naglalaro sa 1,750 pesos ang isang box ng mansanas o 50 pieces ng mansanas.
31:35Kumpara sa 1,200 hanggang 1,300 noong manakaraang buwan.
31:40Ang ubas naman mahigit sandaan ang itinaas.
31:44Nasa 6.50 na ang kada crate na may lamang 6.5 kilos ng ubas mula sa dating 500 to
31:50550.
31:50Medyo matumal ngayon. Kumpara nung isang taon, medyo mabili yung isang taon eh.
31:55Kasi ano eh, kukunti ang supply ng prutas ngayon eh.
31:58Pagkakunti ang supply, talagang tumataas yung presyo kaya tumutumal.
32:03Amina doon man ang ilang mamimili na mas pinipili na lang nilang ipambili ng pagkain
32:08ang ekstra ang budget sa halip na ipambili ng mga panregalo.
32:11Wala na po masyadong pera yung mga tao ngayon sa budget mo.
32:15At least calm mo na po bili.
32:17Nung mga kailangan lang po munang binibili namin.
32:19Sa pinakauling tala ng Philippine Statistics Authority,
32:23tumaas sa 7.8 ang inflation rate sa bansa nitong Oktubre mula sa 7.2 noong Setiembre.
32:29Ayon sa PSA, kapag bumibilis ang inflation,
32:33humihina ang purchasing power ng mga mamimili
32:35o yung kakayahan ng mga consumer na makabili ng mga produkto.
32:39Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
32:48My special guest sa Family Feud this week.
32:54Pangumunahan ang host na si Michael V. at Ding Dong Dantes
32:57ang back-to-back to back special episodes.
33:01Susubukan ang misis ni Bitoy na si Carol Bonagan
33:04na magwalaan ng survey results.
33:06Guest din ang wifey ni Dong na si Marian Rivera.
33:09Kasama ang cast at production staff ng Film Na Remember.
33:13Puhula rin sa survey ang mga kabaranggay ni Atoy sa Tabang Lupa
33:17from Team Master Cutter.
33:19Kasama rin ang cast ng GMA comedy drama TV series na Delivery Boy.
33:24Chika ni Dong natutuwa siya sa episodes hosted by his Kuya Bitoy.
33:29Very lively at nagkakaroon daw ng ibang flavor
33:32ang hosting ni comedy genius Michael V.
33:37Binatikos ng Malacanang ang tila pangmamaliit daw
33:40ni Vice President Sara Duterte sa Pwersa ng Pilipinas.
33:45Totoo man, meron tayong girian sa West Philippine Sea.
33:52Pero kapag iniisip ng pamahalaan,
33:56daanong ba kalaki ang baril ko?
33:59Daanong ba kalaki ang baril ng kalaban?
34:03Ni-humiliate ng Vice Presidente minaliit
34:07ng Vice Presidente Sara Duterte
34:09ang kakayahan ng mga Pilipino.
34:12Ang isang liderato hindi dapat sumusuko.
34:15Iisa lang ang bansa natin.
34:18Iisang bansa ang dapat natin punoprotektahan.
34:21Baka marami ng Manchurant Candidates
34:23ang nakapaligid sa ating bansa.
34:24Mag-ingat po tayo.
34:26Sa pagharap ng visa sa OFW community sa Hong Kong noong linggo,
34:30kabilang sa mga tinalakay niya,
34:32ang tensyon sa West Philippine Sea.
34:34Ang Pilipinas ikinumpiran niya sa hindi liit
34:37habang nagpakita naman siya ng kamao at braso
34:39para ilarawan ang pwersa ng China.
34:42Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
34:46umamahiya sa kakayahan ng mga Pilipino
34:48ang sinabi ni Vice Presidente Duterte.
34:50Tinalagan din ni Philippine Coast Guard Spokesperson
34:53for the West Philippine Sea Rear Admiral J. Tariela
34:55ang pahayag ng vice.
34:57Ang ganyang uri ng anyay defeatist mindset
35:01ang nagpapatapang sa China.
35:04Hindi raw laki ng braso ang laban ng Pilipinas,
35:08kundi ang UNCLOS, 2016 Arbitral Award,
35:11mga kaalyadong bansa,
35:13at mga insidente yung nagpapakita kung sino
35:15ang tunay na bully sa West Philippine Sea.
35:18Wala pang sagot dyan si Vice Presidente Duterte.
35:23Puspusa na rin ang paghahanda ng MMDA
35:25para sa ASEAN Summit sa susunod na linggo.
35:27May ulap on the spot si Oscar Oida.
35:30Oscar?
35:33Yes, Rafi, sa press briefing na pinangunahan ng MMDA
35:38sa kanila mismong tanggapan ngayong umaga,
35:40natalakay ang ilan sa mga isinasaguang preparasyon,
35:44maging ilan sa mga traffic management plans
35:46para nga sa gaganaping ASEAN dito sa ating bansa.
35:50Ayon kay Chairman Artes,
35:52wala daw magiging road closure.
35:55Meron lang mga ipapatupad na restrictions
35:57at mga stop and go mula pa nitong November 9
36:00hanggang November 18.
36:03Lahat ng papasok sa may PICC complex area,
36:06dapat may mga ASEAN sticker.
36:08Partikular yung mga itinuturing na security exclusion zones
36:12gaya ng Atang Dilarama Street,
36:14Vicente Soto Street,
36:16Pedro Bucaneg Street,
36:17Magdalena,
36:18Halandoni Street.
36:19Ang pwedeng alternatibong daanan
36:21kung kayo ay pa northbound,
36:23yan yung mga daanan along Jokno Boulevard
36:25at Makapagal Boulevard going to Ross Boulevard,
36:28e kumanan ng Seaside Boulevard,
36:30kumanan ulit ng Makapagal Boulevard,
36:33kakaliwa ng EDSA
36:34at kakaliwa papuntang Rojas Boulevard.
36:37Yung mga pa southbound naman,
36:39along Rojas Boulevard going to Jokno Boulevard
36:41and Makapagal Boulevard,
36:43pwede kong kumanan ng EDSA,
36:45kakanan muli ng Jokno Boulevard
36:48at kakanan ulit sa may Makapagal Boulevard.
36:51Pagtitiyak pa ng MMDA,
36:53yung mga ipapatupad naman ng mga stop and go
36:55ay mabilisan lamang.
36:56Pag nakadaan na raw ang convoy
36:58ng mga heads of states
36:59ay padadaluin na muli ang trapiko.
37:01Para naman sa mga itinakdang track routes,
37:04maaari daw ang sumangguni sa FBPH
37:05ang MMDA para sa detalye.
37:08Kaugnay naman ng mga adjustments
37:09sa barrier sa EDSA.
37:11Ayon sa DOTR,
37:12ito raw ay para mas lawakan
37:14ang dadaluyan ng convoy
37:16ng mga heads of states.
37:18Di raw kasi kakasya
37:19kung nakasa nakagawi
37:20ang bus lane lamang padadaanin.
37:23Nakiusap naman ng MMDA
37:24sa publiko na habaan ng pasensya
37:26at ilang araw lang naman
37:27ang ASEAN.
37:29Kagunay ng isasaguhang event,
37:31magde-deploy ang MMDA
37:32ng hanggang sa kanilang
37:332,637 na personnel.
37:37Rafi?
37:38Maraming salamat, Oscar Oida.
37:42Sa day 42 na impeachment trial
37:44ni Vice President Sano Duterte,
37:46humarap ang Corporate Council
37:47ng Gencore Industries
37:49at Metro City Chao.
37:51May ulit on the spot si Ian Su.
37:53Ian?
37:57Yes, Connie,
37:58natuloy na nga ang pagtistigo
38:00ni Atty.
38:00Suzeta Punay
38:02ang in-house counsel
38:04ng Metro City Chao Fools
38:06gayon din ng GenCorp Industries
38:08na ayon nga sa prosecution
38:10ay mga kumpanya
38:11kung saan nga may business interest
38:13si Vice President Sano Duterte.
38:16At sa pagsala nga sa kanya
38:18noon itong si Atty.
38:19Justin Nicole Gular
38:20ng defense team
38:22ay agad naman na Connie
38:23na nag-object
38:25sa kanyang presentasyon
38:27si Atty.
38:27Lorna Capuna
38:28ng prosecution team
38:29sabay tanong
38:30kung may board resolution
38:31ba nagpapahintulong
38:32sa kanyang pagharap
38:33sa impeachment trial.
38:34Sa ruling naman ni Presiding
38:36Officer Cheese Escudero
38:38piniyagan ang pagtistigo
38:39ni Atty. Punay.
38:40Kabilang sa mga inilahat
38:41ni Atty. Punay
38:42ay noong 2022
38:43wala ang pangalan
38:44ni VP Sara Duterte
38:45sa General Information Sheet
38:46o GIS
38:47ng GenCorp Industries.
38:49Wala rin daw ang pangalan
38:50ni VP Sara Duterte
38:51sa mga opisyal ng GenCorp
38:52noong 2023,
38:542024,
38:55at 2025.
38:57Sabi ni Atty. Punay,
38:59nalaman niya
39:00ang pagbanggit
39:01sa GenCorp Industries
39:02sa impeachment trial
39:03sa pamamagitan
39:04ng mga social media posts
39:06na banggitin na
39:07Ania ang GenCorp
39:08ni Atty. Alex Cabrera
39:10na expert witness
39:11ng prosekusyon
39:11at nagsabing
39:12may 20% share
39:13si VP Sara
39:14sa GenCorp
39:15at Metro City Chao.
39:17Objeksyon
39:18ni Atty. Lorna Capuna
39:19hindi maaring kontrahin
39:20ni Atty. Punay
39:21ang expert opinion
39:22ni Atty. Cabrera
39:23pero pinayagan
39:24ni Presiding Officer
39:25Jesus Codero
39:26si Atty. Punay
39:27na sumagot
39:28base sa personal knowledge
39:29at mga hawak
39:30na dokumento.
39:31Tinanong ni Gular
39:32si Atty. Punay
39:33kung ano masasabi niya
39:34sa factual finding
39:35ni Atty. Cabrera.
39:37Sagot ni Atty. Punay
39:39incorrect daw ito.
39:40Ang total paid up
39:41daw sa corporate records
39:42ay 1.2 million pesos
39:44at hindi niya alam
39:45kung magdaragdag
39:46ng 20%
39:47at kung magkakaganoon daw
39:49ay magiging
39:501.5 million
39:51ang amount paid
39:53at nang tanongin
39:53ni Atty. Gular
39:54kung anong tawag
39:55sa sitwasyon na iyon
39:56it's absurd
39:57anya
39:58nag-move si Atty. Capuna
40:00na ma-strike out
40:00ang nasabing salita
40:02ang absurd daw
40:03ay ang testimonya
40:04ni Atty. Punay
40:05dahil conclusion
40:06at opinion
40:07ang mga ito
40:07kaya nag-object din dito
40:09si Defensa
40:10Counsela Gular
40:11sa ruling ni Escudero
40:12pinali sa record
40:13ang nasabing absurd
40:14ni Atty. Punay
40:17si Atty. Punay
40:18ang ikaapat na witness
40:20na i-presentan
40:21ng defense team
40:22siya ang dapat
40:23ang maunang testigo
40:25nitong lunes
40:25na umatras nga
40:26binang witness
40:27si Dean Ralph Sarmiento
40:28pero hindi rin natuloy
40:29dahil nakaschedule
40:30ang kanyang medical procedure
40:32kung may sapat na panahon
40:33susunod sa kanya
40:34ang bank officials
40:35na ipinasubi na rin
40:37ng depensa
40:38kahapon
40:39nagbawas na ng witness
40:40ang depensa
40:41hindi na isasalang
40:41sa witness na
40:42si Kapitana Cindy Colina
40:43ng barangay
40:45Matina Crossing
40:45sabi ni Atty. Michael Powa
40:47hindi na kailangan
40:48ng testimonya niya
40:49dahil nga may nauna
40:50ng testigo
40:51na nagkumpirman
40:52na ang Matina Crossing
40:53at parangay 74A
40:54ay iisa lamang
40:55sinabi ni Escudero
40:56na kung siya ang tatanungin
40:58mas maiging matapos
40:59ang impeachment trial
41:00bago ang Pasko
41:01o bagong taon
41:01para sa bagong yugtuna
41:03ang bansa
41:04sa 2027
41:06pero depende raw ito
41:07sa magiging takbo
41:08ng presentasyon
41:08ng ebidensya
41:09ng depensa
41:10at paggulong
41:11ng pagdilitis
41:12si Atty. Michael Powa
41:13rin ay hindi masabi
41:14kung bagong magpasko
41:16ay tapos na
41:16ang impeachment trial
41:17ang 24 na witness
41:19na ipinatawag nila
41:20ay para lamang daw
41:21sa linggong ito
41:23may lalabas silang
41:23mga pangalan ng witness
41:24para sa November 19
41:26and 20 na pagdinig
41:28sa araw yan
41:29ng biyernes
41:30ayon kaya
41:31Public Prosecutor
41:32Representative Terry Redon
41:33sa nakalipas
41:34sa dalamang araw
41:34nakita umano
41:35ang evasive
41:37na mga testigo
41:38kaya umaasa siyang
41:39mas maayos
41:40na sana
41:40ang mga testigo
41:41sa paglilitis ngayon
41:43at samantala
41:44kinumpiraman naman
41:45sa GMA News
41:45ni impeachment court
41:46ka clerk report
41:47at attorney Renato Bantog
41:49na sa November 23
41:50ay wala mo nang trial
41:52para magbigay daan
41:54sa pagtalakay
41:55ng 2027
41:56national budget
41:58Connie
41:58sa mga sandaling ito
42:00ay nagpapatuloy pa rin
42:01ng direct examination
42:02ni attorney Gular
42:04dito kay attorney Punay
42:05at Connie
42:06itong tinatalakay ngayon
42:08sa Gencorp Industries
42:09pa lamang
42:10at inaasang
42:10kahit pa mag lunch break
42:11pagbabalik ng
42:12impeachment trial
42:14mamayang hapon
42:15ay yung Metro City Chow
42:16naman
42:16ang tatalakayin
42:18itong si attorney Gular
42:19tsaka pa lamang
42:19magkakaroon
42:20ng cross examination
42:21at interjection
42:22ang mga senator judge
42:24at ang latest
42:24mula rito sa senado
42:26balik sa iyo Connie
42:27maraming salamat
42:28Ian Cruz
42:32thankful si na Marian Rivera
42:33at ding dong dante
42:35sa supportang matanggap
42:36para sa kanilang
42:37pelikulang Remember
42:38sa world premiere
42:39kagabi
42:40present ang cast
42:41ng pelikula
42:41pati ang direktor
42:42na si May Cruz Alviar
42:44na siya ring direktor
42:45ng box office hit
42:46na Rewind
42:47noong 2023
42:48present din
42:49ang ilang kapuso stars
42:50na full support
42:51sa pelikula
42:52kabilang ang co-star
42:53si Ding Dong
42:54sa GMA Prime series
42:55The Master Cutter
42:56dumating din
42:57si Napo Kuang
42:58at Cara David
43:00showing na sa mga sinihan
43:02simula ngayong araw
43:03ang pelikulang Remember
43:05chika ng dong yan sa akin
43:06proud sila
43:07sa pelikula
43:08at sa kwento nito
43:13Mapagmamalaki
43:13oo
43:14dahil
43:14sa bawat
43:15ginawa namin
43:16mga eksena yata
43:18na sabi ko
43:18sa mga anak ko
43:19yung mga pinagdaanan
43:20at mga emosyon
43:21na ibinigay namin dito
43:22very excited kaming
43:24ibahagi ito
43:24sa mga
43:25mga kapanood
43:26nakakatuwang makita
43:27yung kanilang insight
43:29yung kanilang reactions
43:30pati
43:31pero higit sa lahat
43:32yung mga tanong nila sa amin
43:33gusto pa nilang malaman
43:34kung ano ba yung kahulugan nito
43:36sa amin
43:36as the people
43:37behind the film
43:40At yan
43:41ang may init na balita
43:42ngayong tanghali
43:43ako po si Connie Sison
43:44Rafi Tima po
43:45huwag bibitiyo dito
43:46sa GTV
43:47at sa GMA News
43:48live stream
43:48para sa special coverage
43:50ng impeachment trial
43:51Kasama nyo rin po ako
43:52Aubrey Carampert
43:53Ito po ang GMA News
43:54walang kinikilingan
43:54walang pinaprotektahan
43:56Noon at ngayon
43:56servisyong totoo